Chapter 15: Heartbeats

190 9 0
                                    

Janna pov's



Hindi na ako tumanggi pa ng mag suggest si Casper na ihatid ako dito sa bahay. Hapon na rin kasi isa pa wala pa naman akong kotse. "Bye! Nga pala thank you sa kanina at sa paghatid mo sa'kin dito sa bahay."napakamot naman siya sa batok at tumango na lang.

"Ah, wala 'yon." aniya kaya naman napakunot noo ako.


"Bakla ka ba?" iniangat niya ang tingin sa'kin.

" Hindi ganito lang talaga ako."napatangu tango naman ako.

"Gano'n ba?" tumango naman siya at umatras na.

"Sige na."tumango na lang ako." ..bye" kumaway naman siya sa'kin.

"Ingat."tumango siya at tuluyan nang pumasok sa kanyang kotse.


" Bye ulit."aniya saka pinaandar na.

Pumihit na rin naman ako papasok sa loob ng bakuran namin."..magandang hapon po,Mang Ping."bati ko sa guard namin.

"Magandang hapon din naman,Ija" bati niya pabalik sa'kin.

"Nag meryenda na po ba kayo?" masigla kong tanong sa kanya.

"Ah, oo naman may nilutong bananaque si Manang mo kanina." natakam naman ako bigla at tumakbo papasok sa bahay. Hindi na nga ako nakalingun ng tawagin ako ni Manong dahil sa subrang pagka-excite. Ngunit pagpasok ko bumungad naman ang nakakainis na mukha ni Chase habang salubong ang mga kilay. Ano na naman bang problema niya sa'kin? Paakyat na sana ako kaya bigla naman s'yang nagsalita.

"Nanliligaw ba sa'yo si Casper?" napalingun ako.

"Oh, Ay ano naman sa'yo?" mataray tanong ko sa kanya. Kaya naman humarap siya sa'kin.

"Baka nakakalimutan mo..." napaismid naman ako. "...na fiancé kita."



" Oo nga fiancé kita at hanggang doon na lang 'yon. Isa pa bakit ka affected? Hindi naman tayo close. Saka 'di pa tayo kasal." iniwan ko siya doon at nagpatuloy na sa pag akyat.

At pagbukas ko ng kwarto malinis na dingding ang naabutan ko. Wala na 'yong picture frame namin ni Ken na nakadikit doon kaya naman inis akong lumabas saka bumaba.

"Nay lanie, pumasok po ba kayo kwarto ko."humahangos na tanong ko sa kanya.

"Hindi, bakit may nawala ba?"tanong naman niya sa'kin.

"'Yong picture po namin ni Ken na nakalagay sa frame. Si mom po ba bumalik na s'ya? " napatawa naman bigla si Nay Lanie. "Bakit po?" iniabut naman niya sa'kin 'yong juice na hawak niya at malugod ko 'yong tinanggap.

"Hindi ba't tatlong linggo pa sila sa L.A." napakamot ako bigla. "At 'yong frame hindi ko nakita."

"Ah, sige po salamat."napayuko naman ako paakyat sa kwarto ko at umupo sa mini sopa ko. Maya-maya pa may nakita akong cellphone na nakapatong sa study table ko at no'ng tumayo ako at lumapit do'n nakita ko ang isang Iphone. Ibinaba ko 'yong baso saka binuhay ang phone na 'yon. At doon bumungad sa'kin ang mukha ni Impakto. Mukhang alam ko na kung sino ang walang hiya na pumasok ng kwarto ko.



Binuksan ko bigla 'yong pinto ng kwarto ni yabang at ayon gulat na gulat dahil sa biglaang pagpasok ko. At napatingin naman ako bigla sa ginagawa niya. Napasimangut naman ako bigla wala akong pakealam kung naka topless pa siya paki ko.


"What are you doing here?" gulong tanong niya.


"Ikaw ba ang pumasok sa kwarto ko?" patay malisya kung tanong sa kanya pero agad akong nakaramdam ng pagka ilang dahilan para napaiwas ako ng tingin.


Naramdaman ko naman na humakbang siya palapit ya sa'kin kaya naman napaatras at akmang lalabas na ng higitin n'ya ako at pikit na napahiga sa kama. Pagmulat ko nakita ko siyang nasa ibabaw ko na nakangisi at titig na titig lang sa'kin.

"Paano kung ako nga? Anong gagawin mo?"unti unti na n'yang inilalapit 'yong mukha niya sa'kin. Mas lalo naman akong nainis sa kanya. Agad kong itinaas ang kanang kamay ko saka siya sinuntok sa mukha na dahilan kung bakit napalayo siya sa'kin.

" Fuck!" mura niya habang nakahawak sa mukha.

"Masakit ba? Sa susunod na gawin mo 'yan baka hindi ka na ulit pa makalabas ng bahay dahil sa piklat sa mukha mo." bumangon ako saka umalis sa kwarto niya. Tumingin ito sa'kin habang sapo ang mukha."H'WAG KANG PAPASOK SA KWARTO KO."inis kung ibinato sa kanya 'yong cellphone niya at lumabas sa kwarto niya. Bilis bilis naman akong pumasok sa kwarto ko at napasandal sa pintuan kasabay no'n ang paghawak sa tapat ng puso ko.

Bakit napakabilis naman 'ata ng tibok nang aking puso? Ano bang nangyayari sa'kin?May posibilad kaya na magustuhan ko amg laspangang lalaki na 'yon? Napahawak naman ako sa'king mukha. Hindi maaari ang bagay na 'yon.



**

Chase pov's

Nang makalabas siya napahawak ako sa dibdib ko. Pangalawang beses na nangyari ang bagay na 'to sa'kin? Ibig bang sabihin no'n gusto ko na siya? Napatingin naman ako sa cellphone ko na nahulog sa sahig.


"Ang tanga mo,Chase! Gagawa ka na lang ang dumi pa." sisi ko naman sa'king sarili. Dinampot ko naman kaagad sa sahig 'yong phone ko bigla naman akong nanghinayang dahil may crack na 'yong screen nakakainis.

Naandito na kami sa dining at nag hahapunan tahimik lang s'yang kumakain samantalang ako panay pa rin ang nakaw tingin sa kanya. After n'yang matapos ang pagkain tumayo na ito.

"Nay, pahinga na po ako. " paalam niya. Tumangu lang naman si Nanay Lanie. At nang makuha niya ang sagot ni Nanay umalis na rin 'to ng hindi man lang nagtatapon ng tingin sa'kin.

"Nay lanie, ilang months po sila nong ken." tanong ko kay Nay lanie matapos ang dalawang minuto.

"Hindi buwan kundi taon." napatango naman ako. Kaya ba napakahalaga ng picture na 'yon sa kanya pero break na sila hindi ba?

"Ilan po ba?"

" Dalawang taon sila at ang pagkakaalam ko monthsarry nila ngayon."



May gad cassie....



"Mabait na bata 'yang si Lee may pagka suplada pero kunti lang naman. No'ng dumating sa buhay n'ya si ken nag bago s'yang tuluyan pero alam mo na ngayong fiancé ka na niya para bang bumalik ang dating siya."

Matapos kung kumain at tulungan si Nay Lanie na mag linis ng kinainan umakyat na ako sa kwarto ko saka nahiga medyo parang may tugtugan sa kabilang kwarto ang lakas. Ano bang trip na naman ng babaeng 'yon?






***

I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now