Thirty-six

2K 72 6
                                    

'I think there's a part in each one of us that wants the impossible to happen, and that's what surprises are.'

-Gina Carano

It's the 1st of December. Ang lamig ng hangin at ang himig ng pasko ay ramdam ko na. Christmas. May naalala tuloy ako. I breathe and sigh. Jolog days. Although if I would turn back time, I will still climb at that same roof and wait for Santa Claus.

Na late ako ng ilang minuto sa trabaho dahil nag away pa kami ni Mama sa bahay. Eh paano ba naman kasi! Nahuli ko syang naglilinis ng kubeta.

Gamit ang toothbrush ko! HUHUHU

Kaya ayun, nagkagulo kami sa bahay. Binato ko sya ng kalabasa, talong, ampalaya, sibuyas, kamatis, labanos at tasa. Ngunit ang lahat ng 'yon ay kanyang nailagan with matching flip hair.

Nagdrama pa ako sa harap nya.

"Yan na nga lang ang tanging bagay na matatawag kong akin Ma! Tapos binastos mo lang ng ganyan? How could you? You could how?"

Inasiman nya lang ako ng mukha.

Wag daw akong OA dahil papalitan nya naman daw. Kaya nagkabati rin kami agad. May sale daw kasi sa Divisoria ngayong araw kaya papalitan nya raw toothbrush ko mga sampu.

Pagpasok ko sa loob ng opisina, nakahinga agad ako ng maluwag nang makita kong walang tao. Baka masermunan na naman ako ng kulangot na 'yon pag nagkataon. Ang pangit pa man din ng umaga ko.

Wag syang ano.

Napakunot noo pa ako ng makitang may isang kumpol ng pulang rosas ang nakapatong sa mesa ko.

"Kanino naman 'to galing?"

Kinuha ko ito at inamoy amoy.

Mukhang mamahalin ah.

Hindi kaya nagkamali lang ang naglagay nito dito?

Malayo pa naman ang Valentines ah.

Sino kayang nagbigay nito?

Wala naman kasing iniwan na note o ano. Mamaya killer pala nagbigay nito. Malay mo, isa syang killer na romantiko diba? Bago nya patayin at kunan ng mga lamang loob 'yung mga biktima nya ay binibigyan muna nya ng rosas.

I cringed with the nonsense thought. Masyado na akong paranoid. Mukhang nakain na nga ako ng sistema.

Napangiti ako bigla ng may maisip akong taong maaaring nagbigay nito.

"Enjoying your December surpise Miss Buendia?"

Maagang panunudyo ng pangit na CEO.

Naaasar ako sa mukha nya ewan ko ba. Hindi naman ako naglilihi pero parang ang sarap sa feeling kalmutin ng mukha nya.

Nakakainis.

Ngumiti lang ako. Isang sarkastikong ngiti na nagpaalis ng kanyang malapad na ngiting may bahid ng panunukso.

He cleared his throat

"So tell me about today's list. Any meeting scheduled?"

Pormal nyang tanong.

"None so far sir."

"Okay."

Naupo na ako at sinimulang mag pirma ng papeles na dapat kong tapusin ngayong araw. I can sense him watching me through my peripheral vision but I ignored him.

Wala ako sa mood makipaglokohan.

Lunch time.

Nakita kong nag-iisang kumakain sa isang mesa si Aaron kaya kaagad ko syang nilapitan at binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Hi Aaron. Can I sit with you?"

Napatingin naman sya sa'kin at ngumiti na rin na nagpalabas ulit ng kanyang dalawang malalalim na dimples sa pisngi.

"S-sure."

"Thank you ah. Sobrang nagustuhan ko 'yung binigay mong flowers. You're such a sweet guy. Na touch ako."

Tumigil sya sa pagnguya ng kinakain at kunot noong tinignan ako ng may pagtataka.

"What flowers?"

"Yung-roses?"

Mas lalong kumunot ang noo nya.

"Roses? I give you roses?"

Hindi ba sya ang nagbigay?

"Yes. Nilagay mo sa ibabaw ng mesa ko this morning."

Lumiwanag naman ang mukha nya.

"Ah! Y-yeah. The flowers. Thank God you love it. I k-know you will love it."

Halata sa boses nya ang pag aalinlangan pero hindi ko nalang pinansin at nag order na rin ng pagkain.

Nahiya lang siguro.

Araw araw na akong nakakatanggap ng bulaklak, minsan tsokolate.
And I keep on thanking Aaron for it.

Until one day, I received another bunch of flowers.

A  bunch of white roses.

I smelled it and smiled. Napapikit pa ako.

"Do you love it?"

Napapitlag ako nang may nagsalita mula sa likod ko. He's so close that I almost feel his heartbeat behind my back. He's hot mint breathe on my neck makes me want to melt down.

"Y-yeah. Aaron has a great taste you know."

"Aaron?"

Napalingon ako sa kanya at umatras ng konti.

"Yes. He's been giving me this flowers for two weeks now. He is such a sweet guy."

"Aaron huh. Do you like that guy?"

Madiin at puno ng awtoridad nyang tanong sabay taas ng kaliwang kilay.

"Y-yeah."

"I see."

Sabay alis at balibag ng pinto pasarado.

What the heck is his problem?

May regla siguro.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy nalang sa trabaho.

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon