THE PAST [4] (Cheska and Miguel)

797 4 2
                                    

A/N:

Hi readers! Dinelete ko po yung dating chapter 4. So, eto po yung bago. Sensya na po talaga. Sana po ay mapatawad niyo pa ako. :3 Hahahah! Chever! :D

--------

THE PAST -- [Chapter 4]

**

"I gladly nominate, Miguel Yap for president!"  kasalukuyang nag-eelect kami ng mga officers namin ngayon. Hahayaan ko bang matalo si Miguel bilang presidente namin sa klase? Aba! Hinding-hindi ako makaka-payag. :P

Third year highschool ako nun nung una kong mapansin si Miguel habang nagpa-practice kami nang sayaw nun para sa Buwan ng Wika namin. Siya ang partner ko nun para sa sayaw namin na tinikling. Noong una 'kala ko magiging boring siyang ka-partner nun pero di naglaon ok din naman pala siyang ka-pares.

Habang nagpa-practice kami nang sayaw biglang naipit yung paa ko sa kahoy at dahil dun di ko kayang ilakad ang mga paa ko nun dahil sa sobrang sakit at halos mangiyak-ngiyak na ako nung mga oras na yun. Pero tila bang naging hero ko nun si Miguel at tinulungan niya ako.

"Kaya mo bang ilakad ang mga paa mo?" tanong niya sa akin.

"H-hindi e.." mangiyak-ngiyak kong tugon sa kanya. Bigla niyang kinuha yung mga kamay ko at pinatong niya yun sa leeg niya atska niya ako binuhat. Pakiramdam ko ay nag-iinit yung mga pisngi ko dahilan upang magblush ako dahil sa ginawa niya.

Nung mga oras na yun, tila bang naging slow motion ang lahat ng pangyayari at dahil dun nagsimula na kaming tuksuin ng mga ka-klase namin at simula nang mga pangyayaring yun hindi ko na kailan man nakalimutan yun.

Kaya nga sa tuwing nagkakaroon kami nang group activities o kahit anong projects ay tinitiyak kong magka-grupo talaga kaming dalawa. Tuwing nagkakaroon ng counting sa groupings at minalas na di kami magka-grupo ay talagang naghahanap ako ng paraan basta lang makasama ko siya. Lagi akong nakikipagpalit sa mga ka-klase ko at ma-swerte naman ako kasi pumapayag din naman sila.

Pero kahit anong gawin ko, tila ba di niya nakikita yung effort na ginagawa ko. Pero kahit na ganun di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Okay lang sa akin kahit di niya ako gaanong kinakausap o pinapansin, ang importante wala pa siyang nililigawan sa kabila ng napakaraming babae na nahihibang sa kanya. :D

Masungit na tao si Miguel. Minsan nga napapa-isip ako.. ' Kaya siguro ang hirap sungkitin ng puso niya?'

"I second the motion!" sabat naman agad ni Trix. Wala nang sino man ang nagtangka na magnominate pa ulit kaya naman si Miguel agad ang tinanghal na presidente ng klase namin. XD Hohoho! Galing ko talaga.

Nasa canteen kaming tatlo ngayon nila Tin. At agad naman kaming naghanap ng table.

"Oh? Nasan na si Trix? Di ba naka-sunod lang sa'tin yun kanina?" tanong ko kay Tin.

"E, baka na-una nang bumili. Oh? Ayon na pala e pumipila." wala sa mood na sagot ni Tin. Tss, baka may dalaw naman ang isang 'to kaya ganyan yan. Yaan na nga lang. :3

Sabay na kaming bumalik ni Trix sa table kung san naiwang mag-isa si Tin habang nilalaro niya phone niya.

"Guys, sandali lang ha? Bili lang akong pagkain." paalam ni Tin sa amin.

"E di bumili ka. Bakit kasi di na lang sumabay." taray naman nitong si Trix. :3 Yung totoo? Pareho bang may dalaw ang dalawang 'to? -___- Di na umimik si Tin at umalis na agad.

"Sungit niyong dalawa ngayon ah? Anong meron?" tanong ko kay Trix. Nagkibit-balikat lang siya at tinuloy ang pagkain niya.

"Shit! Ang tanga naman o!" sigaw nung lalaki. Agad kaming napa-tingin ni Trix dun sa lalaking sumigaw at nakita namin na natapon sa uniform niya yung mainit na sabaw. Oo, mainit na mainit talaga  dahilan upang uminit din lalo yung ulo niya.

100 Days of LoveWhere stories live. Discover now