062

834 50 7
                                    

Yuju Choi
active now

10:51 PM

Yuju: Shigal.

Shigal: what the hell yuju? i told you to stop.

Yuju: hindi ako manggugulo. pwede ka bang pumunta dito sa may park? i need to tell you something.

Shigal: no. hindi ko pwedeng iwan si lexie na mag isa dito.

Yuju: please, shigal. hindi ko na ulit guguluhin ang mga buhay niyo after this. let's talk for the last time.

Shigal: can i trust you?

Yuju: please.

Shigal: tss. sige na. im coming. tawagin ko lang si theo.

--

"Theo, ikaw na muna ang magbantay kay Lexie. May pupuntahan lang ako sandali."

"Saan ka pupunta?"

"Dyan lang sa may park. Ingatan mo si Lexie."

"Ge na. Bilisan mo."

Nagsimula na akong maglakad papuntang park. Malapit lang ang ospital sa park kaya nilakad ko na.

Pagkarating ko sa park ay nakita ko kaagad si Yuju na nakaupo sa isa sa mga bench dito. Maliwanag dito dahil sa mga street lights.

"Yuju."

"Shigal. You came." ngumiti siya sa akin.

"Ano bang pag-uusapan natin?" sabi ko sa kanya.

"Uhm... gusto ko lang sabihin na na-realize ko na."

"Na-realize ang alin?"

"Akala ko kasi, kapag nakuha na kita, kapag nalamangan ko na si Lexie, sasaya na ako." panimula ni Yuju. "Akala ko sasaya na ako kapag naagaw kita kay Lexie. Hindi pa rin pala."

Hindi ako nagsalita at nakita ko ang pagkislap ng mata niya. Naiiyak na siya.

"I've always had this jealousy towards Lexie. Since elementary, palagi na lang akong kino-compare ni daddy kay Lexie. Kesyo bakit daw palagi na lang akong top 2 lang at bakit si Lexie ang naging valedictorian namin nung elementary. Kaya naman nang tumungtong kami sa high school, pinagsikapan kong maging top 1 and I did it, but only once. It was going on well since nagpa-easy lang si Lexie sa studies niya but this Raffy Kim stole my spotlight." pagku-kwento niya at bakas ang lungkot sa boses niya.

Ngayon ko lang maririnig ang story ni Yuju. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya kahit inis na inis ako sa kanya dati.

"Alam mo ba, ilang beses kong miness up ang pag-aaral ni Raffy pero hindi pa rin yun enough dahil tuloy-tuloy lang ang pagiging top 1 niya. I even got a copy of the test answers para sure perfect ako pero bigla na lang binago ang exam and Raffy, once again, got perfect. Doon ko na-realize na kahit anong gawin ko, I can't graduate as the valedictorian."

"You didn't have to do that. Dapat sinabi mo na lang sa daddy mo na hindi mo kaya." sabi ko.

"I did. Sinabi ko kay daddy at pumayag naman siya but in one condition. Kailangan ay malamangan ko si Lexie, ang nag-iisang anak ng kalaban niya sa politika. Kaya naman sumali ako sa Dance Club para lalo kong masubaybayan si Lexie. Pero guess what? Naging ikaw na yung sinusundan ko. I fell for the president of the Dance Club. I fell for you. Kaya noong time na kumalat na nanliligaw ka kay Lexie, I did everything para makuha ka."

Bahagya akong napanganga sa mga sinasabi niya. Hindi ko inaakalang ganito kalala ang inggit ni Yuju kay Lexie.

"Remember the National Dance Fest? It was I who messed up with your music pero ang tanga ko din 'no? Hindi ko naisip na sinayaw niyo rin 'yung kantang 'yun sa birthday ni Dino." tumawa siya bigla dahilan para mapatingin ako sa kanya. Umiiyak na siya. Kinuha ko agad ang panyo ko sa bulsa at iniabot sa kanya. Pinunasan naman niya ang mga luha sa pisngi niya.

"Sige na, Shigal. Bumalik ka na. Salamat sa pagsama mo sa'kin dito ha? Pinapalaya na kita, Shigal. Sana maging masaya kayo ni Lexie. Aalis na ako bukas e." tumayo siya at napatayo na rin ako.

"Saan ka pupunta?"

"Canada. For good na ako doon. Titira ako kasama ni mommy at iiwan ko si daddy dito. Pagod na ako sa pagiging sunud-sunuran niya. Gusto ko ring maging malaya."

"Thank you, Yuju. Sana mahanap mo ang true happiness mo. Mag-ingat ka palagi ha?" sabi ko.

"Oo naman. Ikaw din ha? Ingatan mo si Lexie. Pakisabi na rin sa mga kaibigan niyo. Saka kay Jia, kung sakaling magising na siya, please tell her I'm sorry. Mag-ingat kayong lahat."

Ngumiti siya ng pilit at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik habang hinahagod ang buhok niya.

"Hindi pa huli ang lahat, Yuju."

"I know. Thank you for everything, Shigal. Goodbye."

Pagkasabi niya noon ay humiwalay na siya sa yakap at umalis na.

~*~

note:

seven more chapters tapos epilogue na : D yeyyy! salamat sa mga nagbabasa nito hihi :>

birthday ➵ j.jk + lalisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon