042

1K 62 23
                                    

S H I G A L

Ang gwapo ko.

Oh man holy shit! Ngayon na ang laban namin ni Lexie. Hindi man halata dahil ako palagi ang nagmo-motivate sa kanya, syempre hindi maaalis ang kaba ko.

May feelings din ako, okay?

Nandito kami ng dance club sa may studio para mag-meeting. Kailangan daw kasi naming mag-meeting bago magsimula ang program.

"Are you okay?"

Napansin kong medyo balisa si Lexie kaya hindi ko na napigilang magtanong. Paniguradong kinakabahan 'to ngayon.

"H-Hindi ko nga alam eh... pakiramdam  ko... parang ko may mali."

"Mali? Imagination mo lang 'yan, baby girl. Kayang kaya natin 'to diba?" Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.

"Sana nga." sagot niya at ngumiti pabalik. Shet na malagkit. Kinikilig ako dito kay Lexie eh. Nakakabakla.

"Ops ops! Tama na muna landian ha? Magdasal muna tayo para manalo kayo. Hihi." Napatingin naman kami sa nagsalita. Kahit kelan talaga si Hendrix.

"Tss. Panira moment." bulong ko at sumunod na sa kanila.

Nang matapos kaming magdasal ay nagsimula nang magsialisan ang mga ka-club namin.

"Good luck President at VP! Kaya niyo 'yan. Yieee!" sabi ni Mina.

Lahat sila ay nag-good luck sa amin. Nakakatuwa naman. Simula nang sumali ako sa dance club ay ganito na talaga ang samahan namin. Mas lalo pa atang tumatag ang bond namin noong naging president ako. Ang gwapo ko kasi.

"Goodluck, Shigal." Naagaw ng pansin ko ang boses ni Yuju. Ngumisi siya sa aming dalawa ni Lexie ng nakakaloko saka umalis.

Baliw ba 'yon?

Narinig naming tumunog na ang bell kaya naman nagpunta na rin kami ni Lexie sa may gym. Suot na namin ang costume namin. Naka white polo ako with black fit pants tapos siya naman ay naka white polo din tapos naka black shorts.

Siya ang pumili ng costume namin dahil gusto daw niya simple lang pero malakas ang dating. For I know, pinili niya 'yon para matching outfits kami. Joke!

"Hey, bakit ba parang hindi ka talaga mapakali? Are you sure you're okay? Gusto mo bang pumunta muna sa clinic?"

"Shigal... parang may mali talaga eh. Pwede bang i-check natin 'yong music natin? Tamang kanta naman 'yong pinasa mo 'di ba?"

"Yup, tama ang pinasa ko. Pero sige kung 'yan ang gusto mo, halika na, i-check natin."

Nagpunta kami sa area ng sound system para i-check ang music namin.

"Excuse me, kuya? Pwede bang paki-check naman kung nandyan 'yong file namin. Thank you po."

Sinabi ko ang file name at hindi naman sila tumanggi kaya hinanap nila ang file.

"Narito ang file niyo." sabi ng kuyang taga-sound system. Pinakita niya pa sa amin at ipinarinig ang music at tama naman.

"Salamat po."

Nang makabalik kami sa backstage ay parang nawala na rin ang pag-aalala ni Lexie sa mukha.

"Kita mo, baby. Wala namang problema." Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya to reassure that there's nothing wrong.

"Hokage ka na naman." Inalis niya ang kamay niya habang tumatawa. Ang cute talaga ni Alexis. Kaya mahal ko 'to eh.

"Hayaan mo na po baby girl. Hihi." Pablgbibiro ko at hinawakan ko ulit ang kamay niya.

birthday ➵ j.jk + lalisaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum