"Baka naman wala lang siya sa matinong pag-iisip?"

"Mabuti sana kung ganoon pero hindi eh. Dinaan namin siya sa psychology tests at wala naman siyang deperensya sa pag-iisip. Humingi siya sa amin ng ikalawang pagkakataon pero naulit lamang ito. Limang lalaki na ang dumaan sa kanya at lahat ng kanyang anak na tumuntong ng tatlong taon ay iyon ang nagiging kapalaran." 

Napalunok si Jennica nang marinig ang salaysay ni Reymond. Ayaw man niya ay kailangan niya pa ring tanungin dito kung paano ito namatay, "P-paano mo siya pinatay? Anong ginawa mo?" 

Nawala na ang luha sa mga mata ni Reymond at napalitan na ito ng malademonyong aura. Bumitaw siya pagkakayakap sa dalaga at ngumiti ng nakakatakot, "Gaya ng ginawa niya sa mga anak niya." 

Jennica gasped and her eyes widened, "K-kinain mo rin siya?"

"There's no way I'm gonna eat a demon. Sa aso ko siya pinakain. So . . . you wanna do it?" direktang tanong ni Reymond. Please say no. Please say no., taimtim niyang panalangin. Hindi naman kasi totoong napatay niya ang ginang, bago pa man niya ito sinimulang pagtatadtarin ay pinahinto na siya. Tapos na umano ang pagsusulit. Not now Jennica, hindi pa ako handa., he has to act well kasi hindi pa nga siya handa na isabak si Jennica sa Stage na iyon.

"Mamamatay ba silang lumalaban?"

"Oo. Kailangan mo muna silang talunin bago mo sila mapatay."

"Okay."

Napataas ang kilay ni Reymond, "Anong ibig mong sabihin sa okay?" bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nag-aalala kasi siya para sa dalaga, masyadong mapanganib na tao ang ipangtatapat nila rito. Alam niyang magaling na nga si Jennica pero hindi niya talaga maiwasang mag-alala.

"Ang ibig kong sabihin ay . . . "

***

TUMUNOG ang cellphone ng binatang si Oasis at nang tingnan kung sino ang nasa caller ID ay hindi na siya nagulat, "Hello Elizabeth."

"Son, nagawa mo ba ang pinapagawa ko?"

"Not yet." kailangan niya kasing sabihin sa mga ito na wala namang kakaiba sa dala-dalang kemikal ng dalaga. He promised to offer his help to the 6th Generation and here he is, doing a white lie.

"Ok. Nasaan ka ba ngayon?"

"Kotse?"

"Dumb answer."

"For a dumb question."

Elizabeth giggled then said, "I have a good news for you!"

"We have different standard for 'good' Elizabeth."

"Yeah I know but this is about your first love, bumalik na ang kanyang ala-ala." 

He automatically stepped on the break kahit nasa kalagitnaan sila ng highway. Napatingin siya kay Andrea at lihim na nagpasalamat na sinuotan niya ito ng seatbelt. Tulog itong nakaupo a kanyang passenger eat at plano niyang ihatid ito pauwi sa kanila.

"Code Ideal connecting to Code Genius please respond."

"Elizabeth I have to hang up." ibinaba na nga niya ang kanyang cellphone at pinindot ang earpiece, "Code Genius responding, over."

"Ano na? Sabi ng ama ni Jennica nasa iyo na raw ang resulta at may isang kemikal doon na hindi nila matukoy. Ano iyon?"

"It's nothing. Just a combined Zirconium and Protactinium."

"Talaga?" tila skeptical na tanong ni Reymond.

"You don't believe in your genius friend?"

"Fine. Roger that."

Napansin na lamang ni Oasis na marami na ang bumubusina sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinaandar ang kotse, Lying to my friend. Knowing that she's back. And kissing this girl. Shit. What a tiring day.

***

NAKA-UPO sa isang bench ng Garden Unit ang magkasintahang Jennica at Reymond at pareho silang bagot na bagot. Kanina pa sila nagbi-brainstorm kung ano ang kanilang gagawin.

"Akala ko gagawin mo na."

"Akala ko ba, iiwasan na natin ang paksang iyan?" tanong ni Jennica at inihiga ang kanyang ulo sa lap ng binata. Kasalukuyan niyang iniisip ang sinabi ni Oasis na walang kakaiba sa dala-dala niyang bote.

"Hmmnn . . . bored ka?"

"Super."

"Gawin kaya natin iyong ginawa nina Christian at Lil Saint?"

"Kademonyohan mo Reymond." pabirong kinurot ng dalaga ang tagiliran ng binata.

"Seryoso ako."

"Alam ko."

"Haha! Ang ganda mo."

"Kaya nga hindi tayo bagay eh." 

"Aba . . . " kiniliti ni Reymond ng walang humpay ang dalaga.

"Reymond! Haha! No! Haha! Reymond! Huwag! Ahh! Hahaha!" halos gumulong na si Jen para lang maiwasan ang kamay ng binata.

"Uh . . . babe, huwag na lang pala tayo rito." nakakalokong sabi ni Lil Saint habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang nobyong si Adrian.

Ngumiti si Code Silent pero may kung anong mali sa mga mata niya. Tuluyan na silang umalis at lumipat sa ibang lugar.

Nalulungkot na tiningnan ni Jennica si Reymond, "Alam na kaya niya?"

"Matagal na niyang alam."

"Eh di nagpapaka-martyr siya?"

"No."

"Eh anong tawag mo roon?"

"He is your male version. He's trying to win her heart. Just like you, you're trying to win my heart."

"Ahh . . . ganoon? Kung pwede nga lang ipa-raffle iyang puso mo,  bibilhin ko talaga lahat entries para mas madali ko iyang mapanalunan."

"Haha! Huwag, baka malas ka sa mga ganyan. Ah teka, ehem! Jennica, Twitter ka ba?" 

Tumawa ng malakas si Jennica dahilan para bumusangot ang mukha ni Reymond kaya agad siyang tumigil at sinagot na lamang ang tanong nito, "Bakit?"

"Ehem! Trending ka kasi sa puso ko."

"Hahaha! May ubo ka ba?"

"Bakit?"

"Hindi iyon pick-up line. Tinatanong kita kasi ehem ka ng ehem. Haha!"

"Ewan ko sa iyo." nakapokerface na sabi ni Reymond pero sa kanyang kaloob-looban ay masaya siyang nakikitang tumatawa ang dalaga, "Jennica, magiging orasan ako para sa iyo."

"At bakit?"

"Laging pakanan at hinding-hindi . . . mangangaliwa."

"Haha! Kinilig ako roon—"

"Excuse me lovers, may naghahanap sa inyo." biglang singit ni Nigel na nasa pintuan ng Garden Unit.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok ang kagalang-galang at nag-iisang . . . Diego Montes.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon