THE PAST [7]- Most Embarrassing Moment

682 3 0
                                    

A/N:

Kaya po 'THE PAST' ang nilalagay ko kasi po nakaraan po nila Cheska and Miguel ang nandito. Haha! Baka po kasi malito kayo. :P

______

"Friend, ano ba naman yang pinsan mo.. Masyadong manhid! Ilang taon na ata akong nagpaparamdam sa kanya pero parang wa epek naman ata lahat ng effort ko." malungkot kong sabi kay Trix.

Eh totoo naman kasi talaga eh. Ilang araw pa kaya ang lilipas bago niya ako mapansin? Tss! Asa naman akong mapapansin niya rin ako. Sa dami ba naman ng mga babaeng umaaligid sa kanya. Hay.. Pag-ibig nga naman nakaka-baliw. :((

"Paano, mukhang pusong bato naman kasi yang lalaking gusto mo." - naka-ngising pang-aasar naman ni Tin. Kasalakuyang nasa ladies room kasi kami ngayon at ngapapaganda habang nagtsitsimisan. Ganyan talaga kami. :D

"Girl, pinsan ko lang po si Miguel. Di ko naman kasi hawak ang puso mo kaya di ko rin masasagot yang problema mo." sabi ni Trix habang nagpa-powder ng mukha niya.

"Pero isa lang ang magagawa ko, yun ay ang suportahan ka sa mga kabaliwan mo sa pinsan ko. Hahaha! XD" Tss. Ang tino talagang kausap nito. =__="

Napabuntong hininga ako. "Siguro nga kailangan ko nang isuko ang pag-ibig ko para sa pinsan mo.." malungkot na sabi ko kay Trix.

"GAGA! Ngayon mo pa bang naisipang mag move-on? Eh todo effort na nga ang ibinuhos mo eh para lang mapansin ka niya. Tss! Atska isipin mo, kung ngayon pa lang eh susuko ka na.. I tell you, pagsisisihin mo rin yan sa huli."-Trix

"May punto si Trix girl. Gora na kung gora! Kapag ganun pa din, gusto mo iuntog na namin sa pader ulo nun eh para matauhan." -Tin

Napa-isip ako sa mga sinabi nila. Tama nga naman sila.. Ngayon pa ba ako susuko? Wala eh, pumusta na ako sa ngalan ng pag-ibig. Gorabels lang! Haha! Ang corny ko. :3 Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi anjan sila Trix and Tin para suportahan ako kahit na minsan may pagka-abnormal ang mga yan. Peace guys! ^_^v Hihi.

Wala naman talaga akong balak na isuko ang pag-ibig ko para kay Miguel eh. Pero di ba ako nagmumukhang tanga at naghihintay ng isang himala? Himala na sana isang araw ay mapansin niya rin ako? Aish! >__<

Araw-araw sa tuwing nagkakasalubong kami ni Miguel, abot hanggang tenga yung ngiting ibinibigay ko sa kanya. Pero siya? Ayun, binalewala yung ngiti ko di man lang ako ginantihan ng kahit simpleng ngiti lang. -__- Oh diba? Ang saya lang?!

Isang buntong hininga ulit..

"Ayaw ko na, suko na talaga ako.." deklara ko sa kanilang dalawa.

"Cheska, ngayon ka pa ba talaga susuko? Isipin mo, huling taon na natin 'to sa highschool at huling taon mo na rin makikita si Miguel kasi baka ibang school na ang papasukan niyo. Ang akin lang naman, wag mong aksayahin yung chance. Grab it habang anjan pa." seryosong sabi ni Trix.

"Ok, ganito na lang. Malapit na ang JS Prom di ba? Dapat nga mas magtodo effort ka pa na magpapasin sa kanya. Malay mo yayain ka pala niya na ikaw ang date niya." -Tin

"I don't care!" wala sa mood kong sagot.

"Sigurado ka?" paninigurado nilang dalawa.

"O-oo? Ewan? Ah basta! Magmo'move on na talaga ako sa Miguel na yan! Err! Tara na nga!" niyaya ko na silang lumabas. Baka kasi paulit-ulit na naman nila akong kukulitin. -___- Umiling-iling na lang sila Trix sa sinabi ko pero bigla rin ako napahinto sa paglalakad.

100 Days of LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu