THE PAST [5]

724 3 0
                                    

Pareho lang kaming tahimik dalawa habang kumakain. Ano ba yan! Parang nakaka-bingi naman 'tong katahimikan na'to. -__- Pero likas talaga sa akin ang pagiging madaldal kaya ako na ang unang mag'o-open ng topic. XD

"Miguel?" napatingin naman siya sa akin.

"Bakit?"

"Ka-musta na yung mga ticket mo? Nakarami ka na ba?" ang tinutukoy kong ticket ay yung tungkol sa pagbebenta ng ticket para sa darating na Mister and Miss Campus na gaganapin naman dito sa school. Kasi kami ang nakuhang representatives para sa gaganaping popularity contest at paramihan dapat ito nang mabentang tickets.

"Okay naman. Ikaw, ka-musta?"

Kina-kamusta niya rin ba ako?! Kyaaaaaaah!! >///< Pakshet! Kinikilig na talaga akoooooo! Parang kinikiliti yung heart ko. XD

"Hahaha! Asus! 'Kaw naman! Parang di tayo nagkikita lagi. Eto, okay na okay pa naman. Hihi!" isang malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya. OMG! His so gwapo talaga! Nakaka-laglag panty. XDD

"Yung ticket mo ang kina-kamusta ko. Baka makulelat ka sa  final counting niyan kapag di mo sineryoso yan." agad naman napa-litan yung mga ngiti sa labi ko.

Tss! Pahiya na naman ako. :3 Masyado kasi akong assuming eh. >_<

"Ah.." yun na lang ang tanging nasabi ko.

"Isa pa, ayusin mo ang pagbebenta mo para di tayo mapahiya sa klase." dagdag niya pa. Agad naman siyang kumain ulit. Tss. As if naman gusto ko ring ipahiya ang klase. Todo effort pa nga ako sa pagpapa-practice e kung pano ako sasagot sa question and answer portion. =__=

Ilang sandali lang biglang may isang bright idea ang biglang nagpop-out sa utak ko. HAHAHAHA! Galing-galing ko talaga. XD

"Kung magtulungan kaya tayo Miguel? Tutulungan mo akong maka-benta nang tickets ko at tutulungan din naman kitang magbenta nang tickets mo. What do you think? Ang galing di ba nang naisip ko? ^_^"

"Ano?!" naguguluhang tanong niya. Tss. -__- Slow lang?

"What I mean, magtulungan tayong dalawa. Para naman mapa-bilis yung pagbebenta natin di ba? O ano? Gets muna?" sandali siyang napa-isip at maya-maya lang..

"Sige!" nagulat ako sa sagot niya. 'Kala ko kasi tatanggihan niya ako o di naman kaya di siya pumayag.

"Sure?! AS IN, TALAGANG TALAGANG-TALAGA?! O_O" mukhang napa-lakas ata yung boses ko kaya naman yung ibang estudyante ay napatingin sa side namin. Ooops! Sorry naman guys! (^__^)>

"Bingi ka ba? Kakasabi ko nga lang di ba? Atska wag ka ngang maingay, mamaya kung ano pang-isipin ng iba jan." saway niya sa akin. Hihi! Sungit talaga kahit kailan pero kahit ganung sinusungitan niya ako, e ang gwapo-gwapo pa rin niya. XD

"Sorry naman!^_^v" atska nagpeace sign ako sa kanya.

**

Sabado ngayon kaya napag-usapan namin ni Miguel na ngayon magkita. Next week na kasi yung contest kaya naman kinakailangan na naming ma-ibenta yung mga tickets. Kasalukayan kaming naglalakad ni Miguel ngayon papunta sa isang subdivision dito sa Rizal. Tinignan ko si Miguel at sobrang pawis na pawis na siya.

"Pawis na pawis ka na Miguel." agad kong kinuha yung panyo ko 'saka pinunasan ang pawisan niyang noo.

"Okay lang ako. Normal lang na pawisin ako kasi sa init din ng panahon." agad naman niyang inagaw yung panyo ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inilapat sa noo ko yung panyo tsaka pinunasan yung pawisan kong noo.

"Pawisan ka na rin. Inuna mo pa akong punasan ng pawis kesa sa sarili mo." sabi niya sa akin habang pinupunasan niya pa rin ang noo ko.

Kinikilig ako sa ginagawa niya kaya naman bahagya akong napa-ngiti.

"Ano ka ba! Okay lang naman ako e." mas lalo akong dumikit sa kanya kasi nasa iisang payong lang kaming dalawa. Taelangs! Feeling ko magnobyo kami ni Miguel! >/////<

Hindi gaanong kalakihan yung payong dala ko. Siguro na-realize niya rin yun kaya hinayaan niya na lang ako na dumikit at mas mapalapit pa lalo sa kanya. :)))))) Halos magta-tumbling yung puso ko dahil sa sobrang kakiligan na nararamdaman ko ngayon.

Ilang buwan lang ang tanda ni Miguel sa akin. Pero kung mag-isip siya, parang siya ang kuya ko. Mas lalo siyang nakaka-turn on. Siguro nga pag may trabaho na si Miguel, magiging isang responsanbleng lalaki 'to in the future. At 'pag nagkataon ang swerte-swerte naman taong mapapangasawa niya.

**

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay ng kamag-anak ni Miguel. Pagka-pasok namin sa loob agad na may lumapit na babae kay Miguel at niyakap ito.

"Ijo! Buti't nakadalaw ka." niyakap naman din siya ni Miguel. Biglang napatingin yung babae sa akin kaya napa-bitiw siya mula sa pagkakayakap niya kay Miguel.

"Ijo? Is this your girlfriend? Kay gandang bata naman neto!" ngiting tanong nung babae. Sa tingin ko ay nasa 40's na ang edad niya pero mukhang di halata, pano ang ganda e. Siguro nga ganyan talaga ang lahi nila gwapo't magaganda. :D

Bigla akong nagblush at the same time kinilig dahil dun sa sinabi nang tita niya. XD

"Naku ma'am! Salamat po! XD Kayo rin po ang ganda-ganda ninyo." ganting puri ko rin naman sa kanya.

"Naku! Don't call me ma'am, just call me tita Alexa na lang tutal girlfriend ka naman ng pamangkin ko." feeling ko e mas lalo akong nagblush dahil sa sinabi ng tita ni Miguel. >///<

"Hindi ko po siya girlfriend." sabat naman ni Miguel. Tss. Kainis naman 'tong si Miguel! Ayun na yun e! Grabe, di naman lang sinakyan yung sinabi ng tita niya kahit ngayon lang. :(( Medjo nakaka-hurt. T_T

"Hahaha! Ah, hindi mo pa siya girlfriend?" naka-ngiting sabi nito. Agad naman bumaling yung tingin niya sa akin.

"Ija, kailan mo namang balak sagutin itong pamangkin ko?"

"Eh, kailangan niya po munang dumaan sa mga pagsubok tita. Katulad na lang po nang panliligaw niya sa akin. Aba! Hirap po kayang sungkitin 'tong kagandahan ko." sinakyan ko na lang yung mga sinasabi ni Tita Alexa. Sa totoo lang, nag-eenjoy kasi ako e. Hihi! XD Alam ko namang di talaga ako ganoong kagandahan pero wala e, pinanindigan ko na siya eh. :D Pagbigyan!

Tumingin si Miguel sa akin at binigyan ng isang masamang tingin. =__=" Grabe naman siya maka-titig! Nakaka-takot yung mukha niya. Narinig kong tumawa si Tita Alexa.

"I like you ija!" naka-ngiting sabi nito sa akin. Bigla namang sumingit si Miguel sa pag-uusap namin ng tita niya. Sus! Napaka-killjoy naman ng isang 'to. >_<

"Andito nga po pala kami tita para sa pagbebenta nang mga tickets para sa gaganaping Mister and Miss Campus." paliwanag ni Miguel.

"Talaga?" tanong ng tita niya.

"Ah, opo! Kami po kasi yung nakuhang representatives at ayun nga po, naisipan naming dalawa na magtulungan na lang sa pagbebenta ng tickets." paliwanag ko naman.

"Eh, may sponsor na ba kayo? Kasi kung wala pa willing akong mag volunteer." masayang sabi ng tita niya. Natuwa kaming pareho ni Miguel sa sinabi ng ita niya at syempre masaya naman naming tinanggap yun. XD

**

100 Days of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora