Chapter Seven

2.4K 73 1
                                    

February.

Bored ako kaya mag eemote nalang ako para may magawa. Sinadya kong makinig ng mga malulungkot na awitin at manood ng mga short sad lovestory sa Youtube. Hanggang sa nagsawa ako at nag online nalang sa Facebook. Sinubukan kong e-istalk si Dewey at nanlumo ako nang makita kong hindi nya pa rin inaaccept ang friend request ko. Mas nalungkot pa ako ng maalala ko ang nangyari nung nakaraan huhuhu.

Sa kaka scroll ko sa newsfeed ko may nag share ng isang confession galing sa USC. That Gay Who Catches My Heart yung title nung Confession at teary emoticon naman na may broken heart ang caption nung nag-share. Clinick ko yung confession at binasa ito. Ininda ko yung haba at binasa hanggang sa katapusan. Sinadya ko pang lakasan ang volume ng music para kunwari may background ako.

Iyak pa ako ng iyak hanggang sa ending. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama habang dala-dala na naman ang sandok nya.

"Bakit ka umiiyak bata ka? Namatay ba yung alaga mong pusa?"

Umiiling iling ako.

"O eh anong problema? Bagsak ka noh?"

Umiling ulit ako.

"Wala naman kasi tayong pusa ma. Yung puso ko yung muntikan ng mamatay  huhuhu"

Umasim lang ang mukha ni mama saka walang paalam na lumabas at ibinalibag pasarado ang pinto. Kahit kailan talaga bitter ang isang 'yon simula ng naghiwalay sila ni Papa.

Clinick ko ang page ng USC Confessions at nagbasa pa ng nagbasa hanggang sa maisipan kong magpadala na rin ng sulat.

To John Dewey with Love

Hindi na ako aasa pang mapopost 'to. Gusto ko lang talagang magpadala ng sulat at ilabas ang nararamdaman ko.

Sabado.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Dahil na rin siguro sa kakaiyak ko kagabi. Pagbaba ko sa kusina walang tao. May nakahanda ng pagkain sa mesa kaya naupo nalang ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain dumretso na ako sa banyo at naligo. Dinalaw na naman ako ng antok pagkatapos pero basa pa ang buhok ko at kailangan ko pa 'tong patuyuin kaya naisipan kong mag online na muna sa Facebook.

And I was shock. Really really shock.

Sunod sunod ang nakita kong nag share ng Confession kong To John Dewey With Love sa newsfeed ko! Oh my god! Dale dale kong nilog-out ang account ko at pinalit 'yung account ng poser ko at inistalk si Dewey. Sobrang dami ng nagpost sa Timeline nya kesyo sya bad aw yung nasa confession. Kesyo magpakalalaki na daw sya. May iba pang nagtatanong kung kilala raw ba nya ako.

Leche!

Kung bakit nga ba kasi nilagay ko pa yung buong pangalan ko sa hulihang parte ng confession. Ang tanga mo talaga Leah! Isa kang magandang tanga!

Nilog-out ko ulit ang account ng poser ko at binalik yung 'akin. Pansin kong sobrang daming nag friend request sa'kin at lahat sila eh  mutual Friend si Dewey.

May nag comment pa na hindi naman raw ako kagandahan kaya daw siguro hindi ako pinapansin ni crush.

Yung iba naman minomotivate ako kaya nililike ko yung mga comments at post nila habang nirereport ko naman ang mga accounts nung mga echus. Hmp! Buti nga sa inyo mga pakialamera!

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon