Chapter Twenty

30.1K 733 28
                                    

"Are you cheating on me?"

Onie stilled. "I'm sorry?"

Yana placed her Louis Vuitton wallet next to her phone. "Answer me! Nambababae kaba? Niloloko mo ba ako?" Sandaling natigilan si onie lalo na ng makita niyang namumuo ang pinipigil na luha sa mga mata ni Dayana.

Binitiwan niya ang binabasang folder. It's past ten in the morning nang dumating si Yana dito sa opisina niya. "And where did you get those ideas?" He asked. Still in his seat.

Yana walk farther. "You!" Sabay turo sa kanya. "Akala mo ba hindi ko napapansin?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Napapansin na ano? Yana, Could you please stop being paranoid? At kung ano ano ang iniisip mo."

"So i am the paranoid now?" She smirked. May butil na ng luha ang umalpas mula sa mga mata nito. Natigilan siya, ayaw niyang makakita ng mga babaing umiiyak. Lalo na kung siya ang dahilan. "I've been trying to get into you. Reaching you. Panay na ang tawag ko sayo para sabihin ang mga details sa kasal natin but you're keep on neglecting me! Halos hindi na kita mahagilap. And tita Dioann said, napapadalas ang di mo pag uwi ng bahay. So, ano? May binabahay ka na ba?" Tuluyan na itong umiyak.

Mabilis siyang lumapit dito. Sinubukan niya itong hawakan pero umiwas ito. "K-Kaya ka ba ganyan dahil narealized mong hindi mo na ako gustong pakasalan? That all we planned for so many years was already vanished. H-Hindi mo na ba ako mahal?"

"Ano bang klaseng tanong yan? Mahal kita at walang mababago doon. Magpapakasal tayo dahil iyon ang gusto natin. At tungkol sa di ko pag uwi. Dito ako sa opisina natutulog. I have a lot of works to be done kaya naoovertime ako. And you know i hate driving when it's late." Na siyang totoo. Napapadalas ay halos dito na siya nakatira sa opisina.

Kinuha niya ang isang kamay nito. "May mga bagay lang talaga akong iniisip ngayon. I'm sorry kung pakiramdam mo nababalewala kita."

"Onie fiancé mo ako. Nandito ako para samahan ka. Bakit inilalayo mo ang sarili mo kung pwede mo naman sabihin sakin para matulungan kita." She said.

Yumuko siya. Pwede ko bang ipagtapat sayo na anak ako ni mommy sa gumahasa sa kanya? Na ang nang-rape sa mommy ni daddy ay daddy ko din? He smiled bitterly. "Ayokong madamay ka. Just let me take care of this."

Pinawi niya ang luha sa mga mata nito. "Hindi mo ako pinagkakatiwalaan. You don't trust me enough para aminin salon ang problema mo. Is it about your work? Kasi hindi kita lalo maiintindihan kung wala kang sasabihin sakin. Imagine, dalawang buwan nalang ikakasal na tayo."

Hindi niya kaya. Hindi niya kayang sabihin dito. Paano niya sasabihin dito kung siya mismo ay hindi niya matanggap sa sarili niya? Dahan dahan binawi ni Yana ang kamay nitong hawak niya. "I guessed you have no plan para magsabi sakin ng totoo."

"Dahil wala akong aaminin sayo." Mabilis niyang sagot. Trying to avoid her gaze.

"Then look me in the eye." Hamon nito. "Kilala kita Onie. I know when you have a problem, i know when you are happy and i know when you are sad. Kaya paano hindi ako magtatanong? Magiging asawa mo ako if in case you forgotten."

"Hon please... "

Lumayo ito sa kanya at hinagilap ang gamit nitong nakapatong sa lamesa niya. "Kausapin mo nalang ako kapag handa ka nang magsabi ng totoo sakin."

Tuluyan na itong nakalabas ng opisina niya. Gustong gusto niya itong habulinat ipinaliwanag ang lahat pero paano nga ba siya magsisimula? Saan niya uumpisahang sabihin ang lahat? That he is a rapist bastard?

Ang isipin iyon ay halos kamunghian na niya ang sarili niya.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now