Oasis shrugs, "I think I should be the one asking you that, 6th Generation. Tatraydorin niyo ang mga anak niyo?"

Diego, the Code Genius of 6th Generation, let out a half-smirk, "For their security, definitely young man. Definitely."

***

DAMN it!, pagmumura ni Reymond sa kanyang isipan ng muntik na siyang matamaan sa kanyang kanang paa. You piggy!, inis na saad niya saka itinutok ang kanyang dalang baril sa pwet ng matabang bodyguard. Then he pulled the trigger at walang kaingay-ingay na tumama ang karayom na bala sa pwet nito. Bulls ass!

Tumakbo na siya papasok sa kwarto ng kanyang target na mayamang negosyante at naabutan niya itong nakatutok ang baril sa ulo.

Napapikit na lamang si Reymond nang marinig ang putok ng baril. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa galit, I'm too late.

Ang taong nagpatiwakal ay si Cedric Cornejo, isang mayamang negosyante na involved sa business with the stars. In short, isa itong batikang drug pusher ng mga artista. Daisy said he has to complete this mission ASAP sapagkat nagiging suicidal na ang case ng target.

"Code Ideal connecting to Code Priestess. Reporting for Mission 231. Status: Failed. Casualty: One." matabang niyang sabi sa kanyang earpiece at nilapitan ang bangkay. Sabog ang ulo nito at lumabas ang iilang parte ng utak. 

"Reports recorded." tanging tugon sa kanya ni Daisy.

"You wasted your life sir. We could've given you another." ipinikit niya ang mga mata nito saka tuluyan ng umalis.

Habang nasa sasakyan ay may tumawag kay Reymond, "Hello?"

"Anak. It's your dad. Listen, I need you to go to the airport."

"Bakit po?"

"Ikaw na sumundo sa kapatid mo, may meeting pa kami ng mommy Eriz mo."

Ibinaba agad ng kanyang ama ang tawag saka siya napakamot ng ulo, "My little evil sister is here." he said then stepped on the gas

***

ISINUOT ng dalagang si Lil Saint Dela Fuerte ang kanyang shades saka sinabing, "Gosh. Ganito na pala kainit ang Pinas? OMG." nilingon niya ang kanyang P.A. na si Ate Ana, "Ate can I have my sunblock po? May pictorial pa kasi ako mamaya at ayaw ko namang masunog ang beautiful skin ko."

Nakangiting inabot ni Ate Ana sa kanyang alaga ang sunblock habang pilit pa ring hinahanap ang susundo sa kanila.

"Ate Ana, miss mo na talaga si kuya no?" tanong ni Lil Saint sa kanyang P.A. Ang totoo kasi niyan ay si kuya Reymond niya ang unang inalagaan ni Ate Ana pero nang napagdesiyon ni Lil Saint na mag-abroad ay sumunod ito sa kanya para umano alagaan siya.

"O lagi day. Kabalo na ka atong imong kuya nga suod kaayo to nako." naluluhang saad ni Ate Ana.

"Oh come on Ate Ana. Bakit ka umiiyak?" saad ng lalaking boses sa kanilang likuran.

Agad na napalingon si Ate Ana at patakbong niyakap ang binatang si Reymond, "Reymond! Kumusta naman kang bataa ka oy? Mingaw na kaayo ko sa inyo duha ni Raymund." 

Mahigpit ding niyakap ni Reymond ang kanyang 50 anyos na tagapag-alaga saka sinabing, "Ano ba yan Ate Ana. Bisaya ka pa rin? Haha! I missed you!" he looked at his sister, "Come on little evil sister, give kuya a hug."

"One word. Ew." Lil Saint rolled her eyes at dumiretso na sa kotse ng kanyang kapatid.

"Haha! Hindi masyadong halata namiss mo ako ah?" natatawang saad ni Reymond saka inalalayan si Ate Ana papasok ng kotse.

The Philosopher Stones (Book 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя