Chapter Fifty-five

1.5K 57 4
                                    

'I love you so much, it makes me cry because I know that when it finally happened that someone will take you away or you would have to leave. My love for you won't be enough to make you stay.'


Hindi ako iiyak. Hinding hindi ako iiyak.

Hindi sya ang laman ng puting bagay na yan kaya hindi ako iiyak.

Hinding hindi ako iiyak.

Simula nung nalaman kong wala na sya, ni minsan hindi tumulo ang aking luha. Hanggang ngayon manhid pa rin ang lahat sakin.

Maging ang aking pagkatao ay namamanhid na rin.

Ni hindi ako tumingin sa ataul nya. Ayoko. Ayokong tignan ang bangkay na nasa loob nun dahil alam kong hindi sya 'yun.

Hindi ko kayang tanggapin na sya ang nasa loob nun.

Halos wala ng butong natira sa nalapnos nyang katawan pero paano nila nasabing sya nga 'yun?

Anong basehan nila?

Kaya hindi ako iiyak.

Hindi ko iiyakan ang taong alam kong hindi naman dapat iyakan. Maaaring nakisimpatiya ako ngunit hinding hindi ako iiyak. Hanggat hindi sya bumabalik sa'kin. Kahit multo na sya o ano pa man. Hanggat hindi sya bumabalik sa'kin at kinompirma mismo sakin na wala na nga sya o buhay pa ba, hinding hindi ako iiyak.

Wala akong pakialam kung sobrang nababaliw na ako.

Maraming nakisimpatya.

Nandito sila Andrew, Sai, Aaron, yung mga betchfriends nya na iyak ng iyak at halos ayaw ng umalis sa tabi ng kabaong nya. Yung mga ka officemates ko dati at mga empleyado nila Dewey sa kompanya. Nandito rin ang iilan sa mga kapamilya nila. Silang lahat niyakap ako at nakisimpatya ngunit hindi ko man lang sila maramdaman.

"Magpahinga ka na muna Leah. Wag kang masyadong magpapagod ano ka ba. Pinatulog ko na si Baby Lewey. Magpahinga ka na rin, kahapon ka pa hindi kumakain."

Nginitian ko lang si Ate Janine, ang kapatid ni Dewey.

"Okay lang po ako ate."

She shake her head.

"No you're not. Sige na. It's a must. Kumain ka na muna at magpahinga okay? Kami na muna ang bahala dito."

Tatanggi pa sana ako ngunit hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinignan sa mata na tila ba nagmamakaawa.

"Leah please? At least do this for baby Lewey. You need to take care of yourself. Just because his Dewey's gone ay magpapakabaya ka  na rin sa sarili mo. You have to be strong. Your son needs you."

She sigh at hinawakan ako sa kamay.

"Dewey loves you so much. As much as you'd ever know. Mahal na mahal ka nya. At kung nandito man sya , he wouldn't want to see you like this."

Hindi ako kumibo. Yumuko lang ako at umalis na.

Am I that wrecked?

Sa bahay nila Dewey muna ako naglalagi kasama si Baby Lewey. Chineck ko muna ang kwarto ng anak ko at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha. Kuhang kuha nya ang ilong , mata at labi ni Dewey.

He reminds me of him.

Parang nilukot ang aking dibdib at halos hindi na ako masyadong makahinga.

I wanted to cry but I can't.

And that's maybe because I chose NOT to.

Pinagmasdan ko pa ang aking mumunting Santino sandali bago pumanhik sa kwarto ni Dewey.

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon