Chapter Sixty-three

1.4K 47 13
                                    

Pabalik na ako sa opisina ng madatnan ko ang sekretarya kong nagmamadaling paalis. Aba! At balak pa nyang takbuhan ang meeting ngayong gabi?

Kaya ng malapit na sya sa kinaroroonan ko eh kaagad ko syang hinablot.

"And where do you think you're going Miss Buendia? May meeting pa tayong—"

Ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marahas nyang hinablot pabalik ang kamay nya at nanlisik ang matang tinitigan ako. Pansin kong namumula ang mata nya. Umiiyak ba sya?

"Get your hands off me! Kailangan ako ng anak natin! Kaya bitawan mo ako at wag kang haharang harang sa daan!"

Ni hindi ko napansing nakawala na pala sya dahil sa gulat.

Ano yung sabi nya?

Nagkamali lang ako ng pandinig hindi ba?

Ni hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo palabas at sinundan ang tatanga tangang sekretarya na ngayon ay panay na ang mura habang may hinahagilap sa kanyang bag. Susi siguro. Pati ba naman susi hindi pa makita? Tanga nga talaga.

Yumuyugyog ang kanyang balikat habang kinukulikot ang kanyang bag.

Umiiyak nga sya.

Ano naman ngayon?

Oh fucking please.

Tila ba may sariling pag-iisip ang aking mga kamay at paa nang bigla na lamang akong maglakad palapit sa aking kotse at pinaandar ito. Umiiyak pa rin sya sa harapan ng kotse nya. Ano bang problema nya? Flat ba 'yung gulong kotse nya?

Muli ay hinablot ko sya na syang ikinagulat nya. I mentally rolled my eyeballs.

"Sakay"

Tanging sambit ko. Hindi na sya nakipagtalo pa at sumakay na lang. Tinuro nya sa akin kung saang hospital kami pupunta. Gusto ko man syang tanungin kung bakit kami pupunta roon at kung bakit sya umiiyak eh pinili ko na lamang manahimik.

Tahimik lang syang umiiyak.

Why can't I stand seeing her crying?

"Hey, will you please calm down? Magiging okay din ang lahat."

I don't really know if it's gonna be okay but it was all I could say. Yun lang ang tanging warm words na kaya kong e-offer sa kanya. Hindi sya sumagot. Nanatili lang syang tahimik habang umiiyak.




"Sir! Congratulations po. You have the same blood type with your son. Aasikuhin lang po namin ang papers at eseset kung anong oras po ang operation. For now, pwede nyo na pong bisitahin sa loob ang anak nyo."

Mas lalo lang akong naguluhan. What the fuck is happening?

Bakit silang lahat sinasabing may anak ko?

Paano ko naging anak yung anak ng kulot kong sekretarya?

Paano ako nagkaroon ng anak?

"Aagh.."

Bahagya kong hinilot ang sintido ko ng makaramdam ako ng konting kirot sa aking ulo.

Maybe I'm just stress. Tas dumagdag pa 'to.

That woman is crazy! Ano bang nasa isip nya saying I'm her son's father? Ni wala nga kaming relasyong dalawa!

Mahabaging langit!

Kahit na ayaw ko ngunit pinuntahan ko pa rin sa loob ng silid ang bata.

Baka nagkataon lang.

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon