Masaya si Jennica kaya lang gustuhin man niyang makipag-usap sa ama ng matagal ay may mas importante siyang sadya, "Dad can you do me a favor?"

"Ano iyon anak?" 

Inilabas ni Jennica ang maliit na bote at inabot ito sa kanyang ama, "I wanna know what is it."

"Stage 4: Joveta?" basa ng doktor sa libelong nakalagay sa bote, "You mean Rannieka Joveta, iyong bestfriend mo?"

"Opo."

"Jennica!" bigla na lamang pumasok ang binatang si Reymond sa naturang klinika at nang makita ang dalaga ay agad niya itong niyakap, "Akala ko kung saan ka na napunta. Pinag-alala mo ako."

Mapaglarong tumikhim ang doktor nang makita ang ginawa ng binata sa kanyang anak.

Namumulang humiwalay ng yakap si Jennica at pinukol ng masamang tingin ang binatang si Reymond, "Dad, si Reymond. Remember him?"

"Of course, how are you iho?" inabot ng doktor ang kanyang kanang kamay na tinanggap naman ng binata.

"Maayos naman po. Nakakaalala na po kayo?"

"Yes at oo nga pala, salamat sa tulong ng ahensya niyo." tiningnan ng doktor ang kanyang dalagang anak, "Kumusta ang training mo anak? Gumagaling ka na ba?"

"Dad? Alam mo?"

"Of course. Your secret is safe with me, tsaka ako lang ang nakakaalam. Mababaliw ang mommy mo kapag nalaman niya." napatingin ang doktor sa hawak-hawak na bote, "I'll check this out anak, wait for me." saka siya tuluyang lumabas ng klinika.

Patay., sa isip ni Jennica nang maiwan silang dalawa ni Reymond . . . paniguradong magtatanong ito kung saan siya nagsususuot.

"Reymond." tawag ni Oasis na kakapasok lang ng naturang silid.

Nakahinga ng maluwag si Jennica. Alam niya kasing tatanungin siya ng binata kung saan niya nakuha ang boteng iyon at wala siyang balak na sabihin dito ang totoo.

"So kayo na?" nakakalokong tanong ni Reymond.

Tinanggal agad ni Oasis ang kanyang pagkakaakbay sa dalagang si Andrea, "Huwag mo akong simulan Reymond." 

Naestatwa lamang si Andrea sa kanyang kinatatayuan dahil hindi pa nga siya makaget-over sa pag-akbay sa kanya ni Oasis. Nakatayo lang siya sa may pinto habang iniisip na, Ang bango-bango ng kili-kili niya! Ano kayang deodorant niya? Rexona? Axe? Victoria's Secret? Omg. Itatry ko iyan—, "Aray!" hindi na niya natapos ang kanyang pagdidaydream nang biglang may bumangga sa kanya mula sa likuran, bonggang-bongga siyang natumba—scratch that, bonggang-bongga siyang nakadapa sa sahig dahil sa pagkabunggo.

Agad namang tiunulungan patayo ni Lence ang babaeng nabangga, "Patawad miss. Haharang harang ka kasi."

"Aba?! Ako pa ngayon?! Eh ikaw iyong—hala! Por diyos por santos, ang gwapo mo . . . " naglalaway na saad ni Andrea nang makita ang lalaking umalalay sa kanya.

Lence just chuckled at ginulo ang buhok ng babae, "At maganda ka rin." nilagpasan niya ito at tinungo ang kanyang sadya, si Jennica.

"Kuya Lence? Anong ginagawa mo rito?" nakangiting tanong ni Jennica.

"Nalaman kong nandito ka dahil tinawagan ako ng daddy mo. May gusto sana akong ipakilala sa iyo. Sumama ka sa akin Jen. Alam kong wala ka ng oras sa akin kapag naging agent ka na."

"Kuya hindi pa naman sigurado eh na magiging agent nga ako."

"Sigurado na iyan Jennica." matalim na saad ni Reymond habang nakatitig kay Lence.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now