Chapter One

45.7K 1K 26
                                    

Nakatayo sa harapan ng bilihan ng inihaw si Esyang nang maramdaman niya na may tumabi sa kanya. Hindi siya kumilos. Naramdaman niya ang binti nito sa gilid ng kanang binti niya. Sa suot niyang maluwang na maong short. Bahagyang kumikiskis ang mabalahibo nitong binti doon. Nagtagis ang bagang niya. Iisang tao lang naman ang kilala niyang gusto siyang manyakin.

"Hoy! Inda! Bilisan mo yang pagpaypay mo. Ayokong nauusukan itong sinta ko." Halos masuka siya sa paraan ng pagtawag ni Jojo sa kanya.

Inagaw niya kay inda ang supot ba paglalagyan ng beta max at isaw. "Ako na nga inda. Unahin mo na itong VIP customer mo." Sabi niya.

"Sige Esyang. Pasensya kana ha!" Sabi ni Inda.

Pagkatapos isupot ang binili at iabot ang limampung papel sa babae ay tinalikuran na niya ang mga ito.

Pero Iba ang tigas ng mga bituka ni Jojo. Sinundan siya habang binabaybay niya ang hagdan pababa sa ilalim ng tulay kung saan may short cut papasok sa eskenita nila. "Hindi mo ba talaga ako lulubayan?" Nakaangil na tanong niya kay Jojo.

Ngumisi ito sa kanya. Labas ang madidilaw na ngipin na hula niya'y noong huling linggo pa nadaanan ng sepilyo. "Ikaw naman babes gusto lang naman kitang ihatid. Hindi ba't magiging ganito din naman tayo kapag sinagot na kita." Na sinabayan pa ng nakakalokong ngisi.

Kung ang ngingisi siguro sa harapan niya ay ang lalaking nakita niya sa dyaryo noong isang araw baka nahulog na ang panty niya sa kilig. Pero kung ito rin lang si Jojo ang ngingisi sa kanya na akala mo'y piratang hindi kilala ang tubig. Malamang sumuka na siya ng sampalok sa sobrang asim ng hitsura nito!

"Pinapatawa mo ba talaga ako? Ako pa talaga ang sasagutin mo? Eh kung sagutin ka kaya nito?" Sabay bunot niya sa labahang ipinahasa niya kay mang edgar kanina. Gagamitin niya iyon sa paggugupit kay jopet at sa iba pang bata dahil pasukan na sa lunes.

Nakita niya ang sandaliang pananahimik nito. "Oh! Ano? Natatakot ka? Wag ako ha! Wag ako!"

Tinalikuran na niya ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Noon pa man. Nang mapadpad sila dito sa Tondo. Samo't saring taktika na ang ginamit ni Jojo para makaisa sa kanya. Mabuti nalang at lagi siyanh alerto pagdating sa kanya.

Nakakalat ang mga bata sa magulo at maingay na eskinita. Mabilis siyang naglakad hanggang sa makarating ng bahay. Inabutan niya si edong na namimilipit sa sakit ng tiyan. "A-Ate... " Sabay iyak pagkakita sa Kanya.

Mabilis niyang nabitawan ang inihaw na dala at nilapitan ito. "Anong nangyari sayo ha?"Nag aalalang tanong niya.

"Masakit ate ang tiyan ko. Parang pinupunit." Saka umiyak ng umiyak.

Inihiga niya ito sa kawayang upuan at mabilis na pumasok sa kusinang natatabingan lang ng sakong kurtina. Kumuha siya ng maligamgam na tubig at inilubog doon ang maliit na tuwalya. "Ano ba kasing pinagkakain mong bata ka? Hindi ba't ang bilin ko sa inyo ang kakainin niyo lang ay mga makakabusog sa inyo. Hindi makakaperwisyo?" Sermon niya habang dinadampian ang tiyan nito.

Lahat ng batang nasa pagkalinga niya ay hindi niya mga kaano ano. Hindi niya alam, basta nagisnan nalang niya na kasama na niyang natutulog ang mga ito sa bangketa sa divisoria.

Nagpatuloy ito sa pag iyak. Bata pa si edong. Siyam na taon palang ito. Tanging si Jopet at pochi lang ang hinahayaan niyang maghanap buhay. Hindi niya hinahayaang makipaghabulan sa mga parak ang mga tulad ni edong. "S-Sobrang masakit na ate."

Bahagya siyang nataranta ng bumangon ito at nagtatakbo sa lababo nila. Mula doon ay sumuka ito ng sumuka. Manilaw nilaw ang sinuka nito. Kita niya ang pamumutla dito. "Edong ano ba? Kinakabahan na ako sayo."

Imbes na sumagot ang bata ay bigla nalang itong natumba sa harapan niya at nawalan ng malay. "Edong? Edong. Edong!"




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang