Chapter 5.2

1.1K 47 0
                                    

Nanonood ng Korean drama si Mara sa malaking flat screen TV sa sala habang namamapak ng mansanas nang biglang tumunog ang doorbell. As expected, Ralph was outside when she opened the door. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito naroon gayong Lunes na Lunes at dapat sana ay nasa EDMU kasama ng mga football players.

"Hi," he greeted wearing a charming smile that showed his pearly white teeth.

"Ralph, bakit ka nga pala narito? Wala bang training ng football ngayon?" kunot ang noong tanong ni Mara, hindi na niya ito nagawang batiin. Ngunit sa kabila ng kanyang pagtatanong ay nasisiyahan siya dahil nakita niya ito. Hindi niya talaga maipapaliwanag kung bakit biglang tila tumatalon ang puso niya kapag ganoong nakangiti ito sa kanya.

"Tapos na ang training para sa araw na 'to. Magagaling na silang maglaro kaya kampante na akong hindi maaagaw ang trophy sa darating na championship," anito na kampanteng-kampante ang dating, may kalakip na pagmamalaki sa mga manlalarong ito mismo ang humubog. Hindi naman kaduda-duda dahil magaling talaga itong coach kaya naniniwala rin ang dalaga na mananalo ang EDMU. "Anyway, may gagawin ka ba?" pagkuwa'y tanong niyo nang makapasok sila.

"Wala naman. Nanonood lang ako ng K-drama. Bakit?" wika ni Mara saka dinampot ang remote control at pinindot ang "play" button upang manood ulit. P-in-ause niya kasi iyon kanina upang pagbuksan ang binata.

"Good! Tara, manood tayo ng sine. Showing ngayon ang Korean movie na horror. Marami akong nabasang positive reviews sa internet kay siguradong mag-e-enjoy tayo," diretsong wika nito. Hindi siya makapaniwala sa seryosong bukas ng mukha nito.

Napapantastikuhan man sa narinig ngunit hindi napgilan ng dalaga na humagalpak ng tawa. She really didn't expect that someone as strict as him is into K-dramas. "Seryoso ka ba, Ralph? Kailan ka pa nahilig sa gano'n?"

"Sabihin na lang natin na date 'to."

"Ha?" kaagad siyang napatingin dito. Biglang bumundol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib, iyong kaba na may kalakip na kilig. Tama ba ang narinig niya? Date. Nakikipag-date nga ba ito sa kanya? She felt the need to ask him again to clarify it.

"We need to go out for a date to make it more convincing that we're really in a relationship," wika nito na tila ba pinangungunahan na siya agad. Na para bang sinasabi nitong huwag niyang bigyan ng kahulugan ang pagyayaya nito.

Muli siyang tumawa, cover-up sa kanyang pagkapahiya. Ilang saglit lang ay nag-iinit na ang magkabila niyang pisngi. Gusto niya tuloy kutusan ang sarili dahil sa pag-a-assume ng wala sa lugar. Oo nga pala, may spy nga pala at ginagawa iyon ni Ralph upang huwag na itong kulitin ng lola at ina nito.

"S-sige, magbibihis lang ako," paalam niya rito. Mabilis niyang pinatay ang TV bago siya pumasok sa kwarto. 

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon