"Oo nga, tama siya, magiging Code Technique ka. May tiwala ako sa iyo." nakangiting saad ni Lence

"At ako rin." hindi magpapatalong sabi ni Reymond.

"Shit guys. May sibilyan tayong kasama." naiinis na wika ni Oasis.

Napalingon ang lahat kay Andrea na nakatulalang nakatingin sa kanila, "Uh . . . hi?" 

Ibinuka ni Oasis ang kanyang palad kay Reymond, "Give me the Gloss to Doze." nakakaloko inabot sa kanya ng kaibigan ang naturang gamit then he said in a gritted teeth, "Lumabas na kayong tatlo." 

Agad na tumalima si Reymond at hinila paalis sina Jennica at Lence. Sinara niya ang pintuan at hinila ulit palayo ang dalawa.

"T-teka anong gagawin ni Oasis kay Andrea?!"

"Don't panic baby, kailangan niya lang makalimot." sabi ni Reymond saka binalingan ng tingin si Lence, "Sasama ako kung saan man kayo pupunta."

"Eh paano si dad?"

"Babalik tayo. Let's go?"

***

NAGUGULUHANG pumasok si Jennica sa isang gusali. Mayroon itong kakaibang amoy, kakaibang ambiance. Hindi niya maintindihan kung maaawa, maiiyak, o magpapakatatag siya habang humahakbang papasok. Saglit siyang napatigil at tiningnan si Lence, "Anong ginagawa natin dito?" 

Hindi sumagot ang binata bagkus ay nilapitan niya ang isang babaeng naka-uniporme ng puti, "Magandang araw. Pwede ba namin siyang kausapin ngayon?"

"Opo. Puntahan niyo na lang po siya sa kwarto niya."

Nagpatiunang  lumakad si Lence at sumunod lamang sina Reymond at Jennica na halata mong naguguluhan kung anong nangyayari.

Pumasok si Lence sa Room 134 na may nakapaskil na pangalang, Samantha Canley, saka dahan-dahang binuksan ang pintuan hanggang sa matanaw niya ang babaeng nakadungaw sa maliit na bintana, "Ma?" 

Agad na napalingon ang babae na nasa mid-40s na may magandang hugis ng ilong at mapupungay na pares na mga mata, "Lence? Nasaan si Adrian?" saka napansin ng ginang na may iba pang kasama ang kanyang anak, "Sino sila? Parang . . . Reymond? Ikaw na ba iyan?" 

"Tita . . . " bulong ni Reymond saka nilapitan ang babae.

Niyakap ni Samantha ang binatang si Reymond habang nakatingin sa dalagang katabi ng kanyang anak ni Lence, "Anak ba siya ni Diana?"

"Tita huwag kayong mabibigla at huwag kayong maingay, kambal po siya ni Daisy." anas ni Reymond habang nakayakap pa rin sa ginang. Namiss niya ito, ang buong akala nila ay nasa abroad ito at nagpapagamot, iyon pala ay nakaconfine lamang ito sa Mental Hospital na ito.

"Canley? Adrian?" naguguluhang saad ni Jennica, "Magkapatid kayo? Eh paano si manang Beth?"

"Dati siyang katulong ng ina ko kaya sa kanya ako ipinaampon." isinara ni Lence ang pintuan at iginiya ang dalaga palapit sa kanyang ina.

"Ibig sabihin hindi ka si Lence Velmonte? Ikaw si Lence Canley?"

"Oo iha, siya nga. Ang ganda mo." nakangiting saad ni Samantha saka bumitaw sa pagkakayakap kay Reymond. Nilapitan niya ang dalaga at kinuha ang mga kamay nito, "Babasahin ko ang iyong kapalaran Jennica."

"She can actually do this?" namamanghang sabi ni Jennica.

Malungkot na ngumiti si Lence at sinabing, "Iyan ang rason kung bakit siya nandito."

"Nakikita ko na ang iyong kapalaran iha! Mamamatay ka na walang laban! Sa kamay ng taong iyong minamahal! Mamamatay ka! Masasaktan ka ng higit sa iyong inaasahan! Mamamatay ka!" 

Agad na binawi ni Jennica ang kanyang kamay at bahagyang humakbang paatras.

"Mamamatay siya! Hahaha! Mamamatay ka!" 

Nanginginig si Jennica habang lumalabas silang tatlo sa naturang silid.

"What the—Lence?! Bakit mo siya gustong ipakilala kay Jennica?" bulyaw ni Reymond sa binatang si Lence nang makarating sila sa parking lot ng ospital.

"Gusto ko lang kayong balaan sa posibleng mangyari kapag minahal mo na si Jen."

"What do you mean?" nagpalipat-lipat ng tingin si Jennica sa dalawang binata.

Huminga muna ng malalim si Reymond bago hinarap ang dalaga, "It's 'The Risk' Jen, the risk of a Code falling in love. Sa nakaraang anim na henerasyon ay ang 'The Risk' ang mortal na kaaway ng PS. May ginagawa itong masama sa bawat taong minamahal ng isang agent. Pero Jen, hindi pa kita mahal kaya hindi ka mapapahamak." 

Hindi alam ni Jen  kung masasaktan ba siya o makakahinga ng maluwag sa sinabi ng binata, "Are you sure? Eh di ibig sabihin, may mangyayaring masama kay Nize at Daisy?"

Umiling si Reymond bilang tugon, "'The Risk' won't work amongst us. Kapag kapwa Code ang minahal mo ay walang mangyayari, just like Daisy and Martin's case. Si Lil Saint naman ay nasa ilalim ng pangangalaga ko, kung anong proteksyon ang nakukuha ko ay ganoon din ang nakukuha ng mga nasasakupan ko."

"Ibig sabihin, ang pwede niyo lang mahalin ay mga taong nagtatrabaho sa ahensya niyo?"

"Definitely." 

Liningon naman ni Jen si Lence at sinabing, "Biktima ba siya?"  

"Oo. Minahal siya ng ama kong si Rupert Canley, ang Charmer Stone ng ika-anim na henerasyon."

"O . . . kay. So, Reymond. Kailangan ko ng maging Code."

"Nasisiraan ka na ba? Hindi ka pwedeng magmada—"

"Huwag mo nga akong lokohin, alam kong isang stage na lang ang kailangan ko para maging Code ng tuluyan."

"P-paano—"

"Huwag mo ng alamin kung paano ko nalaman." lumapit si Jennica sa binata at hinawakan ang mga kamay nito, "Paano na lang kung tuluyan mo na akong mahalin? Hahayaan mo ba akong mapahamak?"

"Hindi."

"Then . . . let me pass the Initiation Stage, ganoon ba talaga iyon kahirap?"

"Hindi siya mahirap." nakayukong saad ni Reymond, "Pero alam kong, hindi mo kakayanin."

"Bakit?"

"You have to kill." 

"Ano? Hindi ko narini—"

"Kailangan mong pumatay, Jennica."

 ---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now