Chapter Twenty Two

31.1K 845 45
                                    

Inagaw na niya dito ang hawak na basong may alak. "Buti pa tama na ito. Baka malasing kita yari tayo sa jowa mo." Pilit niyang idinadaan sa biro ang lahat. Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya na posibleng may nag mamay-ari na dito?

"Oh! You mean Dayana? Yana, she's yana." Sabi nito. Halata na ang pagiging madaldal nito. Halos makalahati kasi nito ang bote ng kwatro kantos. Akala mo umiinom lang ng soft drinks.

"Kaya nga tama na. Baka kalbuhin tayo 'non kapag naglasing ka pa." Kanina ang tapang niya na magyaya ng inuman. Pero nang makuta niya kung paano ito magpakalunod, nag alinlangan siya. Hindi dapat niya ito sabayan. Bagkus, unawain at pakinggan.

"Yeah.. Kakalbuhin talaga niya ako. At baka nga umurong pa 'yun sa kasal namin sa oras na malaman niya ito."

Tumaas naman ang kilay niya. "Ang OA naman ng jowa mo. Uurong agad dahil lang sa nalasing ka! Bakit mukha bang rerapin kita?"

Tumahimik ito. "She's the love of my life. Natatakot ako na baka isang araw makalimutan niya na mahal niya ako kapag nalaman niya ang totoo."

Inagaw na niya dito muli ang baso. "Buti pa magpahinga kana. Bukas ka na ng umaga umuwi. Ipinaghanda na kita ng matutulugan." Hinawakan niya ito sa braso at bahagyang inakay. Pero pagkatapos nitong makatayo ay hinawakan naman siya nito sa kamay. Sandali siyang natigilan.

"If you are yana.. Would you still accept me kahit malaking pagkakamali ang buhay ko?" Naguguluhan siya sa itinatanong nito. Ano pa bang mali sa buhay nito? Napakaperpekto nito. Kung tutuusin papasa na nga itong gumanap na Prince Charming sa Cinderella eh.

"Ano bang sinasabi mo? Ang perpekto mo kaya. Walang babaing tatanggi sayo. Aba! Daig pa ang nanalo sa lotto ng mapapangasawa mo. Mayaman, mabait, gwapo, edukado at galing sa kompletong pamilya." Sinabayan niya ng pagtawa. Kung siya marahil ang nobya nito. Baka ipinagsigawan na niya sa mundo na ikakasal sila.

"But i am not perfect. Hindi ako si Prince Charming. My life was like a portrait of fools, lies and deception." Unti unting sumadsad pabalik sa sahig ang katawan nito. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Unti unting napalitan ng maraming tanong ang isip niya.
Tumingala pa ito sa madilim na kalangitan. "Alam mo kung ano 'yong masakit? Yung malaman mo na bunga ka ng malaking kasalanan." Natahimik siya. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong ganito. Parang batang nadapa at hindi makabangon. "My mom was raped and abused. At ako ang bunga noon. I never had a beautiful child days palaging nakasigaw si mommy. There are times na hindi niya ako pinapansin. She focused on her work. But when she met dad. Doon nagbago ang lahat. So i realized, mahal din pala ako ni mommy. Nalate lang siya ng pagpaparamdam sakin. We had a rollercoaster life nang bumalik kami dito sa pilipinas. Until mom and dad got married. Lumaki kaming magkakapatid na busog sa maraming bagay. Iba't ibang laruan at kung ano ano pa. They nourished us with so much love and care." Hinayaan niyang magsalita ito ng magsalita. Ngayon ay alam na niya na pamilya ang Problema nito. "And now, mag aasawa na ako. Pero paano ko sasabihin kay yana na ang pakakasalan niya ay ako? Ako na bunga ng kababuyan ng sarili kong ama? Na ang ama ko rin ang siyang gumahasa sa Mommy  ng daddy ko?" Di niya napigilang mapasinghap. Habang hilam ng luha ang mga mata nito. "Na ang amang nagpalaki sakin ay kapatid ko? Na itinago nila 'yon sakin para lang wag daw akong masaktan. Shit! Shit!"

Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito nang tangkain nitong suntukin ang sariling ulo. "Tama na Onie! Tama na... "

"Ang sakit sakit.. Sila na pamilya ko ang unang nagbalewala sa mararamdaman ko. Na unang nagtago ng lahat sakin." Pati siya ay napaiyak na din. Mahigpit niyang hawak ang mga kamay nito.

"Kung iniisip mo na bakit ikaw? Bakit ikaw lang? Isipin mo nalang ako." Tumingin ito sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi ako nakapag aral. Si nanay ang trabaho ay ang ibenta ang sarili niya. Si tatay adik sa kung ano anong bagay, sugal, alak, sigarilyo, marijuana at pati shabu. Walang araw na hindi sila nag aaway nagkakasakitan. Sabi ko, bakit pa ako ipinanganak kung ganitong buhay din lang naman ang mamumulatan ko? Natuto ako ng maraming bagay. Natuto akong makipaghabulan sa mga pulis, ginawa ko ang nga 'yon para mabuhay. Unang beses na nahuli ako. Halos patayin ako ni tatay. Ang sabi pa niya---. "

"Anak ka ng puta! Magnanakaw ka rin lang nagpahuli ka pa! Manang mana ka sa pinagmanahan mo. Kung di dahil sa kaharutan ng nanay mo wala ka sa mundo!"

"Palagi niyang ipinamumukha sakin na anak ako ni nanay sa iba. Na dahil sa pagpuputa ni nanay nabuhay ako. Nakakatawa no? Hindi ko nga alam miski dulo ng pangalan ng totoong tatay ko." Namukal pa ang luha sa mga mata niya. "Kaya mas maswerte ka. Kasi may ideya ka kung saan ka nga ba nagmula. Eh ako? Walang maikwento si nanay kahit na ano. Kasi hindi naman na niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Dahil sa galit na 'yon ni tatay. Ipinamigay niya ako, iniwan niya ako sa ampunan. Dun sa Hermosa." Na sinabayan niya ng mapait na pagtawa. "Ang sasanta ng mga bata doon. Naisip ko hindi ako bagay doon. De numero lahat mg kilos at galaw. Kaya hayun tumakas ako. Nagpalaboy laboy sa lansangan. Kapag hapunan, tatayo na ako sa tabi ng basurahan para maghintay ng mga itatapon na tirang pagkain. Para akong pusang ligaw na nagkakalkal ng basura. Pero ikaw? Nagsinungalinh sila sayo para maging maayos ang buhay mo. Para maging maganda ang kinabukasan mo. Eh ako? Naging totoo sila sakin para maging mas masalimuot ang buhay ko. Ano ang pipiliin mo?"

Nagyuko ito ng ulo. Bakit nga ba ganoon? Ang unfair ng buhay. Noong bata naman siya, ang palaging dasal lang niya. Makaranas maglaro. Kapag pasko humihiling siya kay santa ng simpleng laruan. Kapag linggo ipinagdarasal niya na hindi lasing ang tatay niya para sama sama silang magsimba. Pero miski isa sa mga 'yon ay di natupad.

Pinawi niya ang luha sa mga mata niya bago hinawakan ang palad ni Onie. "Walang dahilan para hindi ka mahalin ng kahit na sino. Hindi totoo ang pagmamahal niya sayo kung malalalaman niya ang totoo at hindu ka niya tatanggapin. Lahat ng tao may kanya kanyang madilim na kwento. Lahat tayo may pangit na nakaraan. Na sa atin nalang kung gusto pa natin iyong balikan." Ngumiti siya dito.

Namumula ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Ang tatag mo... "

"Kailangam kong maging matatag para mabuhay. Kailangan kong maging matapang para manatiling nkatayo. Ikaw, kailangan mo rin iyon." Siya na ang pumunas sa mga luha nito. Hinawakan nito ang palad niyang nakadikit sa pisngi nito.

Ang buong akala niya'y itataboy nito ang kamay niya ngunit nagulat siya ng dumikit iyon sa labi nito at ginawaran ng mabining halik.

Ang first kiss ko!




To be continued....




------

Kapag natapos po ang kwento ni esyang at onie. Hold muna tayo sa series 2. Balik GS namn po tayo. Continue si Levi. At pag natapos si Levi hold muna ulit sa series 14 kaya di muna mapapapost si Ruth ng GS14 kasi need matapos ang nude bago magumpisa ang kwento ni attorney. hehehe. Sa Hermosa naman balak kong iseries 2 si ruthie pero need munang matapos ang Querida. Remember? Asawa siya ni Marco doon. Hehehe.. Ang gulo ng connectivity. Hahaha. Depende pa po kung masasatisfy ako sa niluluto kong kwento ni Mhelanie. Baka inumber 2 ko siya. Abang nalang guys.. Hehehe..

Thanks for the reads.
Ai:)

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon