100 Days of Love[12] - Just A Dream

398 6 2
                                    

Kinagabihan, tinawagan ko si Trix at sinabing magkita kami sa isang restaurant. Agad naman umoo yun, basta libre walang patawad yun. Tsk tsk! 

"Oh! Anong meron at nagyaya ka ngayon? Ka-musta first day mo sa shop niyo?" bigla ko na naman naisip yung mga pangyayari kanina, yung pangungulit ni Miguel na sabay daw kaming maglunch. Good thing at may tumawag sa kanya, cliente niya raw. Sus! Baka GIRLFRIEND niya kamo. -__- tss

"O-ok naman.."

"Aah, okay. Ay siya nga pala ter! Alam mo ba.."

"Hindi ko pa alam..=__=" agad akong binatukan. Ouch yun! :3

"Aah ganun? Pilosopa lang?! Wag kang epal ha. Makinig ka na kasi, guess what?" nagshrug lang ako bilang sagot dun.

"Naman eh! Natanggap na ako sa kompanyang inaaplayan ko!" masiglang balita ni Trix.

"Really? Wow! Congrats Trix! Hahahahaha! Kaw naman eh, so dapat double celebration tayo ngayon. Ay wait, pano si Tin?" ang pangit naman kasi kung kami lang dalawa di ba?

"Eh, tinawagan ko nga yun kanina eh. Sabi ta-try niya raw makapunta. Ay saglit lang ha." agad naman kinuha ni Trix yung phone niya at mukhang may tumatawag. Habang ako naman, nagbabasa ng menu.

_~_

Kumpleto naman kaming tatlo. Aba! Itong si Tin pa di pahuhuli yan. :D

"HOY BABAITA! Kaw ha, magka-officemate na pala kayo ni kuya. Ayieee!" bigla namangnagblush si Trix.

"Kaya pala excited much kanina!" inasar-asar namin siyang dalawa ni Tin. Hahahaha! Aba aba! Lumalablayp na rin pala ang isang 'to. :)))

Kung anu-ano lang ang napagkwentuhan naming tatlo. Hanggang sa nauna na akong magpaalam sa kanilang dalawa.

_~_

Alas otso na ng makarating ako sa bahay. Agad akong pumunta sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hays, masyadong nakakapagod ang araw nato. Bigla namang nagring yung phone ko.

Calling Babes..

'Hello babe?'

'Hi babe! How are you? Sorry if ngayon lang ako nakatawag sa'yo ha? Nagtatampo ka ba babe ko?'

'No-I understand..Pero, (sighs) yeah.. little..'

'Sorry na babe..Busy kasi talaga sa work eh. Gustuhin ko mang araw-araw kang kausap pero wala eh. Ang hectic ng schedule ko.'

'Miguel, you don't need to say sorry. I understand.'

'Really? Hahaha, kaya nga loves na loves kita eh. Ikaw na ang pinaka-understandable girlfriend ever!'

'Tss, binobola mo na naman ba ako?'

'Hahahaha! Not so.. But seriously, I miss you so much babe. Hope to see you soon, I really really miss you so bad. I love you'

Napapikit ako ng marinig ko ang huling sinabi niya.. God!

'L-love you too..'

End call

Sheteng pating toh! Ba't ganun? Ba't iba yung nararamdaman ko? Sa tuwing nag I-I love you si Miguel, para akong timang kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ba't dapat ay nasanay na ako? Jeez...

_~_

"Bakit ka ba ngumingiti?" naiilang na tanong ko kay Miguel. Panay kasi ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.

Errrr! BAKIT KA BA GANYAN MISTER MIGUEL YAP?! You're always making my heartbeat fast. >///< Dahil sa ginagawa mo lalo ka tuloy gumagwapo at letse naman 'tong si heart oh! Lalo pang nahuhumaling sa'yo!

"Wala. It's just that, nakaka-inlove ka kasi kapag tinititigan ka.."

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko..

'Shit! Panaginip lang pala..'

-----------------

TO BE CONTINUED..

100 Days of LoveWhere stories live. Discover now