Chapter 8.3

1K 39 6
                                    

Pagbalik nila sa cottage, pumasok si Ralph sa banyo upang mag-shower. Pagod na siya kaya napagpasiyahan niyang dumiretso na sa kama upang matulog. Nakahanda na naman ang higaan ng binata sa sahig kaya siguradong matutulog na rin ito pagkatapos. Ilang saglit niyang ipinikit ang mga mata ngunit tila naman tukso sa kanyang pandinig ang tunog ng lagaslas ng tubig mula sa banyo.

"Diyos ko, patawarin niyo po ako," mahina niyang bulong sa sarili saka mabilis na bumangon.

Naglulumikot kasi ang kanyang imahinasyon at nahihiya siya sa sarili. Puno ng what-ifs ang kanyang isip. Na kesyo paano kapag lumabas si Ralph na nakatuwalya lang at hubad sa itaas? O kaya ay paano kung mademonyo ito lalo na't magkasama sila na babae't lalaki sa iisang kwarto? Oo nga't hinalikan niya ito noong nalasing siya, pero hindi niya iyon sinasadya. At siyempre, ibang lebel na ang kinatatakutan niyang maganap.

"Please po, Lord. Gusto ko pa po sanang manatili ang kalinisan ko hanggang sa araw ng kasal ko. Huwag Niyo po sanang hahayaang mademonyo ang kasama ko." Nakapikit ang kanyang mga mata at magkasalikop ang dalawang kamay na animo'y nagdarasal talaga ng taimtim.

Nabungaran niya si Ralph na nakabihis na ng t-shirt at shorts pagdilat niya ng mga mata. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito.

"O, bakit gising ka pa?" untag nito sa kanya.

"A-ah, n-nagdadasal pa kasi ako," sagot niya habang paulit-ulit na sinasambit sa isipan ang dasal kanina.

"I see..." pumwesto na ito sa higaan na mukhang matutulog na.

She heaved a sigh of relief. Inayos na niya ang kumot at akmang hihiga na nang makitang bumangon ang binata. Oh my god! Bakit bumangon siya? Kasabay ng pagbangon nito ay bumangon ang kaba sa kanyang dibdib.

"Lord, please po... Hindi pa ako handa sa posibleng maganap ngayong gabi," mahinang bulong niya sa sarili.

Mula sa pagkakabangon, dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata. Tahimik itong nakatitig lang sa kanya. Naiyuko niya ang kanyang ulo dahil hindi na niya kayang salubungin ang titig nito. Every step he made felt like a torture for her.

Ilang sandali pa ay naaamoy na niya ang sabong ginamit nito, tanda na ilang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga katawan. Inipon niya ang lahat ng lakas sa katawan saka nagsalita.

"A-anong gagawin mo? Huwag, Ralph... p-please..." Nagsisimula nang manginig ang kanyang katawan sa kaba.

"What? Anong huwag? Kukunin ko lang ang isang unan diyan sa tabi mo," nagtatakang sagot nito. Itinuro nito ang isang unan na katabi ng unang sinasandalan niya.

"H-ha?" ang tanging lumabas sa kanyang bibig saka dahan-dahang nilingon ang nasa tabi niya. Palihim siyang napangiwi sa pagkapahiya sa sarili nang makita nga roon ang isang unan. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng tinunaw na yelo. Nasobrahan yata siya sa pagkapraning. Bahagyang napatawa si Ralph sa reaksiyon niya.

"Bakit, iniisip mo ba na gagawan kita ng masama? Don't worry, Mara. I'll stick to what's in our MOA," puno ng assurance na wika nito saka dinampot ang unan at mabilis na bumalik sa sariling higaan. Nagpaalam na itong matutulog saka humiga na.

Samantala, ramdam pa rin ni Mara ang pag-iinit ng magkabilang pisngi sa labis na pagkapahiya. Umaalingawngaw pa rin sa kanyang isip ang sinabi nito kanina. Pero bakit tila may lungkot sa boses nito sa mga huling sinabi? At bakit nakadama siya ng kahungkagan na parang wala siyang dating dito. Hay naku! Nababaliw na yata siya! 

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon