Chapter Eleven

30.5K 775 11
                                    

"Aarrgh!"

Onie shouted in pain. Manang Cora tape the bandages to cover the wounds that his guest caused to him. "Sandali nalang ito hijo. Bukas na bukas paghupa ng baha ay sumulong ka kaagad sa bayan upang matignan ito. Pansamantala lang ang first aide na nilagay ko d'yan. Baka kasi mainpeksyon pa." Sabi ni Manang Cora sa kanya.

Umangat ang mga mata niya mula sa madilim niyang silid na naliliwanagan lang ng isang kandila. Mula sa gilid ng pintuan ay nakatayo ang babaing pumukpok sa ulo niya ng vase. Tinitigan niya ito ng mariin. Ito ang babaing tinulungan niyang makaligtas sa mga rapists noong gabing bumiyahe siya pauwi dito sa San Agustin.

Kagat-kagat nito ang pang ibabang labi habang hawak ang mga daliri. Bakas sa mga mata nito ang pinipigil na pagluha. Nag iwas siya ng tingin. Matapos niya itong ihatid dito sa bahay niya ay mabilis siyang pumunta sa presinto para ireport ang insidente. Mabuti nalang at may mga CCTV cameras sa bawat kalye at liblib na daan kaya madaling nakakuha ng ebidensya. Nalaman niyang mga dayo pala ang mga iyon. Taga maynila marahil. Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga lalaking dumukot dito.

Sinamsam na ni Manang Cora ang mga ginamit sa pag gagamot sa sugat niya. "Magpahinga ka na muna. Magaakyat ako ng gatas at nang mainom mo. Natatakot ako baka lagnatin ka, basang basa ka pala ng ulan."

Inayos niya ang pagkakasandal sa kama. "I'm okay Manang. Magpahinga na kayo."

"Sige pero kapag sumakit muli. Tawagin mo lang ako." Tumango siya at lumabas na ito ng silid. Ipinikit niya ang mga mata. Pero agad din siyang nagmulat nang maramdamang di siya nag iisa sa loob ng silid niya.

"What do you want?" Aniya na nakatutok ang mga mata deretso sa bintana. Marahang lumapit ang babae.

"P-Patawad po." Halos pabulong lang na sabi nito.

Doon siya lumingon. Nakayuko ito at hawak ang mga daliri. Hindi tuloy niya mabistahan ang mukha nito. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Pwede naman niyang ilagak ang babaing ito sa shelter at hayaan ang mga staff ng mommy niya ang umasikaso dito. Doon ay maraming gaya nito ang makakasama nito. Pero heto siya. Bitbit ang babaing ito sa mismong bahay na ipinagawa niya para sa kanila ni Yana.

Si yana. Paano si yana? Agad na rumagasa sa isip niya ang dahilan ng lahat. "Get out!" utos niya sa babae. Mabilis na tumalima naman ito na tila natakot sa kanya.

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. "Aaahhh!" May luha na namang namuo sa mga mata niya. Hindi niya alam kung paano nga ba siya haharap sa mga magulang niya pagkatapos nang lahat ng nalaman niya? Paano niya itatanong sa mga ito kung bakit at paano nangyari ang lahat? Na kung bakit itinago nila sa kanya ang katotohanan.

Muli siyang napamulat nang mga mata. Nagriring ang cellphone niya. Kanina pa tumatawag ang mommy at daddy niya. Nang dumaan siya sa bahay ng tito Jeremy niya ay pinipigilan pa siya ni Ciara na wag umalis dahil sa masungit na panahon. Inakala niyang pamilya na naman niya ang tunatawag kaya hindi niya iyon sinagot. Pero muli iyong nagring makalipas ang may ilang minuto.

Nang tignan niya iyon ay pangalan ni Yana ang bumungad sa kanya. He slowly pick up his phone at sinagot iyon. Malalim na bugtong hininga ang ginawa niya bago nagsalita sa kabilang linya.

Yana soothing voice is like a music in his ears. "Where are you babe? Nag aalala na kami sayo. Your mom and dad are all looking for you." Gusto niyang sabihin dito ang lahat. Gusto niyang maramdamang may taong handang makinig sa kanya. Pero paano? Sa oras na malaman ni yana ang tungkol sa pagkatao niya ay iiwan siya nito. Baka hindi siya nito matanggap and worst baka pandirihan siya nito.

Hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya bago nagsalita. "I just want to be alone. "

Kusang pinatay niya ang linya at binitiwan ang aparato.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon