end

1K 68 40
                                    

A U T H O R

"KINGINA MO THEO!!!"

4:20 PM. Kasalukuyang naghahanda na ang mga tao sa bahay ni Theo para sa pagdating nina Lexie.

10 minutes na lang at itetext na nila sina Reese para makauwi na sila. 10 minutes na lang at mag-uumpisa na ang party.

At sa kasamaang palad, napaka-"expectations vs. reality" ng party na prine-prepare nila.

"Theo, kaibigan kita pero putangina mo sagad!" sigaw ni Christian habang hinahabol si Theo sa loob ng bahay.

Alam niyo ba kung bakit hinahabol at minumura ni Christian si Theo?

Wala, bahala kayong manghula.

De joke lang. Paano ba naman kasi, nabuhusan ng honey 'yong buhok ni Christian habang hinahanda nila 'yong dessert corner.

Huwag niyo na daw itanong kung paano nangyari, basta nabuhusan ng honey.

"Hoy gago sorry na nga oh!" natatawang sabi ni Theo habang tumatakbo pa rin palayo kay Christian.

Dahil cute size si Christian, hindi niya mahabol si Theo kaya tumigil na siya sa paghahabol.

Nakakapagod rin daw kasi maghabol, kung alam mo namang walang patutunguhan 'yong paghahabol mo.

CHAR LANGSZCHX HAHAHAHAHA.

"Hoy mga ulol mamaya na kayo maghabulan. Five minutes na lang oh." biglang sulpot ni Raffy.

Nakabalik na sina Raffy at Hendrix at dala nila 'yong cake. Hindi na sila nabigla noong nakitang parang hinalay ng manok 'yong cake.

"Ite-text ko na sina Reese." sabi naman ni Jin. Harot naman po diba? Nauna niya pang naisip si Reese imbis na 'yong kapatid niya.

---

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang iba nilang kaibigan. Nang nalaman nila na nasa labas na ng bahay sina Lexie, pinatay na nila ang ilaw.

"Hala puta nasaan si Mingyu?" biglang sigaw ni Shigal. Kaklase niya si Mingyu at isa rin siya sa mga tumutulong tuwing may events kaya ka-close rin siya ni Lexie.

"Gago, katabi mo lang ako."

"Mention mo 'yong kaibigan mong nawawala sa dilim." sabat ni Theo at nagtawanan naman silang lahat.

Mga hangal kayo, bakit ginaganyan niyo si Mingyu?!?!

Napatigil sila sa pagtawa nang makarinig ng sunod-sunod na doorbell.

Beh, kawawa 'yong doorbell. Kalma lang.

"Sigurado ka bang nandito si Theodoro?"

"Oo nga sabi, nandito raw siya e."

"Mukha namang walang tao, tara na. Doon ka na sa amin tumae bes."

"Taeng-tae na ko!! Di ko na kayang maglakad papunta sa inyo kaya tara pasok na tayo sa loob."

Nakarinig sina Shigal ng pagbukas ng gate kaya naghanda na sila.

"Gaga ka, makikitae ka nga lang, magte-trespass pa."

"So anong gusto mo? Tumae ako sa gitna ng kalsada?!"

"Sinabi ko bang sa gitna?! Pwede namang sa tabi ng kalsada!"

Rinig na rinig ang usapang tae nina Lexie at Tin mula sa labas kaya hindi mapigilan ng mga tao sa loob na mapatawa.

Hays, nakakawalang-gana ang usapan nila 'no? Nakakahiya rin : (

birthday ➵ j.jk + lalisaWhere stories live. Discover now