Chapter Twelve

31.2K 837 25
                                    

Marahang inilapag ni Esyang ang tasang may kape Sa gilid ng binata. Nasa loob ito ng sariling silid at nakatanaw sa malayo. Umuulan parin sa labas. Pero panaka-naka nalang. Ang tinatawag nalang na tail-end nang nagdaang bagyo ang nararanasan nila.

Hindi pa rin nakakapunta sa bayan ang binata upang ipasuri ang sugat na tinamo nito mula sa pagkakahampas niya. Sobrang nagiguilty siya. Hindi naman niya sinasadyang mapuruhan ito. Akala niya talaga kasi ay pinasok na sila ng masasamang loob. At lalo pa siyang napahiya sa sarili nang malaman niya kung sino ang lalaking sinaktan niya.

Si Onie lang naman ang lalaking nagligtas sa kanya sa mga kamay ni jojo. At ito rin ang lalaking nasa mga diyaryo at magazines na nababasa niya! Para siyang batang ngayon lang nakadama ng salitang crush kung titigan niya ito sa malayuan. "Hindi naman ako humihingi ng kape." Bumalik sa huwisyo ang isip niya nang marinig ang baritono at buong buong tinig nito.

"A-Ah.. Ano po kasi... " Tila wala siyang mahagilap na sasabihin. Hindi rin naman niya alam kung bakit naisipan niya itong dalhan ng kape.

"Alisin mo 'yan dito. Ayoko magkape." May bahagyang iritasyon sa tinig nito. Pero hindi siya nagpatinag.

"Inumin niyo na ho yan. Mabisa yan pantanggal lamig. At saka tubig lang ang laman ng tiyan niyo baka magrambulan sa tiyan niyo ang mga palaka at bulate d'yan. Lamanan niyo para hindi sila mag away away." Walang gatol na sabi niya. Saka lang niya nakitang titig na titig ito sa kanya.

Ano bang kadaldalan lang esyang? Ginalit mo si pogi. Bulong niya nang kumunot ang noo nito.

"Get out!" Napakislot siya dahil sa ginawang pagsigaw nito.

"P-Pero... "

"I said get out! Leave me alone!" May pag aalinlangang umatras ang mga paa niya. Patakbo niyang tinungo ang pinto at lumabas doon. Habol ang hiningang napasandal siya.

" I said get out! Leave me alone!  " Pang gagaya niya sa sinabi ng binata sa kanya. "Grabe makasigaw akala mo naman nasa kabilang bundok yung kausap. Pwede naman niyang sabiblhing please, lumabas kana. " Sinadya niyang malambutin ang tinig. "Hindi yung malasigaw akala mo bingi ako!" Humarap siya sa pintuan at tila si onie ang kaharap niya at pinagduduro niya iyon. "Ikaw na lalaki ka! Ang yabang yabang mo! Akala mo kung sino kang gwapo! Akala mo kung sino kang mabango! Masama bang bigyan ka ng kape? Buti nga inalala pa kita. Di ka nalang magpasalamat. Pero pasalamat ka at kras kita. Kung hindi nabali---."

"Kung hindi ay ano?"

Tila lumobo ang utak niya at handang pumutok nang makitang bukas ang pinto at nasa harapan na niya ang lalaking pinatutukulan niya ng masasakit na salita. Dama niya ang pamumula ng pisngi niya dahil sa biglaang pag init niyon. Gusto niyang bumuka ang sahig at lamunin na siya.

Diyos ko! Ano ba itong bibig ko walang preno. Napaigtad pa siya nang kuhanin nito ang mga kamay niya at inilagay doon ang tasa.

Wala nang lamanNagpalipat lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa tasa na puno bg kape kanina. Hindi man ito nakangiti ngunit nakikita niyang nakangiti ang mga mata nito. Bagay na mabilis niyang napuna. "Pasalamat ka at masarap ang kape mo."

Naestatwa na siya sa kinatatayuan hanggang sa talikuran siya nito at marahang isinara ang pintuan. Pakiramdam niya ay isa siyang artista. Artistang kinikilig dahil sa kras niya.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now