100 Days of Love[13]

267 5 1
                                    

A/N:

HELLO READERS! Sorry for the long wait sa mga nagco-comment na sana may update na, pasensya na po kung ngayon lang nakapag-UD. At sa wakas after 22412 months (char! meron bang ganun? xD) Ay nakabalik na rin ako.. Yipeee! ^_______^ By the way, first of all gusto ko munang magpasalamat sa inyo sa patuloy niyong pagtyatyaga sa storyang ito at sa mga new readers out there, WELCOME! HAHAHAHAHA! XD 

(Ewan ko lang kung may readers pa ba ako.. =__=) Well, gusto ko lang i-congratulate ang mga ga-graduate this year.. Hihi! Mabuhay tayong mga graduates! ^_____________^ Remember, in every ending there's a new beginning. Right? :) Again, congratulation graduates. :D

So, eto na talaga! Hihi. Enjoy guyth :P

_~_

Kinabukasan..

"GIRL! 'Kala ko ba busy ka ngayon? Eh ba't bigla ka atang nagyayang lumakwatsa ngayon?" nagtatakang tanong ni Tin. 

Kanina pa walang tigil sa pagtatanong ang babaeng ito. Jusko day! Wala atang balak 'to na tantanan ako sa kakatanong niya. Like seriously? Hindi ba siya napapagod sa pangungulit sa akin? Jeez...

Kasalukuyang nasa loob kami ng Department Store ngayon at patay malisyang di ko siya naririnig at busy-busihan akong tumitingin ng mga damit. Bakit ko siya niyaya? Simple lang. Kasi nabobore ako. Gets? Herherbells.

Honestly, kaya ko siya tinawagan kasi natatakot ako para sa sarili ko. Kahapon kasi ipinagsiksikan ko sa utak ko na hinding-hindi na ako kadaling mapapasunod ni Miguel. Pero nung pinuntahan niya ako ulit sa shop ko at niyayang maglunch daw kami ULIT. Yes! ULIT, for the past few weeks, days ay lagi niya na akong sinusundo at sabay kaming naglulunch. Hindi ko nga alam kung pano at bakit niya ako napapapayag.

Naiinis na nga ako sa sarili ko. Kasi, alam kong may nobyo ako pero anong ginagawa ko? Ayun, at sumasama sa kanya kahit na di naman dapat. At dahil dun, napatunayan ko na hanggang ngayon, still... May nararamdaman pa rin ako para sa kanya! 

Na hanggang ngayon, hawak niya pa rin itong puso ko at siya pa rin ang nagmamay-ari nito. Nakaka-inis diba? Para ngang sarili ko eh niloloko ko at pinipilit isiping nakalimutan ko na siya at kakalimutan ko na siya. Ba't ganun? Pakiramdam ko napaka-unfair ko kay Miguel, sa boyfriend ko.

Mabait na nobyo si Miguel (which I'm referring to my boyfriend) and I admit hindi ako nahirapang mahulog ang loob ko sa kanya. He seems to be a perfect boyfriend. An ideal man. Inakala ko na siya na talaga ang magpapasaya sa akin. And thought about that Miguel Yap, my first love. Napakagaga at unfair ko talaga.

Natatakot ako, na baka isang araw makagawa ako ng isang napakalaking kasalanan sa kanya. I know, he doesn't deserve to be hurt masyado siyang mabait para masaktan ng dahil lang sa akin.

"Cheska, ano ba? Kanina pa ako tanong ng tanong dito pero di mo pa rin ako sinasagot." pagmamaktol nito sa akin.

Nahagilap ng mata ko ang isang cute na shirt na may print nitong infinity sign. Actually sobrang nacutan nga ako eh.

"Ang cute naman nito. Bagay ba sa akin Tin?" sabay patong ko nito sa akin at umikot pa. Bigla niyang kinuha yung shirt sa akin.

"Fine! Kung wala kang balak na sagutin ako, iiwan na lang kita dito." agad naman niyang ibinalik sa akin yung damit at akmang aalis na ito.

"Sandali lang! Eh.. ito naman, napaka-pikon mo! Tss, ang totoo kasi niyan... may pinagtataguan ako.." pag-aalangang pag-amin ko sa kanya. Kung sino man yung pinagtataguan ko, jusme! Sana ay di niya na ako mahanap. =_=

100 Days of LoveWhere stories live. Discover now