THE PAST [8]- You and I

638 3 2
                                    

Inayos ko na yung mga gamit ko atska lumabas na ako sa room namin. Sa waiting shed na lang muna ako pumunta habang hinihintay na tumila yung ulan. Pagkadating ko dun sa labas sa may waiting shed andaming estudyanteng nag-aabang ng masasakyan. Pahirapan ang pagsakay kasi nga umuulan.

Ilang minuto na akong nakatayo pero malakas pa rin ang ulan. Kaya no choice at maglalakad na lang ako. Walking distance lang kasi ang bahay namin mula dito sa school. Susugod na sana ako sa ulan ng may biglang humatak ng braso ko.

"Balak mo ba talagang magka-sakit?" iniangat ko yung mukha ko para makita kung sino yung humila sa akin at di nga ako nagkamali. It was Miguel. Sa boses niya pa lang, alam na alam ko na, na siya yun. At eto na naman ang puso ko, nagwawala ng dahil sa kanya.

"M-Miguel?" bigla na namang nagflashback yung nangyari kanina kaya inialis ko yung braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Huwag kana ngang mag-inarte! Kita mong umuulan oh! Hindi naman kita hahayaang sumugod na lang sa ulan." kaya ang nangyari hinila niya ako ulit pero this time para ng siyang nakaakbay sa akin. And here it goes.. Nabibingi na naman ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba 'to? Si Miguel concern sa akin? >///<

How I wish na sana ganito na lang kami lagi. Yung tipong concern siya at eto pinapayungan niya pa ako. Yung feeling na biglang huminto yung oras at tanging siya na lang yung nakikita mo. Yung mga ganung bagay. At isa lang ang masasabi ko ngayon, kinikilig ako ng bonggang-bongga! :'P

"P-pero Miiguel, nahihiya kasi--"

"Nahihiya ka dahil ba dun sa nangyari kanina?" tiningnan ko siya saglit at ang seryoso ng mukha niya. At feeling ko nga nag-iinit na yung mga pisngi ko, yumuko na lang ako at nagnod bilang sagot sa tanong niya.

"Don't be. Isipin mo na lang na hindi tayo nagkasalubong kanina at para na rin hindi ka mailang sa akin." tiningnan ko ulit siya. But this time, naka-ngiti na siya sa akin. Mygeeed! Miguelfever nato! >///<

"Eh bakit ka ngumingiti? Nang-aasar ka ba?"

"Hahaha! Nope, eh bakit? Bawal na bang ngumiti ngayon?"

"Parang iba kasi ang dating ng ngiti mo sakin eh. It seems to be you're grinning dahil sa nangyari ka--" hindi ko na naituloy yung sinabi ko dahil bigla na lang siyang tumawa tsaka inakbayan ako.

L O A D I NG ...

"Sabi ko sa'yo diba na wag mo nang isipin yun?" okay what was that? Hindi kaya eto na ang simula ng pagkakaibigan naming dalawa? >////< Advance na kung advance mag-isip. Malay mo! at lalong malay KO! di ba? :D Hahahaha!

"Tara na nga" at nagsimula na nga kaming maglakad at ganun yung position. Nakaakbay siya sa akin hanggang pauwi ng bahay.

"Miguel!" tawag ko sa kanya bago siya umalis. Lumingon naman siya sa akin.

"Thank you ulit" sabay ngiti ko sa kanya. Pero di ko lang pinapahalata na kinikilig ako. ^_^

Tumango lang siya at ngumiti. Syempre naglakad na ulit siya. 'Palayo sa akin.. :(('

Pagpasok ko sa bahay nakita ko agad si kuya Khael na nanood ng tv at sakto namang pababa ng hagdan si ate Janine.

"Cheska! Anong nangyari sa'yo?" nagmamadaling bumaba ng hagdan si ate papunta sa akin.

"Hala! Ba't medjo basa ka? Nagpaulan ka nanaman?"

"Sorry po kuya." yun lang yung sagot ko. Pano, pakiramdam ko kasi naglalakbay parin yung diwa ko kasama si Miguel melabs. <3 Hihi. Harthart

"Ay nako Ches, you're so pasaway! Edi sana nagpasundo ka na lang sa amin ng kuya mo."

"It's ok ate. Atska, ok lang naman po ako di naman talaga ako ganun nabasa. Ahm, sige po akyat na ako." nginitian ko lang sila at umakyat na ako papunta sa room ko.

Naligo na ako agad para di ako magkasakit at pagkatapos nun pinatuyo ko na yung buhok ko.

Habang pinapatuyo ko yung buhok ko, naaalala ko nanaman yung mga pangyayari ngayong araw. Na-realize ko di naman pala talaga malas ang araw ko ngayon. Although malas nga sa una but in the end, nagtapos din eto ng maganda.

Hay, sana di eto yung huling makaka-usap ko si Miguel, Hopefully maging friends na nga talaga kami. :))

--

A/N:

Just a short update :)

100 Days of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon