Chapter One

5K 139 10
                                    

"Stalker"
- a person who stalks : a person who pursues someone obsessively

Lage ko syang iniistalk. At dahil Mass Communication student ako kaya malaya kong nalalapitan ang mga kaibigan niya upang magtanong tanong tungkol sa kanya. Pinapalabas ko na kasali pa rin ang mga nonsense na tanong na yon sa article na gagawin ko for the school paper. Sobrang baliw na baliw ako sa kanya. Kaya kahit saan sya magpunta, nandun ako. Kahit magCCR sya. Nakasunod pa rin ako na parang anino nya.

Alam ng mga kaibigan ko na sobrang baliw na baliw ako kay Dewey. Minsan nga pinapagalitan nila ako, kung bakit daw sa bakla pa ako nagkakaganito. Eh kasalanan ko bang mahulog sa kanya?

Pero charot lang. Wala talaga akong mga kaibigan dahil loner akong tao.

Dewey is one of a kind. He has his own sense of fashion. Oo bakla sya, pero hindi mo mahahalata hangga't hindi mo sya nakikitang rumarampa habang naglalakad. At kung hindi on fleak ang kilay nya.

In short, he's a "gay man". May lahi silang chinese ng angkan nya kaya medyo maputi at may pagka singkit ng konti ang mga mata nya. But not totally na singkit. Medyo lang. Mataas din sya. He's a bit thin dahil laging on a diet ang gaga pero hindi naman masyadong payat na maihahalintulad mo na sa isang buto. Sakto lang. Rinig ko nga, nag ge gym siya eh. Siguro, may abs sya hihihi. Chismis lang naman yun. Kahit naman wala, tanggap ko sya.

Naka braces din yung upper teeth nya na mas nagpadagdag pa ng appeal nya.

Good God, how could he be so beautiful?

"Ow!" Biglang sigaw nung naapakan ko.

"Ay sorry! Sorry, sorry. Sorry kuya hindi ko sinasadya."

Sincere ako sa sorry ko ah. Hindi ko naman talaga sinasadya. Masyado akong busy kakatingin sa kabilang table.

"It's fine."

Mabait na sagot ni Kuya'ng pogi. Infairness, gwapo si Kuya. May malalalim na dimple sa dalawang pisngi. Na mesmerize ako ng ilang segundo pero kaagad rin namang nawala. Humanga lang ako sa sobrang kinis ng mukha nya.

"Ahh Miss?" Pukaw nya sa natutulog kong diwa.

"H-ha? Ano ulit?" He smiled na kinalabasan ulit ng dimple nya.

"I was asking if alam mo ba kung saan ang room 201?"

Is he new here? Mukhang baguhan pa nga ata si Kuya Dimple. Ngayon ko lang din naman kasi sya nakita dito. For 3 years of being trapped in this institution. Sigh.

"Yep, sure. Kung gusto mo, I'll lead you the way."

"Really? Thanks. That's too kind of you."

Nginitian ko lang sya. Naapakan ko rin naman sya kanina kaya quits na kami.

Madaldal si Kuya'ng pogi kaya madali lang nawala ang awkwardness sa aming dalawa.

So his name was Andrew, short for Drew. He was once a student from University of East High pero nagtransfer sya dito sa ZSMIT, a maritime school dahil gusto ng daddy nya na mag marine sya at pagkatapos ay mag aral naman ng law ayun na rin sa kagustuhan nya. Okay, so sya na ang mayaman.

"So tell me about yourself, Leah."

Pangungulit nya while opening up some random orange juice. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen. O diba? Ganyan na kami ka-close.

Actually, libre nya ang lunch ngayon kaya kahit nabubwesit na ako sa katsismosohan nya ay keri pa rin.

I shrug.

"Wala namang interesting sa akin eh. Maliban sa ako si Leah Buendia . Isang 19 years old third year ordinary college student na mahilig tumambay sa library para matulog ay wala na akong mai-share sayong bukod tangi kong katangian."

Nakatanga lang syang nakatingin sakin. Obviously waiting for me to state more details about myself.

"What do you mean that's all? Wala ka bang special talents, hobbies? Or any..crushes?"

While winking at me na nagpangiwi sa akin. Cringy.

"Maliban sa kaya kong umubos ng samyang sa loob ng isang minuto nang hindi umiinom ng tubig. I'm also a great sleeper."

Proud kong sabi. Hindi biro ang talento ko alam ko yun. Hindi nya na kailangan pang tignan ako ng nakakaloka.

"How about your crush? Anyone?"

Kahit nadadaldalan na ako sa kanya ngunit sinagot ko pa rin naman ang tanong nya. Lalo na ng makita ko ang inaabangan kong view sa buong araw mula sa likuran nya.

"My crush.. is the most beautiful creature ever existed in this flat small word. And he is just sitting two table from your back."

Halatang nagulat sya at interesado sa sinabi ko at agad nagpalinga linga sa paligid. Kumunot ang noo nya ng makita ang direksyon nila Dewey na halatang kakatapos lang kumain dahil masyado ng busy sa paglalagay ng lipstick at pagkikilay.

"That is your crush?"

"mmm-mm," While finishing my last drop of Strawberry juice.

"Pero isa syang-"

"Bakla. Alam ko. Ngunit kailanman hindi naging dahilan ang kanyang pagiging bakla para hindi ko sya magustuhan. Saranghae oppa huhu."

Sabay palipad ng halik sa direksyon ni Dewey kahit alam ko namang nilipad lang yun ng malaking ceiling fan dito sa canteen dahil hindi nya naman sasaluhin yun kahit kailan.

Muntikan namang malaglag ang panga ni Andrew habang nakatingin sa akin.

That Gay Who Catches My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon