Chapter 36: Allergy

159 4 0
                                    

Chase pov's




     Nang makarating ako dito sa bahay wala pa si Janna pero makaraan ng ilang minuto dumating na rin s'ya. Hindi ko naman siya naiisabay umuwe dahil kung saan saan pa siya sumusuot. Naisipan ko na lang magluto ng adobo para sa ulam namin ngayong hapon. Napansin ko rin na bad mood pa rin siya ngayon kaya hindi ko na lang muna ginulo at ipinagpatuloy na lang ang aking niluluto.

"Hmm. Mukhang masarap!" napatingin na lang ako sa kanya na nakalapit na pala sa'kin.

"Syempre ako ang nag luto." proud ko pang sabi.


"Hangin! Ano ba 'yan?" tanong niya pa ulit.


"Adobo."nagulat naman s'ya bigla dahil sa sinabi ko.


"A-adobo!?" tanong naman niya sa'kin kaya naman nacurious ako.


"Bakit may problema ba?"



"Ahm! Wala..." saka siya pilit na ngumiti.


"Bibili nalang ako ng iba kung ayaw mo n'yan." tiningnan naman niya ako't umiling.


"H'wag na. Tapos na ba 'yan? Tara na kain na tayo." aniya at bumalik na sa may lamesa. At kumuha ng dalawang plato.


    Pinagmamasdan ko lang s'ya habang kumakain at mukhang napipilitan lang kaya naman napakunot na lang ako. Pagkatapos naming kumain nag suggest ito na s'ya na lang daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin
Hindi naman ako umalis sa malapit sa kanya dahil napansin ko na namumula s'ya at namamantal ang mga braso.


"Ayos ka lang? " tanong ko sa kanya after n'ya matapos maghugas ng kamay.


"Oo naman."namumula pa rin siya.


"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa ulit. Hindi na talaga ako mapakali dahil nag iiba na ang  kanyang aura.


"Oo—" bigla na man s'yang inubo.


"Magsabi ka nga." lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang braso nito.


"A-allergy kasi ako sa adobo." sabi niya na ikinalaki ng aking mata at ngayon hawak na n'ya ang kanyang dibdib.


"Do you have a medicine for that?" aligagang tanong ko naman sa kanya.


"Nasa mansyon." napahawak naman ako sa'king mukha.




Seriously?...







"Shit!"






***

Sandrie pov's


"Buang kasi 'yang Janna na 'yan 'di marunong mag sabi." palatak ko naman.

"Porke't tulog 'yong tao gaganyanin mo na." napairap naman ako kay Anna.

"Eh, Ano? Kasalanan n'ya naman dahil alam na alam naman n'ya na allergy s'ya sa adobo kumain pa kung hindi lang talaga namang ogag! Kahit naaligaga dahil sa biglaang pagtawag ni Chase na isinugod daw si Janna dito sa ospital. Akala ko kung napaano na." palatak ko naman ulit na ikinakamot naman ni Chase na halatang nag aalala pa rin sa hilaw niyang asawa.


Flashback


   Kasama ko ngayon si izrah dahil ihahatid n'ya ako sa bahay ngayon. Sira kasi 'yong kotse ko dahil pumutok 'yong gulong sa unahan. Ayaw ko talagang sumama sa kanya pero bina-blackmail n'ya ako na sasabihin ni Kay dad na tumatanggi ako sa kanyang alok. Ikaw ba naman ang hindi mainis ng tayong 'yon. Hindi pa tapos ang pakikipagusap sa aking sarili bigla na lang nag ring ang cellphone ko. Kaya naman ng kunin ko nakita ko ang pangalan ni Chase. Aba himala't tumawag ang bakulaw na 'to. Bakit kaya?


"Hello?"



"Drie, pumunta ka ngayon dito sa St.joseph hospital ngayon na..." nacurious naman ako dahil nasa boses pa rin niya ang pag aalala.


"Bakit?" gulong tanong ko pa rin.


"Bilisan mo dinala ko kasi si janna dito sa hospital....."


Tot tot tot.

"Izrah, ibalik mo bilis." taranta kong utos kay Izrah.


'Bakit?" takang tanong nito.


"H'wag ka na magtanong basta bilisan mo ibalik mo. Pupunta tayong St.Joseph Memorial Hospital"

End of Flasback.




"Siguro mangiyak-ngiyak ka nang time na 'yon." tumatawang paninigurado ni Monkey.

"Tumigil ka nga d'yan MONKEY." saway naman ni Shiela na dahilan kung bakit tumahimik s'ya. Under ang lalaking 'to pag nagkataon.

"Baka hindi na naman s'ya makapasok bukas n'yan. Alam n'yo naman 'yang si Janna mahina talaga ang resestensya." sabat ni Anna.


"Ayos na 'ko." sabay sabay kaming napatingin sa kanya. At tiningnan ko naman ito ng nakamamatay.


"Kung nakamamatay talaga 'yang tingin mo kanina pa ako na tigok dito." nakangusong sabi ni Janna.

"Hindi ka pa papasukin ng devas." banat naman ni Anna.


"Tsk!"


"Nasa ospital ka na lahat lahat ang sungit mo pa rin." pakamot-kamot na sabi ni Liam.

"Hindi naman natatanggal ng anistesya ang ugali." sabi naman ni Janna.

"Ah! Kaya pala ganyan ang ugali mo." bigla na lang pumasok ang Mom ni Janna.


"M-mom!" bigla naman s'yang napalunok samantalang ako napatingin lang kay Chase na nakapambahay pa. Mukha talagang nag alala siya kay Janna. Baka naman talagang nahuhulog na siya d'yan.


***

Janna pov's


   Pag kapasok ni Mom sa kwarto ng ospital ang daming sermon agad ang ibinato niya sa'kin at sumang-ayon pa ang lahat lalo na ang Chase. Kaya naasar ako. Nang makauwe din ako kinagabihan natulog na kaagad ako.

Kinabukasan naman hindi ako pinapasok ni Chase dahil baka daw mabenat. Hindi ko alam pero ang O.A naman niya ata. Kaya 'yon wala na akong nagawa at pumayag na din. Dahil sa boring ko pinanood ko na lang 'yong Hunger Games:Mookingjay.

Nang nasa kalagitnaan ako ng panonood bigla na lang may nag doorbell. Kaya naman napakunot ako Sino kaya 'yon? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon kaya naman tumayo ako at nang umabas ako nakita ko si Cassandra na nakatayo sa may gate. Anong ginagawa n'ya dito? Nagmadali naman akong lumapit at binuksan ang gate.

"Hi." bati na lang n'ya sa'kin.

"Pasok ka." pag anyaya ko sa kanya pero teka paano n'ya nalaman na taga-dito ako?

"Kumusta ka na?" tanong niya ng makapasok kami sa loob.


"Mabuti naman na. Maupo ka muna ipagtitimpla lang kita ng juice." ano bang ginagawa n'ya dito? Nang matapos kong mag timpla bumalik na ako sa harapan niya saka ko ibinaba ang juice sa lamesa.

"Salamat." tumango na lang ako at umupo sa tapat niya.


( kuliglig sounds)



"Paano mo nga pala nalaman 'to?"tanong ko sa kanya.



"Ahm... Kay Mr.Montella." sagot niya.


"Kay shin pala. Bakit pala napadalaw ka?"




"Ahm... Janna, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Sa ginawa ko sa'yo noon kung bakit ka na kick-out sa Eastern?" nakayuko n'yang sabi.


"H'wag ka nang mag sorry matagal na kitang napatawad saka hindi naman ako totally nagalit sa'yo isa pa kasalanan ko rin naman umalis ako nang walang paalam at nang bugbug pa." napatawa naman ako bigla nang maalala ang lahat ng 'yon.





***

I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now