Chapter Ten

31.6K 738 14
                                    

Kumukulimlim ang kalangitan mula sa labas ng bintana habang nakatanaw si Esyang. Hindi siya pinayagan ni aling cora na umalis kahapon dahil wala pa daw yung lalaking nagligtas sa kanya. At ngayon naman ay namumuti na ang mga mata niya ay hindi pa rin dumarating ang lalaking sinasabi nito.

Minuto lamang ang binilang ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Namaluktot siya sa salas dahil sa biglaang lamig na naramdaman niya. Pasado alas onse palang ng umaga pero para nang alas sais ng gabi.

Nakita naman niya si Aling Cora na abala sa kung ano ang ginagawa. "Aling cora may maiitulong po ba ako?" Magalang na tanong niya nang makalapit siya dito.

Nilingon siya nitong muli at saka naghakungkat ng kung ano sa mga cabinets. "Hindi na hija. Magpahinga ka nalang. Naghahanap lang ako ng extra baterya at mga kandila."

"Para saan ho?"

"May bagyo hija. At sabi sa radyo ngayong hapon tatama ang bagyo at kasama itong lugar natin sa posibleng masalanta." Bigla ay sumagi na naman sa isip niya ang mga bata.

Noong nakaraang ondoy ay nadala ng bagyo ang bubong ng bahay nila. Nilipad din ang dingding. Paano pa kaya ngayon? Ngayong wala siya doon. "A-Ah aling cora baka naman ho papayagan niyo na akong makauwi kasi---. "

"Payagan man kita hija ay hindi ka rin makakauwi. Stranded sa terminal ang mga pasaherong paluwas ng maynila. Nasira daw ang tulay sa expressway kaya mahihirapan ka. Isa pa sobrang bumabagyo."

Nanlulumong napatingin siya sa labas. Kusa nang namatay ang ilaw sa paligid. Hudyat na nawalan na ng kuryente ang lugar. "Magsisindi lang ako ng kandila sa altar." Narinig niyang sabi ng matanda.

Siya naman ay kumuha din ng kandila at nagtuloy sa kusina. Wala naman siyang cellphone na magamit para matawagan si Badet at mangamusta. Naiwan niya sa loob ng locker room sa club ang cellphone niya. At kahit yata manghiram siya ng telepono kay aling cora ay hindi rin niya matatawagan si Badet dahil hindi naman niya kabisado ang numero ng kaibigan.

Tumingin muli siya sa labas. Patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan at tila tinatangay ng malalakas na hagupit ng hangin ang mga nagtatayugang puno sa paligid. Ang masungit na panahon ay tila galit na leon'g humahagupit sa lahat.

"Hija mabuti pa'y kumain na tayo at nang makapagpahinga muna." Akit ng ginang sa kanya at sabay silang kumain ng pananghalian.

Pabiling biling si Esyang sa kama. Hindi siya makatulog. Buong araw nang bumabagyo at hanggang ngayon ay malakas na malakas pa rin ang pag ulan. Pasado alas otso na ng gabi at marahil ay tulog na si Aling Cora sa kanyang silid. Siya naman ay tila balisang balisa. Panay ang isip niya sa mga batang naiwan niya.

Bumangon siya sa pagkakahiga at hinawi pasara ang makapal na kurtina. Baka kaya hindi rin siya makatulog ay dahil nakikita niya ang pag ulan sa labas. Muli siyang sumampa sa kama nang malakas na kalabog naman mula sa labas ng silid niya ang narinig niya.

Unang pumasok sa isip niya na baka may magnanakaw na nakapasok. Ang lakas ng pakiramdam mo Esyang! Palibhasa gawain mo! Pang aasar ng kabilang isip niya. Iningusan niya ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid. Mula sa ikalawang palapag ay maingat siyang bumaba sa salaming hagdan. Malapit sa telepono ay may porselanang vase. Kinuha niya iyon. Kung magnanakaw nga ang nasa loob ng bahay ay mas mainam na may hawak siyang bagay na maaaring ipanlaban dito.

Mas lalong lumakas ang hinala niya dahil nakapinid ang pintuan sa harapan ng bahay. May nakapasok dahil may mga bakas ng sapatos sa sahig. Mga markang dulot ng malakas na ulan. Tinambol ng kaba ang puso niya at tila may malaking dragon ang nagpupumilit makawala sa dibdib niya.

Agad na gumana ang isip niya at sinundan ang mga marka. Humantong iyon sa banyo na nasa pagitan ng hagdan at kusina. Nakapinid iyon at may tubig na rumaragasa. Madilim ang banyo sapagkat walang kuryente. Pero malinaw sa paningin niya ang bulto ng taong naghuhubad sa loob.

Naramdaman marahil ng nilalang na nasa pintuan na siya kaya mabilis itong humarap. "W-Who are---."

Bago pa ito makapagsalita ay naiumang na niya sa ulo nito ang hawak na vase. At saka ito natumba sa sahig.





To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsWhere stories live. Discover now