"Halika sa bahay!"

Sumama si Jennica pero panay pa rin ang sulyap niya sa sasakyan ni Nigel at pilit na iniisip kung bakit ito nagtatago, then it hit her, Oh! Muntik ko ng makalimutan, mag-ex pala ang dalawa. Haha! At siyang naging mitya ng pagtatag ni Rannieka ng PS Haters Club.

Si Rannieka naman ay pilit na inaalis sa isip ang nakitang sasakyan, pamilyar kasi sa kanya ito. Pati ang amoy ni Jen nang lumabas ito sa naturang sasakyan ay amoy ng kanyang walang hiyang ex-boyfriend na si Nigel Santos, Ah baka nagkataon lang.

Nang makarating na nga sila sa mansyon ay saglit na pinaupo ni Rannieka ang kanyang kaibigan sa couch at pinuntahan saglit ang kanyang surpresa para dito.

Nang mawala sa kanyang paningin ang kaibigang si Rannieka ay tumingintingin muna si Jennica sa mga picture frame na nakahilera sa sala. May picture ng mga magulang ni Rannieka, picture ni Rannieka mag-isa, and of course, mawawala ba naman ang larawan ng magkakaibigang JRJ? Kinuha niya ang isa sa mga frame na nakawacky pose silang tatlo, siguro anim na taong gulang pa sila ng kuhanin ang litratong ito. They were so cute and adorable back then kaya lang umalis ang isa, iniwan silang dalawa ni Rannieka.

"Jennica . . . "

Halos mabitawan ni Jennica ang picture frame nang maring ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya agad nakapagreact nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod. Ramdam din niya ang mainit na likidong unti-unting bumabasa sa kanyang damit.

"I miss you bessie! Waahh!" 

Napatakip ng tenga si Jennica nang sumigaw ang babaeng yumakap sa kanya. "Josephine awat na!" natatawa niyang saway saka ito nilingon. "Wow." papuri ni Jennica nang suriin ang babae mula ulo hanggang paa. Malaki kasi ang pinagbago nito, sabagay, sampung taong gulang pa lamang sila noong huli silang magkita. "Pumandak ka yata?"

Nagpout lamang ang dalaga  saka sinabing, "Kumusta ka na?" 

Lumapit si Rannieka sa mga kaibigan at nakisali sa yakapan.

"Ayos lang. Eh ikaw? Bat ang tagal mong bumalik galing South Korea? May hapon ka na ba roon?"

"Tange bessie, hindi hapon kundi koreano." pagkontra ni Rannieka.

"Pareho lang iyon, mga intsik."

"Haha! Kayo talaga! Group hug na nga lang!"

They all chuckled out of fondness while hugging each other. They thought on how they missed their bonding together, their personality clash, their sleepovers, they missed everything they did back then.

Ngunit agad namang naputol ang kanilang hugging moments nang may nag-door bell at bilang nasa sala na sila ay si Rannieka na mismo ang nagbukas para tingnan kung sino ang distorbong iyon.

"Ma'am Rannieka, aalis na po tayo." 

Malungkot na nag-pout si Rannieka saka lumapit sa dalawa niyang bestfriends, "Aalis muna ako ah? Mabilis lang ako roon promise!" may dadaluhan kasi siyang event at hindi niya ito matanggihan dahil ang papa na niya mismo ang nagpumilit na pumunta siya.

Sandali silang nagkatinginan tatlo at maya-maya ay sabay na napangiti, "J for Jennica~"

"R for Rannieka~"

"J for Josephine~"

"JRJ FOREVER!" sabay nilang sigaw kasunod ang malutong na halakhak.

"As usual, out of tune pa rin si Rannieka. Haha!" pang-aasar ni Jennica.

"Tse! Sige na bye!" 

Hinatid ng dalawa ang kaibigan papuntang gate and they both wave goodbye sa papaalis na kotse ng dalaga.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now