THE PAST [6] - Coronation Night

719 3 1
                                    

"Your picture doesn't do you justice." akmang babatuhin ko na sana si Miguel ng lipstick mula sa likuran dahil sa sinabi niya. Tae! Nang-aasar na naman ba siya? >_<

Actually, napaka-ganda nga nung litratong kuha sa akin kanina eh. Kahit ako din nga di makapaniwalang ako yun. XD Hahaha! Hangain mo, mukha rin naman pala akong tao. Pero talagang nabwi-bwisit ako kay Miguel ngayon! Err! Tama ba namang sabihin na hindi tugma sa akin 'to? So it means, hindi rin siya nagagandahan sa akin ngayon?! >________<  Aba! walang hiya 'to! Nag-effort pa man din akong magpa-ganda para lang mapansin niya ako. T_T

Medjo napalitan yung pagkainis ko sa kanya nung mapansin ko yung suot niya. Syete! Ba't ba ang gwapo-gwapo niya talaga?! Ay mali! Mas lalong ang gwapo niya pala ngayon! Kyaaaah! Tapete! Mas lalo akong naiinlove sa kanya! >////< Pano, bagay talaga sa kanya yung suot niyang tuxedo at dahil dun mas lalo tuloy siyang nagmukhang prinsipe. >o<

Itong lalaking nasa harap ko? Mygad! Kahit simpleng ngiti niya lang ay mas lalo pa siyang guma-gwapo! >o< I cleared my throat and smiled at him.

"Gwapo natin ngayon ah!" hindi ko mapigilang komento sa kanya.

"Matagal na!"

"Tss! Yabang! Eh ako? Di mo rin ba ako bobolahin?" biro ko sa kanya. Malay mo, sabihan niya rin pala akong, ' Ang ganda-ganda mo rin ngayon Cheska..' Hahaha! assumera lang?! Xp

"Hindi ako marunong mambola eh." parang natawa siya sa sinabi niya. Bigla akong napa-pout dahil sa sinabi niya. Err! Kung di lang kita crush! Ay nako! Di ko alam kung anong gagawin ko sa'yo! -___-

"Mas maganda ka kapag naka-ngiti."

dugdug.. dugdug..

Tapete! Totoo ba yun? Sinabi niyang mas maganda ako kapag naka-ngit? o////o Kyaaaaaaah! Umergerd! Kilig to the bones na'to mga dre! >///<

Hindi ko pinahalata sa kanya na kinikilig ako..

"Asus! 'Kala ko ba hindi ka marunong mambola?" tanong ko sa kanya. Alam ko naman na biro niya lang sa akin yun. Asa naman akong nagagandahan siya sa akin. Eh kanina nga di ba, inaasar niya pa ako. =__=" Walanjo!

"Hindi nga."

"Eh, bakit sabi mo mas maganda ako kapag naka-ngiti ako? Hindi ba pambobola na rin yun?"

"Totoo yun." napa-ngiti ako sa sinabi niya. Omy! Hindi kaya may lihim na rin siyang pagtingin sa akin? WHAHAHAHA! XD

Kahit alam kong binobola lang ako ni Miguel, pinaniwalaan ko pa rin yun. Magsasalita pa lang sana ako ng may mga dumaang babae at nagsitilaan nung makita nila si Miguel. At nakita ko rin si Trix dun, na nagtiti-tili rin. :3 Naintindihan ko na kung bakit. Pano, takaw atensyon naman kasi talaga ang ka-gwapuhan ni Miguel. :P

"Wala ka bang balak na makigulo sa mga 'yon" pukaw ni Miguel sa akin habang naka-ngiti pa rin ako sa kawalan.

"Bakit pa ako makikigulo sa kanila?" kung andito ka na rin man sa harapan ko, lalo pang kaharap pa kita..

"Atska masisira lang ang ganda ko sa kanila. Mamaya masira pang beauty ko. Kokoronahan pa naman ako mamaya." biro ko naman sa kanya.

"Kahit kailan talaga.." napa-ngiti na lang din si Miguel dahil sa sinabi ko.

"Ha? Kahit kailan ano?" naguguluhang tanong ko naman sa kanya.

"Wala! Akin na lang yun!"

"Eh! Ang daya naman neto. For sure, nagagandahan ka lang ata sa akin eh! Hahaha! Tama ba ako?" nginitian ko siya.

Hindi umimik si Miguel sa akin. Sa halip ay tinitigan niya lang ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero tila bang naging slow motion ang lahat. Yung tipong ang nakikita ko lamang ay si Miguel. Yung kami lang dalawa ang nandito. Yung wala kang kahit ano mang boses na naririnig.

Nakadama ako ng pagkailang sa pagtitig ni Miguel sa akin. Kaya ako na ang unang umalis ng tingin sa kanya. Narinig ko naman siyang napatawa ng bahagya.

"Hahahaha! Ikaw nga 'tong nagwa-gwapuhan sa akin eh." asar niya na naman sa akin.

"Hindi ko naman itinatanggi yun eh." dinaan ko na lang sa biro kung ano talaga yung nararamdaman ko para naman kahit papano eh di gaanong halata yung damdamin ko para sa kanya.

"Why is that.." bigla niyang hinaplos yung mukha ko na siya namang ikanabigla ko. "you're blushing?"

Agad naman akong umatras ng bahagya at hinawakan yung pisngi ko. Omo! Naka'make up na nga ako e! Don't tell nahahalata niya pa din yung pagbu-blush ko? >////< Kakahiya!

"H-huh?!" hinawakan ko naman yung pisngi ko na siyang hinaplos ni Miguel kanina. Syete! Mainit nga! >/////< Patay na!

"A-ah, tama! Mainit nga! K-kaya siguro ganito nagbu-blush ako." di ko akalaing ganun pala kalinaw ang mga mata niya. kahit gabi na nahahalata niya pa rin ang pamumula ng pisngi ko. >/////<

"Funny but this is the first time that I saw you blushing.." may halong kaba akong naramdaman at the same time parang nagrarambulan yung mga kung anong meron man dun sa tiyan ko! >////<

"and to think that we've known each other for the long time.. And you know what? It's cute."  mas lalong nag-init lalo yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Teka? Compliment ba yung sinabi niya? O baka naman binobola na naman niya ako? >/////< Hanep din pala kung mantrip 'to!

"Cute? Ano yun tuta lang? Tss. I'm not cute! I'm gorgeous."

"You're cute."  kulit lang? Di nga ako cute e! Parang pantuta kasi kapag sinabi mong cute! >_<

I sighed. "Whatever!"

Pinisil naman niya ang pisngi ko. "And you're blushing."

"No, I'm not."

"Yes! You are."

Bigla akong natawa. Wala na kasing sense yung pinagtatalunan namin. Oo na! Cute lang daw ako sa paningin niya at di maganda. Sakit naman nun te! Sagad sa heart e! =((

Pero kahit na nagtatalo kaming dalawa dahil lang sa walang kwenta naming tapik, ay nag-eenjoy pa rin ako. Ngayon ko lang din kasi talagang naka-usap si Miguel ng ganito ka tagal. To the point na, di ko aakalain na mahilig din pala siyang mang-asar. Yung ganun ba. Ah basta! Kinikilig na rin ako at the same time. ^////^ Hay nako! Malala na nga siguro talaga 'tong saltik ko sa utak at puso.

Ganun lang ang ginawa namin ni Miguel. Nagkukulitan habang hinihintay na magsimula yung coronation.

Pareho naming nakuha ni Miguel ang Mister and Miss photogenic award. At ayon, proud naman sila sa amin.

Pagkatapos ng event na yun, back to normal na naman ang lahat. Ibig sabihin back to normal na naman ang parang pagiging strangers ulit namin ni Miguel. Di man lang niya naisip na pansinin ako kahit simpleng hi hello lang. O di naman kaya kahit kawayan niya na lang ako.

' Ganun nga siguro talaga.. Magpapansinan lang kami kapag may event.' sabi ko na lang sa sarili ko.

Pumunta ako sa upuan ko na malungkot at nangungulumbaba. :((((((

**

100 Days of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora