Chapter Forty

28.4K 735 37
                                    

Naiwan si Lance sa Pedresito. May pupuntahan siyang Medical Mission. Isang women foundation na nangangalaga sa mga kababaihan. Si Maurice naman ay nangakong susunod sa kanya. May naiwan pa kasi itong trabaho sa ospital.

"Doktora Gabriel, tayo na po sa loob." Bumaba siya ng Service Van ng ospital ng sabihin ng Foundation staff na ready na daw. She is a psychiatrist. Neuro surgeon naman si Maurice. Sa mga ganitong lugar ay kailangan talaga ng mga gaya niya. Katulad niya na uunawa sa mga kapwa niya babae. Gusto kasi niyang malaman kung kailan higit na nahihirapan ang isang tao. Kung kailan mas higit silang masasaktan. Gusto niyang malaman kung hanggang saan nila kayang magisa. Kaya siguro pinili niya maging psychiatrist.

"May mga cases dito doktora na, hindi na nakakausap ang ilan sa mga kasama namin. Mayroon naman na kaming ward para sa kanila. Kaya lang 'yung trauma kasi nila ang palagi naming kalaban. Ilan sa mga narito sa shelter ay biktima ng kung ano anong karahasan." Natigilan siya sa sinabi ng staff. Pamilyar siya sa ganoong pakiramdam dahil napagdaanan niya rin iyon.

There's so many nights na dumedepende siya sa pills para lang makatulog. Pero naisip niya. May pamilya siya. Bakit siya matatakot na mag isa kung may makakasama naman siya?

Isang centralized hall na may mga nakalagay na tables. Ito ang preparation para sa outreaching medical mission nila. Ang asawa niya ang nakausap ng founder ng foundation. "Dito po tayo doktora." Sinamahan siya nito sa isang cubicle. May table doon. Naroon nakapatong ang mga chart, gamot at ilang folders.

"Thank you." Usal niya ng abutan siya nito ng ballpen at iminuwestra ang upuan sakanya.

May ilang minuto lang ng mag umpisa na sila. She enjoyed every minute she had with some women na nakakausap niya. Masaya siya na pagkatapos nilang magkwento sa kanya at umiyak ay lalabas silang nakangiti. Pakiramdam niya ay ang laki ng nagawa niya para sa mga ito.

Around twelve noon ng magtext ang nanay niya. Magkasama daw si Lance at Maurice. Alam niyang tutungo dito ang asawa niya. And she's excited. Kahapon ay magkakasama silang namasyal dahil linggo. And now, lance are asking them to watch a movie tonight. Nagkasunod silang mag asawa na magkikita kita.

"Can i use a comfort room?" Aniya sa staff na tumutulong sa kanya.

Tumango ito. "Yes, Doc. Right this way po."

Sinunod niya ang sinabi nito. Pagkalabas ng hall ay dineretso niya ang pasilyo. Wood parquet ang sahig. Makintab at halatang alaga sa linis. May maliwanag na sinag mula sa labas dahil sa malalaking salaming bintana.

Napapangiting dumungaw siya doon. Malawak na garden ang nasa haraoan niyon at may malaking fountain sa gitna. Nakatayo ang dalawang kerubin habang may sulong na banga. "Why are you smiling?"

Napalingon siya sa gilid niya. Isang batang babae na tingin niya ay di nalalayo ang edad kay lance ang nakita niya. Matamis siyang ngumiti. Ang cute nito sa pink floral skirt nito na tinernuhan ng puting hello kitty shirt. Nakapig tail ang buhok nito na alon alon. Kakulay din ito ni Lance. And by the sight of this child, remind her someone. "Hi."

Inilahad niya ang kamay. "Hello. Why are you here? Are you a doctor?"

Tumango siya. Mabilis din itong ngumiti na labis niyang kinamangha. "I want to be a doctor someday."

"That's good." Hindi pa nito binibitiwan ang kamay niya. Iyon pala ay nakatitig ito sa nameplate na nakapin sa damit niya.

"T-Tess-ma-rie-gab-riel. " Basa nito.

Natatawang hinubad niya iyon at ikinabit sa damit nito. "I'm Doktora Tessmarie. And you are?"

"Sushianne Marie. But my daddy always call me sushi." Natawa siya sa pangalan nito. "We both have marie in our name. Ang galing!" pumalakpak pa ito.

"Alright Sushi. Sa iyo na 'yang nameplate ko. And soon, when you became a doctor. Name mo na ang nakasulat d'yan." Tinitigan oa nito ang nameplate na ikinabit niya sa damit nito.

"Thank you so much for this. Bagay po ba sakin?" Agad siyang tumango.

"Oo naman." Hinaplos niya ang buhok nito. Nakakatawa pero ganito rin ang buhok ni Lance when he was six. Ayaw kasi nilang ipaputol ang buhok nito. But when he transferred to another school. Bawal na ang long hair kaya ipinaputol na nila. Lance cried the whole day dahil sa buhok nito. "You have my son hair." She nonchalantly said.

"So your son is a gay." Napabulanghalit siya ng tawa.

"No! He is not gay."

"But you said---" She paused. "Gay wears long hair. Just like girls."

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Buti pa ihatid na kita. Saan ka ba dapat papunta?"

"Sa lobby." Inakay niya ito patungo doon. Nawala na ang kagustuhan niyang gumamit ng CR dahil sa batang kasama niya. "My dad is in there. And he's waiting for me. I want you to meet my dad. He's single." Then she giggled.

Tumawa muli siya. "I'm sorry sushi. You can't match me with your dad because i already have a husband."

"Ohh!  Akala ko po single kayo. Because dad said, not all parents are taken." This is not usual for a kid with the age like her. Pero sa ibang banda ay natutuwa siya dito. Lance also like that. He's so much questions na hindi mo na minsan alam kung paano sagutin.

"Let's go Doc Marie. I saw my dad. He's wearing blue. Com'on." Hinila pa siya ni Sushi. Napatakbo tuloy siya gaya nito.





To be continued...





-----

There will be no ud tonight.

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now