Chapter Twenty Seven

31.2K 779 24
                                    

"Saan mo pa gustong pumunta?"

Narinig ni Esyang na tanong ni Onie sa kanya. "H-Ha?" Nasa parking lot na sila sa labas ng restaurant. Nakilala na niya ang kaibigan nitong si VJ. Akala niya talaga ay sa isang simple at mumurahing kainan lang sila pupunta pero nagulat siya ng dalhin siya nito sa mamahaling restaurant. "W-Wala naman akong ibang maisip puntahan." Tipid niyang sagot.

"Are you sure? We can watch a movie kung gusto mo." Nagtataka na siya kung bakit ang bait bait ni Onie sa kanya. Umiling siya.

"Hindi naman ako mahilig manuod ng sine." Nahihiyang tugon niya. Noon kasi wala naman silang pansine. Nagkakasya nalang sila sa pakikipanuod sa kapitbahay kasi yung tv nila pasanla sanla sa kung saan saan kaya nasira na rin. Napagod na yata. "Pero may alam akong magandang puntahan." Di niya napigilang ngumiti.

"Alright! Puntahan natin. " Masiglang sabi ni onie at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Umupo sila sa Concrete bench sa tabi ng seaside. "I never thought na mahilig ka palang pumunta dito." Nililipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok habang nakatanaw sila sa dagat.

Ngumiti siya. "Noong bata ako palagi kami ni Caloy, yung kapatid ko. Palagi kaming finadala ni nanay dito." Sabi niya sabay tingin sa malawak na dagat.

"So madalas pala kayong mamasyal ng nanay mo." Magkatabi sila ni Onie. Madilim na ngunit hindi mo mahahalata sa paligid. Puno kasi ng ilaw ang palibot ng Seaside Blvd.

"Oo. Kapag nagsimba kami tapos wala naman kaming pera. Dito lang kami tumatambay tapos bibili nalang kami ng fishballs tapos masaya na kaming magkukwentuham dito." May mga mumunting alaala sa kanya. Marahil ang isang gaya niya na dumaan sa pangit na pagkabata ay sabik pa ring danasin ang ganoong edad.

Naalala niya, kahit kailan ay hindi sumama ang tatay nila sa pagsimba. Kaya kapag lingho madalas ay siya nalang ang kasama ng nanay nila. Si Caloy kasi ay mas madalas na kasama ang barkada. "Maraming alaala si nanay dito. Ang sabi niya, dito daw niya nakilala yung may edad na lalaking taga ibang bansa yata. Yung bugaw kasi ni nanay ay may kliyente daw at dito sila magkikita ni nanay kaya lang hindi sumipot. At yung nakilala naman ni nanay na may edad na lalaki ay tinulungan niya noong muntik nang maholdapan. Hayun, sabi ni nanay nagkakwentuhan daw sila. Inalam ang trabaho niya. Si nanay pa. Praud na PraudYun sa trabaho niya. Para lang may maiuwing bigas si nanay tinanggap niya yung perang binigay nung lalaki. Pasasalamat daw sa pagtulong na ginawa niya."

Paglingon niya ay nakatitig pala si Onie sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Dinaig na pala niya ang libro sa dami na niyang nasabi dito. At puro pangit na karanasan pa niya sa buhay. "What if 'yon pala ang tatay mo?"

Nagkibit balikat siya. Di naman na siya umaaasa na makikilala pa niya ang tatay niya. "Hindi ko alam. Wala naman nang nakwento si nanay kung nagkita pa ba ulit sila  nung lalaki. Saka ang sabi niya, sa dami daw ng mga lalaking nakilala niya di na raw niya alam kung sino nga ba ang nakabuntis sa kanya. Saka bago naman sila nagkakilala ni tatay ay buntis na siya sakin e." Hindi man nakompleto ang pagkatao niya dahil sa hindi niya alam kung sino ang tunay niyang ama. Ayos na rin. Baka kasi mas gumulo lang ang buhay niya kung makikilala pa niya ang totoo niyang ama.

"Do you have plans para hanapin siya. Kilalanin?" Umiling muli siya.

"Wala na. Kung si nanay nga walang mabigay na sagot diba? Saka paano ko naman siya hahanapin kung sakali?" Natatawa nalang siya kapag naiisip niya iyon. Puta ang nanay niya paano may tatanggap sa kanya kung sakali?

Naramdaman niya ang paghawak nito sa palad niya. Mariin nitong pinisil iyon. Gumanti siya, pinagsalikop niya ang mga palad nila. "Kaya mas maswerte ka pa rin. Kasi alam mo kung paano ka napunta a mundong ito. Pangit man ang naging simula pero may naging magandang dulot pa rin."

Hinayaan ni Onie ang mga palad nila. Dama niya ang init na nagmumula sa palad nito. " I don't know. After i learned everything.. Parang naging malabo na sakin ang lahat. I cannot imagine myself having ---."

"Simple lang. Patawarin mo siya. Patawarin mo kung nagkamali siya. Sa katapus-tapusan naman ay tatay mo pa rin siya." Putol niya. Nahihirapan siya sa sitwasyon nito. Nakakatawa lang isipin na hindi sila nagkakalayo ng buhay.

Tumitig si Onie sa kanya. "How? Paano? Paano ko sasabihin s akanya na sa kabila ng pagkakamali niya ay nagpapasalamat pa rin ako dahil narito ako ngayon. Na buhay ako? Paano ko pa iyon ipapagpasalamat sa kanya kung patay na siya?"

Bahagya pa siyang nabigla dahil doon. Oo nga at kilala  nito ang tatay nito. Pero ang isiping patay na iyon ay masakit paring marinig. Hinigpitan niya ang pagkakapisil sa palad nito at ngumiti. "Hindi naman mahalaga kung nasaan na siya. Ipagdasal mo siya, ipanalangin mo na kung nasaan man siya ay sabihin mong pinapatawad mo na siya. Hindi ka kasi mas magiging malaya kung dala dala mo ang kinikimkim mong galit sa kanya dahil sa ginawa niya sa nanay mo. At patawarin mo na rin ang sarili mo. Mas magiging magaan ang dala dala mo kung alam mong nakapagpatawad kana. Isa pa masaya ka naman sa buhay mo ngayon hindi ba? Isipin mo nalang na ang ginawang pagsisinungaling sayo ng pamilya mo ay isang paraan para ayusin ang buhay mo. Na ilagay ka sa maayos na lugar." May butil ng luha sa mga mata niya. Bakit nagagawa niyang ipayo ito sa iba gayong ang nanay at tatay niya ay hindi pa niya napapatawad? Lalo na ang tatay niya na minulat siya sa maduming mundo. Ipinakita ang karahasan ng buhay sa kanya? Paano niya nagagawang maging tila balewala ang lahat gayong may sarili din siyang dala dala? Ngumiti siya. Siguro dahil ayaw niyang makakita ng mga taong natutulad ang landas sa kanya.

Hinawakan ni Onie ang dalawa niyang palad at pinisil. "Thank you for enlightening me. Salamat sa pag papaalala na dapat pa rin akong mag pasalamat sa lahat lahat."

Tumawa siya saka bahagyang tinulak ito. "Ano ka? May bayad yan." Saka sinabayan niya ng tawa.

"Anything. Kahit ano pa."

"Ililibre mo ako ng kwek kwek doon sa pinagparkingan mo ng sasakyan. " Namungay ang mga mata niya. Sabay silang tumayo.

"Yun lang pala eh. Itlog lang pala ang gusto mo e may itlog naman ako." Uminit ang pisngi niya dahil sa biro nito.

Sinuntok niya ito sa balikat. "Ang bastos mo!"

Magsasalita pa sana ito nang biglang bumuhos ang ulan. Patakbo silang umalis sa bay walk at lumiban sa kabilang kalsada kung nasaan ang saskayan nito. "Inabot na tayo ng ulan!"

Nagkahawak kamay silang tumakbo sa kalsada habang nasa gitna ng ulan. noong bata siya palaging sa ulanan siya naliligo pero ngayon lang niya naisip na ganito pala kasarap magpaulan.




To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant