016

1.2K 82 0
                                    

note:
narrations ahead. hehe.

~*~

L E X I E

"Focus, Lexie."

Pagod na ako! Bakit ba kailangan na kaming dalawa ang ilaban sa partners category? Pwede namang iba na lang.

Mag-aala una na pero hindi pa rin kami naglu-lunch. Tuloy-tuloy lang ang practice naming dalawa. Kung titigil man ay para lang sa water break o kaya sa pagbuo ng bagong step.

"Pagod na ako, Shigal. Kain na tayo." walang gana kong sabi.

Nagulat ako nang pumapit siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko habang nakatingin sa mga mata ko.

Awkward.

"Lexie, sa ayaw at sa gusto mo, ako ang makaka-partner mo. Isang buwan mo akong makakasama sa pagpa-practice. Tayong dalawa ang sasayaw, tayong dalawa ang lalaban. Kung ayaw mo sa'kin, okay lang. Basta isipin mo na lang na ginagawa mo 'to para sa sarili mo. Pangarap mong lumaban sa national contest diba? Well ito na ang time para ipakita mo sa lahat kung anong kaya mong gawin. And as your partner, I'm here to help you with that. Okay?"

Natulala ako. Wow. Ngayon lang ata kami nagkausap ng matino sa personal. Hindi ako makapagsalita.

Tinapik niya ang aking balikat at ginulo naman ang buhok ko, "Tara, sabay tayong mag-lunch?"

"A-Ah... huwag na. Sasabay na lang ako kina Jia..."

Tumingin siya sa kanyang wristwatch bago nagsalita, "It's almost one o'clock. Kanina pang twelve ang lunch time ng Grade 9-10. Hindi mo na sila maaabutan kaya ano, tara?"

Napaikot na lang ang mata ko at sumunod na sa kanya. No choice eh.

birthday ➵ j.jk + lalisaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum