THE PAST [9] - SAYANG

629 4 0
                                    

Everyone seems so busy. Lahat kasi sila abalang-abala na para sa paghahanda sa prom. Next week na rin kasi ang prom namin. Kung lahat sila ay busy na, kabaligtaran naman ako sa kanila. Eto ako ngayon at nagsesenti habang nakatingin sa kawalan.

Meron na lamang one week before magprom. Pero sa one week na yun hanggang ngayon wala parin akong partner. 'Baka nga imposible talaga niya akong yayain.. :( ' Napabuntong hininga na lang ako.

"Napansin ko lang noh, panay ka buntong hininga ngayong araw? Mabaho ba hininga mo?" busett 'to! panira ng moment eh! >_< Tinignan ko ng masama si Trix. Mabatukan nga!

"OUCH! Hindi naman siya masyadong malakas noh?" hindi ko na lang siya pinansin at sinubsob ko na lang yung mukha ko habang nakapatong sa desk.

"Oy girl! Maiba nga ako. May date ka na ba sa prom?" iniangat ko yung mukha ko.

"Yun na nga eh! Wala pa akong partner. Alam mo naman siguro na inaantay ko yung pinsan mo diba?"

"Eh, pano kung may niyaya na pala yun? Pano ka?"

"D-di ko alam friend.." di ko alam pero parang naiiyak ako. Di naman dahil sa wala akong partner. Dahil dun sa iniisip ko na baka nga imposibleng yayain ako ni Miguel.Tch! Ang babaw ko noh? T_T

Maya-maya lang ay dumating na si Tin na masayang-masaya at nagtititili pa sa talon.

"Huy Tin! Problema mo? May ipis ba na dumapo sa'yo at kilig na kilig ka jan?" -Trix

"Kyaaaaaaah! Mga frengssss! I can't believe this niyaya niya ako." kilig na kilig pangsabi ni Tin

"Bakit? Nanalo ka ba sa lotto? Haha!" biro ko pa. Tiningnan nila ako at nagpoker face naman sila. Huwatt da! Ako lang ata natawa dun sa joke ko. :3

"Cheska, yung totoo? May hidden talent ka pala sa pagpapatawa noh? Benta nga eh. Ano? Tatawa na ba kami?" lesheng Trix 'to. =_=

"Oo na! Alam ko namang waley yun! -_-" pilosopang Trix 'to. Patapon ko siya sa Pasig Ilog eh!

"At ikaw naman Tin, sino naman yang tinutukoy mo?"- Trix

"Remeber Mr.Sungit?" napatango kami dalawa ni Trix. I remember him na. Siya yung lalaking masungit na nakabangga ni Tin sa canteen dati.

"Binantaan niya diba ako dati na pagbabayaran ko daw yung ginawa ko sa kanya?" tango na namna kami ulit.

"So ayun na nga. I accidentally saw him kanina sa lobby nagpatay mali na lang ako na hindi ko siya napansin pero bigla niya na lang akong hinabol at dahil nga nataranta na ako at di ko alam kung anong gagawin ko, tumakbo ako at sa kasamaang palad nahabol niya ako.."

"Tapos?" tanong ko sa kanya.

"Nacorner niya ako at sabi niya oras na raw ng paniningil niya. At ayun, sabi niya gusto raw niya na ako ang maka-date niya sa prom. Hihihi!"

"Naks naman! Swerte mo ha! Alam mo bang si Skye Clarkson yun? Sikat pala siya dito sa campus kasi varsity player pala siya sa basketball. Tsk tsk tsk tsk! Kung ako sa'yo umoo kana girl!" - Trix

"Actually, alam ko na yan Trix. Stalker niya kaya ako. Yun ang dahilan kaya di na ako masyadong nakaksabay sa inyo umuwi kasi iniistalk ko siya." napaface palm na lang ako sa sinabi niya. Kaya pala nung umulan nagmamadali siyang umalis. Loka-lokang Tin 'to.

May ka-date na rin si Trix para sa prom. Buti pa sila meron na. T_T

**

Nasa may lobby kami ngayon at kasalukuyang nagpra-praktis. Isa kasi ako sa mga kasaling magprepresent para sa cotillion. At pagminalas ka nga naman, by height pa! So sad kasi hindi ko man lang naging ka-partner si Miguel, kasali rin kasi siya at twelve kami ang napili.

100 Days of LoveWhere stories live. Discover now