Expect South to be so unpredictable kapag may sinasabi. Most of the time ay cold siya at moody, minsan masungit lang, minsan sadyang snob. Pero yung ganitong moments, ito yung the best!

"Being naked doesn't always mean taking off your clothes to show your skin. It is also about taking off your doubts and inhibition to let others see through you." Mahabang sabi niya. Pero lahat ng lumabas sa bibig niya, lahat may sense. "You've been seeing right through me since I don't know when."

"Good thing ba 'yon?" Tanong ko. Kasi para sa akin, oo. Kasi ibig sabihin no'n, lahat ng effort ko para matulungan siya, para mas makikilala siya, lahat iyon hindi tuluyang napupunta sa wala.

Tumitig yung asul niyang mga mata sa akin. May nakikita akong kislap doon na madalang ko lang makita. She looked so lively today. Mas tumitingkad yung pagka-blue ng mata niya.

"I don't know." Mahinang sagot niya bago ibinaba ang phone. Nakatitig lang ako sa kanya. Mukhang nailang yata kaya napaiwas ang mata niya sa akin. "Stop looking."

"Bakit na naman?" Tanong ko. Lagi na lang akong sinusungitan may ginagawa man ako o wala. "Naiilang ka, 'no?"

Inirapan niya ako.

Kinuha niya ulit ang cellphone at nagsimulang mag-type na naman ng kung ano. Nanatili akong nakamasid sa kanya. Hindi naman ako naiinip sa pagtingin lang. Pero gusto kong pansinin niya ako.

Nag-decide ako na umupo sa tabi niya, wala naman siyang reaction. Sisilipin ko sana yung ginagawa niya ang kaso tumigilid siya ng kaunti para hindi ko maaninag yung screen. Ang damot naman.

"Anong ginagawa mo, South?"

"Using my phone."

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora