100 Days of Love [2]

990 6 0
                                    

Maaga akong nagising. Naligo na muna ako, nagtoothbrush, nagbihis tsaka lumabas papuntang kusina.

"Good Morning!" bati ko sa kanila.

"Good morning din anak! Osiya umupo ka na jan at ng makakain na tayo. Alam mo ba, niluto ko talaga 'tong paborito mong sinigang? Hahaha! I'm sure, namiss mo talaga 'tong luto ni mama."

"Wow! Talaga po? Kyaaah! Super ko po talagang namiss 'tong luto niyo." nginitian naman ako ni mama. Gustong-gusto ko talaga 'tong sinigang lalong-lalo na kapag si mama ang nagluluto.

"Good Morning ma, dad!" sabay sabi nila kuya't ate kina dad at mom.

"Wow! Sarap ng ulam. Haha! Bunso, di ba paborito mo 'to?" tanong ni kuya Khael.

"Yeah! Actually sinubukan ko nga yang lutuin nung nasa America pa ako. Masarap naman daw yung luto ko sabi nung mga kaibigan kong americana dun pero para sa akin the best pa rin 'tong luto ni mama. Hihi!"

"Ay nako ma! Binobola ka na naman 'tong anak mo." biro ni ate Janine.

Kumain na kami at nagkwentuhan ng kong anu-ano. Syempre, tinanong din nila kung pano daw kami nagka-kilala ni Miguel dun at kung pano niya rin daw ako nilagawan at nakuha ang matamis kong oo. Hay! Mga intragera talaga sa buhay pag-ibig ko.

"So anak, di ka ba naiilang na ka-pangalan ng boyfriend  mo yung dating crush mo nung highschool ka?" tanong ni mama. Naman e! Paniguradong pagtutulungan na naman ako nilang lahat. >_<

"Hahaha! Oo nga. Di ba nga, dahil dun sa pagbasted ng crush mo sa'yo kayo gusto mong umalis at sa ibang bansa mag-aral?" sabi ni kuya sa akin habang naka-ngiti pa ng nakakaloko.

Tapete! Pati ba naman si kuya nahawa na rin sa kanila? Grr. -__-

"Oy! Tama na nga yan. Kayo talaga! Pinagtitripan niyo na naman si Cheska." pagtatanggol naman ni dad sa akin. Kyaaah! Kaya I love dad eh! Hihi. :D

After ng mahabang bangayan at panunukso nila sa akin naisipan ko na lang na pumunta muna ng mall at magshopping. Tutal, wala rin naman akong gagawin sa bahay eh. Aaliwin ko na muna ang sarili ko.

**

Mag-isa lang akong namamasyal sa mall ngayon. Ngayon din kasi ang alis ni Miguel papuntang Singapore para sa emergency business nga niya. Simple shirt lang yung suot ko tsaka nagshort lang din ako at flat sandal. Haha! :))

Naglibot-libot ako kung saan-saan. Every store na nakikita ko di ko pinaglagpas. Haha! Ganun ako eh. XD Pasok here, pasok there hanggang ayon, napagod ako at naisipan kong bumili muna ng makakain tsaka maghahanap ng mauupuan.

Naisipan ko na lang na bumili ng ice cream tsaka umupo dun sa bench. Habang nilalasap ko yung sarap at lamig ng ice cream, napansin kong may batang tumabi sa akin tsaka naupo. Napatigil ako sa pagkain ko ng ice cream at tinignan yung bata. Mukha namang di gusgusing bata yung tumabi sa akin. Ang totoo nga niyan, ang cute cute niya at super pinkish pa nung pisngi niya.

Napansin kong naka-tingin yung batang lalaki sa akin kaya naman tinanong ko na lang siya.

"Hey! Nawawala ka ba?"  tumango naman yung bata. Mygad! Kawawang bata naman 'to. Pano ko ba siya matutulungang ibalik sa mga magulang niya?

"Ahm, anong pangalan mo?"

"Don Miguel po!" sagot niya naman.

Parang biglang may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko nung narinig ko yung name niya. Gaad! Hanggang dito ba naman makaka-encounter ako na may Miguel pa rin ang pangalan? >o<

100 Days of LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat