Chapter 07: She Change

291 11 0
                                    

Joanna pov's

"Janna, Sana 'wag bumalik 'yong dati mong ugali 'yong pagiging cassanova mo." Napatingin naman ako kay Shiela na ibinabalik ang aklat sa bag niya at tumingin ulit kay Janna. Napatingin din ako kay Janna na unti-unting sumilay ang mapag asar na ngiti sa kanyang mga labi.

" Paano kung bumalik?"aniya saka kumindat kay Shiela natawa naman ako. At saka niya nasapo kanyang noo . Bakit pa kasi binanggit niya pa ang bagay na 'yon? Kung hindi nga naman lutang minsan ang kaibigan kung ito.

Nabaling naman ang tingin ko kay Drei na masamang tingin lang ang ipinukol kay Janna. Na kaagad namang itinaas ni Janna ang kanyang dalawang kamay at umiling iling. "Joke lang! I promise, Cross my heart. Until you die." sabay hagihik na ikinalukot naman nang mukha ni Sandrei lalo.  "...'di na ako babalik doon. "napatigil siya na para bang may inisip saka tumalikod.

"Tara na. Like Shiela, said nag bell na late na tayo kay Sir Pogi." kahit na pinilit n'yang maging masaya ang boses niya makikita pa rin sa kilos nito ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Alam ko naman na kaya ni Janna at andito kami para tulungan s'ya.

[Park House]

   Nakatambay kami ngayon dito sa kwarto ni Janna at ang tahimik na naman niya minsan lang  siya naging tahimik. Ngayon lang na wala na si Ken sa buhay niya. Sa tatlong taon ba naman na pagsasama nila at patago pa. Hindi ka kaya masaktan nu'n sa subrang mahal n'yo ang isa't isa may mga bagay talagang dapat tanggapin na lang bandang huli.

Kaya ayaw kung mag lovelife,eh sakit lang dulot.

"May problema ka ba?" napansin siguro ni Drie ang biglang pagtahimik nito.

"Wala. May iniisip lang." Aniya saka ito matabang na ngumiti at tumalikod na ulit.

"Si Keint? Para saan pa at naging kaibigan mo kami. " dugsong ko naman.

"Wala akong problema. Isa pa 'wag n'yo na munang banggitin ang pangalan ni Ken sa harapan ko o kapag kasama n'yo ako. Kung pwede lang sana."pakiusap naman niya na ikinatango naming tatlo.

" Oo na! Basta ba 'wag ka nang iiyak dahil sa kanya."inakbayan naman siya ni Shiela. Si Drei naman walang pakialam na humilata sa kama ni Janna. Ako naman kinain ko na 'yong stick-o na stock ni Janna sa food cabiner niya. Sayang kasi baka mabulok.

**

Umuwi na rin kami pagkatapos ng bonding namin isa pa napansin ko na habang tumatagal paranag iiba si Janna, 'yong tawa n'ya medyo pilit 'di naman siya gano'n pero iwan ko kung napansin 'yon nong dalawa. Napakamot naman ako sa batok at hinarap 'yong computer ko.

"YAOI! YAOI!" ngising sambit ko naman. Hindi ko naman maitatanggi na talagang mahilig ako sa Boy's Love ang cute kasi ng love story nila. Masasabi ko ngang mas nakakakilig pa 'to sa isang normal na lovestory.

***

Sandrie Pov's

   Napansin ko na parang ang cold niya kanina pa dati inihahatid n'ya pa kami pag paalis na kami ngayon wala na sa kanya. Hinayaan na lang niya kaming lumabas na hindi man lang kami inihahatid talagang natitiis na niya kami sana usugin siya ng kanyang konsensya. Hindi naman sa gusto ko 'yong inihahatid niya kami pero talagang nagbago na ang pakikitungo niya sa'min.

Kinabukasan maaga akong nagpahatid sa driver ko. Naglalakad ako dito at papunta sana sa infirmary room nang may marinig ako.

"Break na naman kayo so pwede mo naman na siguro akong date n'yan."napakunot noo naman ako bigla.

"Tss" rinig kong pagsagot ng babae. Ngunit napakapamilyar nang boses na 'yon.

"Lee—" nanalaki naman ang mga mata ko ng tawagin niya ang kanyang second name.

"Asa ka pa. "

"Ano payag ka na?" pangungulit pa ng lalaki.

"No! "cold n'yang sagot.

"Pakipot ka pa noon nga lagi kang nakikipag date sa'kin."sino ba 'yong lalaking 'yon?

"SHUT UP YOUR MOUTH !! "sigaw ni Lee. Bakit ko nalamang si Lee? Malamig kasi ang boses niya na medyo may pagka bossy at lalo na sa mga salita niyang napalamig. Parang relasyon ng mag syotang hindi na halos nag uusap ngayon.

  Sumilip naman akonat hindi na rin nagulat nang mapagtantong si Janna nga 'yong nasa harap ni Jake. Sa  mukha pa lang ni Janna makikita ang lungkot at sa malamig na titig niya doon sa lalaki.

"Bumalik ka na kasi sa pagiging Cassanova at I-date mo na ako."pangungulit pa nito at itinapun 'yong sigarilyo sa sahig saka inapakan.

  Hindi rin talaga siya  makulit talaga nagulat ako nang bigla n'yang kwelyuhan si Jake na kaagad ding ikinagulat ng lalaki.

"Fuck you!" mura niya dito. "...ang kulit mo rin ano 'di na ako babalik hindi pa ba malinaw sa'yo 'yon? Tinagalog ko na o baka naman gusto mo nang matapos ang buhay mo ngayon pa lang. Kaya sana tigilan mo na ako baka naman gusto mong makarma sa ginagawa mong pang bubully sa iba at ako mismo ang bumully sa'yo. Jake, matino akong kausap."saka niya binitawan ang kwelyo nito.

  Napaatras naman si Jake marinig niya ang mga katagang binitawan ni Janna mismo sa harapan niya. Napatanga naman ako dahil sa inasal ni Janna at Si Janna nga ba talaga siya parang hindi. Parang naninibago ako sa Janna na kaibigan namin.

She change maybe...

   Makikita rin sa mga mata niya ang galit lalo na ang lungkot at sakit. Bakit ka nagkakaganyan,Janna? Bakit napasok siya sa sitwasyong nahihirapan siya?

"Asa ka naman na masisindak mo ako." Saad naman ni Jake na mukhang naka recover na sa pinagsasabi ni Janna sa kanya.

"Tang ina! Sinusubukan mo talaga ako." Inihanda niya ang kanyang kamao saka pinakawalan kay Jake na dahilan kung bakit ito bumulagta sa sahig.

" You Bitch!" aniya dahil sa natamo nitong suntok. Tumayo naman ito at akmang gagantihan si Janna. Nang makaiwas ito at sinikmuraan dahilan para mapaluhod ito at tuluyan nang nawalan ng malay. Walang emosyon na tiningnan niya ang kaawa-awang lalaki na nakabulagta sa sahig.

Bumuntong hiniga ako at sumandal sa pader saka matiim ko s'yang tinitigan. Nang mapatunghay ito nagulat pa siya ngunit naging blangko na naman ulit ang ekspresyon niya.

"May problema ba?" patay malisya niyang tanong sa'kin.

( •…• )

  Nag half smile lang ito sa'kin saka naglakad na rin papalayo na  para bang walang nangyari sa bakanteng kwarto na 'to. Naiiling na lang ako nag iwan ng tingin sa lalaking wala paring malay hanggang ngayon saka nilisan ang lugar.


***

A/n: Sorry for does ppl na nagbabasa nito. At sa mga sumusunod na pahina. This story is under revision pa po. Kay uunahan ko na kayo na baka sa susunod na chapter ay puro tuldok na lang ang bumubuo sa isang chapter.

Again advance sorry mga cutties.♥


I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now