Chapter 11.2

1.1K 37 2
                                    

Ayon kay Ralph, stress lang daw ang dahilan kaya nawalan ng malay si Lola Cathy. Ganoon na lang ang pasasalamat ni Mara nang malamang walang masamang nangyari sa lola ng binata, na kailangan lang nitong magpahinga ng ilang araw para tuluyang gumaling. Pagkatapos malaman mula kay Ralph na maayos na ang kalagayan ni Lola Cathy ay naipasya niya na umalis na sa mansiyon at umuwi sa kanila.

Hindi pa rin opisyal ang relasyon nila ni Ralph dahil pagkatapos nilang ibunyag ang katotohanan ay hindi na nila napag-usapan ang tungkol sa nararamdaman para sa isa't-isa. Hindi niya rin narinig mula rito na mahal nga siya nito. Para sa kanya, pagkatapos ng lahat ng nangyari ay wala na siyang karapatang magkaroon ng relasyon dito. Paniguradong hindi na siya tatanggapin ng pamilya nito. So, she has finally decided to forget about him though it's painful.

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na siya. Nang makagayak ay binitbit niya ang jewelry box ni Lola Cathy upang ibigay kay Tita Amelia. Alam niyang gising na ito at umiinom ng tsaa sa lanai, na bawat umaga ay ginagawa nito. Wala naman siyang kailangang iimpake dahil lahat ng ginamit niya doon ay galing mismo sa mansiyon.

Sorry, Ralph, hindi ko kayang tuparin ang hiniling mo na manatili sa'yong tabi kahit ano man ang mangyari. Napakabigat ng kasalanan ko sa pamilya mo. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Mahal na mahal kita pero paalam... bulong ng kanyang puso habang tinitingnan ang saradong pinto ng kwarto nito kung saan ito'y tulog pa.

Ilang beses niyang pinahid ang luhang tila ayaw tumigil sa kaaagos. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Naninikip ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman habang impit na umiiyak. Kung sana ay nagkakilala sila ng binata sa wastong pagkakataon.

Pagkatapos pagsawain ang mga mata sa pagtitig sa saradong pinto ay bumaba na siya sa lanai upang magpaalam kay Tita Amelia. Ilang beses pa siyang humugot ng hangin bago ipaalam dito ang kanyang presensiya.

"Yes, Mara?" pormal ang mukhang wika nito saka ibinalik ang tasa sa platito.

"Good morning po, Tita. A-ah, m-magpapaalam na po sana ako. Uuwi na po ako sa'min," aniya, kinakabahan bagama't nakahanda na siyang marinig ang lahat ng masasakit na salitang sasabihin nito.

Iniabot niya rito ang jewelry box ngunit hindi nito iyon tinanggap kaya ipinatong na lang niya sa mesa. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Magpapaalam na sana siya ng tuluyan nang nagsalita ito, "Alam na ba ni Ralph na aalis ka?"

"Hindi—"

"So, bakit ka aalis nang hindi niya alam? Tell me honestly, Mara, mahal mo ba ang anak ko?" Matiim itong nakatingin sa kanya. Iyong tila nagsasabing bawal siyang magsinungaling.

"Opo, Tita Amelia. Mahal ko po si Ralph, mahal na mahal. Pero sinira ko ang tiwala ninyo na pamilya niya. Nahihiya ako nang sobra-sobra sa inyo," matatag na wika niya. Nagbabanta na naman ang kanyang mga luha ngunit mahigpit niya itong pinipigilan.

"Mahal mo naman pala siya, eh, bakit hindi mo ipaglalaban?"

Minsan pang kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Did she hear it right? Is Amelia telling her to fight for her love towards Ralph? Gusto niyang mapakamot ng ulo sa narinig.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Mara, mahal na mahal ka rin ng anak ko. Nag-usap na kami kagabi at hindi mo kasalanan ang nangyari. Naging biktima ka lang ng pagkakataon. Kung tutuusin, kasalanan ko ang lahat. I was too pushy with my own son. Masyado siyang na-pressure dahil sa pamimilit ko," mahabang wika nito. Tumayo ito saka humarap sa kanya ng maayos.

"Tita..." ang tanging nasabi niya. Doon niya napatunayan na hindi pala lahat ng mayayaman ay mapagmataas. Parang nananaginip siya sa kanyang mga narinig mula sa bibig ng babae.

"Sa kagustuhan naming lumagay na sa tahimik si Ralph, nakalimutan namin na may sarili siyang pag-iisip, may sariling desisyon kung sino ang gusto niyang mahalin."

"Tita Amelia, sorry po."

"No, I should be the one sorry. Kung mahal mo ang anak ko, huwag kang umalis," may kalakip na pagsusumamo ang boses nito. At sino ba siya para ipahiya ito?

"Sige po, Tita. Hindi na po ako aalis. Maraming salamat po." Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. Kung kanina ay luha ng kalungkutan ang dumaloy mula sa kanyang mga mata, ngayon ay luha ng kaligayan naman.

Nagyakapan sila ni Amelia. Napapantastikuhan man sa lahat ng kaganapan sa buhay niya, nagpapasalamat pa rin siya na nabigyan siya ng pagkakataong itama ang lahat. 

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon