THE PAST [10] - First Heartbreak </3

607 5 6
                                    

A/N:

Hi readersssss! Kyaaaah! Happy 1K sa ating lahat! ^_____________^ Grabe! Di ko talaga expected na nakaka-1K na pala eto. :'> Thanks alot guys! Sa mga silent readers jan, thank you so much po sa inyo. :)))))

-----------

Prom Night..

(sighs) -__- So eto na nga. Prom na namin ngayon.. Kinakabahan ako. Naalala ko lang kasi yung sinabi ni Trix sa akin kahapon.

*FLASHBACK*

"Eto friend ha, payong kaibigan lang naman. Kung ako sa'yo, magtapat kana sa pinsan ko. Tandaan mo, ilang buwan na lang at mag gra-graduate na tayo. Isipin mo ha.. Magkaiba na kayo ng papasukang paaralan ni Miguel at ang malala dun baka di muna siya makikita."

Napa-isip ako sa sinabi ni Trix. May point siya. Natatakot ako na baka balang araw pagsisisihan ko 'to at yun ang ayaw kung mangyari.

Kung ganun man, I made my decision. Magtatapat na talaga ako sa kanya. Kahit ano pa man ang magiging consequence nito. ;">

-END OF FLASHBACK-

Alas sais pa lang ng gabi sinundo na ako ni Chekie sa bahay. Sabi ko nga sa kanya wag niya na lang akong sunduin at magpapahatid na lang ako kina mama. Pero makulit talaga eh, kaya ayon sinundo talaga ako. Tinukso pa nga ako nina ate at kuya, kesa daw bagay daw kami. Tss. -_-

6:30 na nang gabi nung umalis  kami ng bahay. 7 o'clock kasi magsisimula yung prom. Ilang minuto lang din ay nakarating na kami dun sa hotel kung san gaganapin yung prom namin. Di ko nga aakalain na magiging ganito ka-bongga yung prom namin ngayon. Talagang pinaghandaan nga nila.

**

Nagsimula na kaming magpresent ng cotillion. Kinakabahan ako kasi baka mali-mali nanaman yung mga steppings ko. Pero thanks God at naging maayos naman ang lahat.

Nagsimula na rin yung presentation ng mga teachers. Tinext ko naman agad sina Trix at Tin na sa comfort room na lang kami magkikita na tatlo. Nung andun na kami nag'retouch muna kami. After kasi nung presentation ng mga teachers ay magsisimula na ang first dance.

"Oyy babae! Ikaw ba ay sigurado na talaga jan sa desisyon mo?" tanong ni Trix sa akin. Ang tinutukoy niya ay tungkol dun sa desisyong gagawin ko sa pag-amin ng nararamdaman ko kay Miguel.

"Ewan ko ba Trix. Naguguluhan na naman ako. Kanina ang buo na yung desisyon ko tungkol dun. Pero ba't ganun? Iba yung nagiging pakiramdam ko? Yung feeling na kapag sinabi kong mahal ko siya ay mabibiyak yung puso ko?" nakasimangot kong sagot sa kanya.

Lumapit si Trix sa akin at inakbayan ako.

"Friend, sabi mo nga di ba niyaya ka niyang maging date?"

"Oo? Ewan ko! Di niya naman sinabi sa akin yun ng straight to the point. Basta ang sinabi niya kung wala pa daw akong date, eh free raw siya."

"That's the point! Hindi nga straight to the point yun, pero ganun parin yun. He's trying to tell you na niyayaya ka niyang maka-date!" katwiran pa ni Trix.

"If I know, kaya lang niya ako niyaya dahil wala na siyang choice at talagang taken for granted lang talaga ako. Mabuti na nga lang yun at meron pa akong ka-date." sabi ko naman sa kanya.

"Gagita! Walang niyayang ka-date si Miguel sa prom. Nagulat nga ako eh nung sabihin mong niyaya ka niya. Kaya lang malas mo at meron kana pa lang ka-date. Tsk tsk tsk!" - Trix

100 Days of LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang