Chapter Nineteen

1.9K 68 2
                                    

Naiinis ako kay Andrew. Buong araw ba naman akong kinukulit na lumabas daw kami. Wala kasi si ma'am Mathematics eh. Nilagnat na ewan. I dunker.

Ililibre nya raw ako pero KKB! Tanga lang? Libre pero KKB?

Sinong ginagago nya? Wag syang ano may regla ako ngayon.

"Sige na Leah. Sige na please!"

Inismiran ko lang sya.

"Maghanap ka na nga lang kasi ng ibang pwede mong maisama sa KKB KKB mo na yan! Eh kung KALMUTIN KALBUHIN BATUKAN kaya kita dyan nang ma experience mo KKB? Tabi nga!"

Nakaharang sa daan eh.

"Sige na please! Kung hindi ka papayag sasayaw ako dito ng tatlong bibe!"

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Eh di sumayaw ka dyan. Alis!"

"Leah naman eh! Bakit ba ayaw mong sumama eh hindi naman ako manyakis?"

"Kung libre sana edi sasama ako!"

"Sino ba may sabing hindi ko libre?"

"Tanga ka ba? Kakasabi mo lang kanina na KKB hangal. Ginagawan mo pa ako ng mali eh."

Napakamot naman sya sa ulo. Kitams? Halatang guilty.

"Sa KKB nga. Kantahan Kainan Barbecuehan. Yung bagong kainan malapit sa school natin."

"O yun na nga sinasabi ko. Ano pang hinihintay mo dyan? Tara na! Kanina pa 'ko naghihintay eh bilisan mo na! Bagal bagal kumilos eh kitang gutom na yung tao."

At nauna na akong naglakad paalis dahil ayokong tanggapin sa sarili ko na talo na naman ako.

Pahiya. Huhu

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon