Chapter 1.1

5.1K 95 3
                                    

Hello dearests!

How are you? Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat. Sobra kasi akong na-busy sa trabaho lalo na at bukod sa full time ay may part time job din ako. Ang sipag ko, 'no? Sana ikayaman ko 'to. Lol!

Anyway, here's another story that I wish to share to you. It's entitled "To Win His Love." Sinadya kong hindi i-post ang Synopsis para may thrill. Pero char lang! Ang totoo kasi n'yan, hindi ko alam kung paano siya isusulat. Alam niyo na, may mga bagay-bagay na nasa isip natin pero hindi natin mahanapan ng mga tamang salita kapag isusulat na ito.

I hope you enjoy this!

Much love,

Lhara McFadden


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Heto po ang sukli niyo. Maraming salamat!" magiliw na wika ni Mara sa customer na babae habang inaabot dito ang sukli at mga pinamili nito.

Nagtatrabaho siya bilang cashier sa isang maliit na tindahan sa palengke na nasa Magalang, Pampanga. Magkukulehiyo na sana sila ng kakambal na si Marc sa darating na pasukan ngunit bago pa man sumapit ang High School graduation, nagtapat na ang kanilang mga magulang na kailangan muna nilang huminto. Hindi naman sila nagreklamo dahil hindi lingid sa kanila ang paghihirap ng kanilang pamilya.

Parehong magsasaka ang kanilang mga magulang at hindi sapat ang kinikita ng dalawa para sa lahat ng gastusin nila. Hinuhulugan din kasi nila ang lupang kinatitirikan ng maliit na bahay sa San Agustin. Soon after their graduation, they immediately applied for jobs. Swerte namang sabay silang nakapasok ng trabaho. 

"Mara! Mara!" halos sabay na sigaw ng dalawang boses na papalapit. Kaagad niyang nahulaan ang mga may-ari niyon – sina Dhom at Dixie, ang mga bestfriend niya simula pagkabata.

"Mara!" ulit pa ng dalawa nang makarating sa harap ng tindahan. Humihingal pa ang mga ito mula sa pagtakbo, bakas sa mukha ang pagkataranta.

"O, bakit parang natataranta kayo? Nasaan ang sunog?" pabirong tanong niya sa dalawa.

"Hindi sunog kundi aksidente, Bes!" mabilis na sagot ng bading na si Dhom. Mukha itong caricature dahil sa makukulay na kasuotan at mga anek-anek na nakakabit sa maikli nitong buhok. Tanggap nila ang pagkatao nito lalo na at subok na ang pagiging tapat nitong kaibigan.  

Biglang bumundol ang kakaibang kaba sa dibdib ni Mara. Lihim niyang nahiling na sana hindi miyembro ng pamilya niya ang naaksidente. Naku! Ikamamatay niya kapag may masamang nangyari sa kahit sino sa mga ito.

"Ha? Sinong naaksidente?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga kaibigan.

"Bes, 'wag kang mabibigla, ha? Ang Kuya Marc mo kasi—"

"Ano nga? Anong nangyari kay Kuya?" Tumaas ng isang nota ang kanyang boses at hindi na pinatapos magsalita ang babaeng si Dixie.

"Naaksidente ang Kuya Marc mo!" sabay at pasigaw na sagot ng dalawa.

"Ha?" That was the only word that came out of her mouth.

Wala pang isang segundo ay mabilis niyang pinuntahan ang may-ari ng tindahan. Nagpaalam siya na magha-half-day upang pumunta sa ospital. Hindi naman siya nahirapan dahil kaagad namang pumayag ang matandang may-ari.

Sinamahan si Mara ng mga kaibigan hanggang sa ospital. Kapamilya na rin ang turing ng kanyang pamilya sa dalawa. Kaagad nilang natagpuan ang kanyang mga magulang. Nakaupo ang mga ito sa mahahabang upuan na nasa hallway na malapit sa emergency room. Halatang galing pa ang dalawa sa bukid dahil may bahid pa ng putik ang damit ng mga ito.

"'Ma, 'Pa, kumusta ang Kuya?" nag-aalalang tanong niya kahit hindi pa man sila nakalapit sa dalawa.

Mabilis na tumayo ang mag-asawa at sinalubong siya. "Nasa emergency room pa siya, Mara. Sinusuri pa ng mga doctor. Diyos ko namang bata 'yon. Hindi nag-iingat!" mangiyak-ngiyak na wika ni Aling Lourdes.

"Mahal, 'wag ka nang masyadong mag-alala. Baka tumaas ang presyon mo. Magtiwala na lang tayo sa doctor at sa Diyos," pag-aalo ng kanyang amang si Mang Samuel saka masuyong niyakap ang asawa.

Samantala, hindi mabura-bura ang kalungkutan sa mukha nina Mara at ng mga kaibigan habang nakatingin sa dalawang matatanda. Tahimik na nagdarasal si Mara na sana hindi ganoon kalala ang tinamo g kakambal.

Marc was her identical twin. Limang minuto lang ang pagitan nila at una itong lumabas mula sa sinapupunan ng kanilang ina noon. Unlike other twin, Marc didn't use the excuse that he was older to his advantage. He treated Mara fairly and just like other brothers, he has been so protective of her. Marami na rin itong nagawa para sa kanya. Isa na roon ang pagbibigay ng allowance tuwing may extra ito mula sa pagiging trainer ng football sa San Agustin Elementary School. Suma-sideline din ito ng pagmemekaniko sa isang talyer na malapit lang sa kanilang bahay. Dahil doon ay medyo nakakaluwag-luwag sila sa mga gastusin.

Habang naghihintay ng balita mula sa doctor, ikinwento nina Dhom at Dixie kay Mara ang nangyari kay Marc. Nabangga ng isang kotse ang motorsiklong inangkasan nito nang pauwi na para sa noon break. Mabuti na lang at walang namatay at may lisensiya ang may-ari ng motorsiklo. Sinagot ng may-ari ng kotse ang lahat ng gastos kaya kahit papaano ay hindi na sila gaanong mamumroblema.

A warning bell suddenly rang in the back of her mind. Bigla niyang naalala na nag-tryout si Marc sa football team sa isang university sa Manila para makakuha ng full scholarship. Inirekomenda ito ng barangay kapitan nila at swerte namang pumasa ito.  Kaso pasukan na sa isang linggo. Bigla tuloy siyang nanghinayang at nag-alala para sa kanyang kakambal. Alam niya kasi kung gaano nito kagustong makapagtapos ng pag-aaral. Wala siyang nagawa kundi hilingin na sana magkamilagro at gumaling na ito kinabukasan.

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon