Chapter Forty-eight

1.6K 62 8
                                    

'Let's not forget that it's you and me versus the problem. Not you versus me.'

—Steve Maraboli

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung opisyal na hiwalayan nila ng kanyang katipan. Sobrang nahihirapan man ngunit sinusubukan ni Leah na unti unting bumangon mula sa sakit na dinulot ulit sa kanya ng taong mahal.

Now playing Hanggang Kailan ni Michael Pangilinan

Binisita rin sya minsan ni Andrew at nalaman nga nito ang kalagayan nya. Nasuntok pa nito ang dalang kotse nang malaman kung ano ang nangyari sa kanya. Gustuhin man nitong suntukin si Dewey at ipatikim dito ang kagaguhang ginawa sa kaibigan ngunit wala na rin itong nagawa dahil mismong si Leah na ang umiyak sa harapan nito at nagmakaawang pabayaan na lamang ang dating katipan.


Akala ko sa'yo natagpuan

Pag-ibig na walang hanggan

Ang ating pagsasama

Pinaglaruan ng tadhana

Nagmahal ka ng iba

Iniwan mo akong mag isa

Hindi ko maturuan ang pusong

'Wag magmahal ng tapat sa'yo


Binisita rin sya ni Aaron.

Si Aaron lang ang source of information nya kung ano na ang nangyayari sa buhay ng ex nya. Oo, sobrang tanga, epokrita, bobo at kung ano pa man ang pwede nyong maitawag kay Leah. Ngunit hindi nyo sya masisisi kung 'yun talaga ang idinidikta ng kanyang puso kahit umaayaw na ang kanyang isip.

Nabalitaan nyang opisyal na idadaos na ang engagement ng dating katipan bukas ng gabi.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong yan?"

Pag aalalang tanong ni Aaron sa kanya.

Ngumiti lang sya ng tipid.

"Basta kapag naramdaman mong hindi mo na kaya at nahuhulog ka na naman, itigil mo na. Mas masasaktan ka lang lalo 'pag ipipilit mo pa. Dahil unfair 'yun para sa'yo kung patuloy ka pa ring umaasa pero sya tuluyan ka ng kinalimutan at ibinaon sa nakaraan."

Sinserong payo nito sa kanya.


Kahit pa, ako'y bahagi na lamang,

Ng nakaraan mo ohhh

Andito lang ako sa'yo


"Pangako. Gusto ko lang makita siya sa huling pagkakataon. Kahit ngayon man lang. Yun lang talaga. Hindi na ako magmamakaawa sa kanya. Ikakasal na sya at wala na akong magagawa pa 'dun. Tsaka, mula ngayon may bago na akong motto in life, "Alalay sa damdamin"

Sinubukan pang tumawa ni Leah ngunit bakas pa rin sa boses nito ang lungkot.


Hanggang kailan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?

Hanggang kailan?

Hanggang kailan?


"At isa pa, hindi naman applicable sa'kin yung WAG KA NA ULIT MAHUHULOG SA KANYA kasi kahit kailan hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko sa kanya. At sa tingin koy hinding hindi mawawala 'yun. Kahit ilang ulit na akong sinaktan ng baklang 'yun. Cross my heart, peksman, mamamatay ako kung magsisinungaling ako. MAHAL NA MAHAL ko pa rin 'yun."


Hanggang kailan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?

Hanggang kailan?

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon