040

1K 59 4
                                    

L E X I E

Oh my gosh.

Final rehearsal na namin ngayon! Grabe, ang bilis naman ng panahon?! Bukas na pala ang contest.

Juicecolored! Nas-stress ako, pero pinipigilan ko kasi baka atakihin na naman ako ng asthma ko. Ina-asthma kasi ako tuwing nas-stress or kinakabahan ako ng bonggang-bongga. 'Di ko alam kung bakit.

"Are you ready?"

Napalingon agad ako sa nagsalita. It was Shigal. Naku, kung wala lang talaga 'yang ilong na iyan, baka nahimatay na ako dito. Mino-motivate niya kasi ako.

"Yeah, I am."

Pagkasabi ko noon ay nag-ready na kami sa pag-entrance sa stage. Ang school kasi namin ang napiling host para sa National Dance Festival, kaya malaya kaming nakakapag-rehearse sa stage. Wala naman sa rules na hindi pwedeng mag-rehearse dito.

Nagsimula nang tumugtog ang music at nag-entrance na si Shigal. Sa second verse ng kanta naka-cut ang music namin at siya ang magso-solo sa paunang parts.

I'll never be your mother's favorite
Your daddy can't even look me in the eye
Ooh, if I was in their shoes, I'd be doing the same thing
Sayin' "There goes my little girl
Walkin' with that troublesome guy"

Habang pinapanood ko siya mula sa backstage ay hindi ko mapigilang mapanganga. His moves were so sharp but smooth, and so swift. Para siyang nagpapatangay lang sa hangin sa sobrang gaan ng galaw niya.

But they're just afraid of something they can't understand
Ooh, but little darlin' watch me change their minds
Yeah for you I'll try, I'll try, I'll try, I'll try
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding
If that'll make you mine

Hindi ako makapaniwalang ang lalaking nagsasayaw ngayon sa entablado ay ang lalaking dati kong kaaway. 'Yong lalaking palagi akong pinagti-tripan. Tapos ngayon, may gusto na siya sa akin. Nakakatawa lang isipin.

'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain

Ito na ang part kung kelan ako mag-eentrance. Nag-ala ballerina ako sa entrance ko. Oh diba pak na pak? May paikot-ikot pa akong nalalaman. Pagkatapos kong magpaikot-ikot, umupo ako sa may gitna ng stage dahil habang instrumental ay iyon ang part kung kelan hihiga si Shigal sa lap ko. Nakita kong ngumiti siya sa akin.

Oh, don't you say (don't you say) goodbye (goodbye),
Don't you say (don't you say) goodbye (goodbye)
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding
If that'll make it right

Binigay ko na lahat. Lahat ng emotions, at tamang galaw lang. Kapag napapasulyap ako kay Shigal ay kitang-kita ko ang emosyon sa mukha niya, kung paano niya idine-deliver ang message ng kanta.

'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
And just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain

Ito na ang climax ng sayaw, kung saan nangyayari ang mga skinship namin. Yayakapin ko siya, yayakapin niya ako. And for my exit, iiwan ko siyang mag-isa sa stage. 'Yong parang iniwan sa ere? Basta, hindi ko maipaliwanag.

Nang matapos ang music ay napangiti na lang ako. Bumalik ako sa stage para samahan siya sa pag-bow.

"Woooh!"

Napatingin kami sa mga nagsigawan. Hala? Nanonood pala ang mga members ng dance club. Nahiya naman ako hehe.

Nang makababa kami ay sinalubong agad kami ng mga ka-club namin at ng moderator ng dance club.

"Galing niyo! Idol talaga. Parang totoong couple ah." sabi ni Rocky.

Tumawa naman si Shigal sa tabi ko at inakbayan ako. Mga galawan neto. "Aba siyempre. Soon to be couple ata 'to."

"Ang galing niyo talaga! OMG! Kinilig ako sa inyo." ani Momo.

"That was magnificent. I'm sure kayang-kaya niyong manalo. I'm rooting for you two." sabi naman ng moderator namin.

Grabe, amaze na amaze sila sa amin. Ganoon ba talaga kaganda 'yon? Para sa akin tama lang naman eh.

Napalingon naman ako sa biglang umalis at nag-walk out habang nagkukulitan kami.

Si Yuju. Luh. Problema no'n?

~*~

note:

sorry na kung boring. hays. please play the video in the multimedia para mavisualize nyo ng maayos yung sayaw HAHAHA

birthday ➵ j.jk + lalisaWhere stories live. Discover now