Chapter 11.1

1K 36 5
                                    

"Ayos ka lang, Mara?" tanong ni Ralph sa dalaga sabay hawak sa kamay nito at pinisil iyon.

Hindi maitago sa mukha ng dalaga ang nararamdaman nitong kaba. Iyon ang araw na napagkasunduan nilang sabihin na ang totoo sa kanyang ina at lola.

Wala ang matanda sa kanyang silid nang kumatok sila kani-kanina lang at ang sabi ng katulong ay nasa library ito kasama ang kanyang ina. Kaya ngayon magkasama silang naglalakad patungo sa ikatlong palapag ng mansiyon kung saan ay naroon ang library.

"Hindi ko maiwasan ang kabahan, Ralph. Pero 'wag kang mag-alala dahil ayos lang ako," sagot nito saka pilit na ngumiti. Gumanti ito ng masuyong pisil sa kanyang kamay.

Nangangamba man sa posibleng mangyari, pilit niyang pinatatatag ang sarili. He needed to face the consequences of his wrong decision. Hindi niya rin naman inasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng lahat. Akala niya ay magiging madali lang, na pagkalipas ng anim na buwan ay tatapusin niya lang ang kontrata nila at ipalalabas niya na hindi gumana ang relasyon nila ni Mara kaya naghiwalay sila. Ngunit iba ang nangyari. Hindi sinasadyang nabali niya ang patakarang siya mismo ang gumawa. Nahulog ang loob niya sa dalaga at alam niyang ganoon din ito sa kanya.

Ilang sandali silang nanatiling nakatayo sa harap ng pinto ng library. Tinanguan niya ito hudyat na handa na siya, ito naman ay ganoon din. Pinihit niya ang seradura at magkahawak pa rin ang kamay nila nang pumasok sila roon. Tila sa isa't-isa sila kumukuha ng lakas.

"What's up, lovebirds?" si Lola Cathy na nagtaas ng mukha upang tingnan sila.

Nagbabasa ito ng newspaper nang nadatnan nila. Mas lalong umaliwalas ang bukas ng mukha nito nang makita silang magkahawak-kamay ni Mara.

"Hey, guys! What took you here?" Amelia asked, smiling. She was looking at him.

"A-ah, Lola, Tita, may sasabihin po sana kami ni Ralph." Mas lalong humigpit ang pagkakapit ni Mara sa kanyang kamay.

"Yes, Mom and 'La," he confirmed. Ginanti niya ng masuyong pisil ang kamay nito.

"Sure, what is it? Pero bakit hindi muna kayo maupo?" ani Lola Cathy na itinuro ang mga upuang kaharap ng mahaba at nag-iisang mesang naroon.

Hinila niya ang isa sa mga upuang naroon para kay Mara at saka halos magkasabay silang naupo. Muli ay tinanong sila ng kanyang ina kung ano nais nilang sabihin. Bumuntong-hininga muna siya sabay pikit ng kanyang mga mata at ibinuka iyon bago nagsalita.

"'Ma, 'La, narito po kami upang sabihin ang totoong namamagitan sa amin ni Mara."

Bumaha ang pagtataka sa mukha ng dalawang babae. Unti-unting kumunot ang noo ng mga ito, halatang naguguluhan sa sinabi niya. Gayon pa man ay walang ni isa man sa mga ito ang nagsalita.

"Ang totoo po n'yan, Tita, Lola, hindi po ako totoong girlfriend ni Ralph," sabat ni Mara.

"What?" halos magkasabay na bulalas nina Amelia at Lola Cathy. Marahil ay dahil sa pagkabigla ay napatayo ang huli.

"What is the meaning of this, Ralph?" si Lola Cathy, matiim itong nakatingin sa kanya.

Masayahing tao ang kanyang lola at napaka-sweet nito lalo na sa kanya. In fact, spoiled siya sa matanda kaya masyado siyang na-pressure nang kinulit siya nito na mag-asawa na. Labag sa kanyang loob ang ideya nito ngunit sadyang hindi nita ito matanggihan. And his only choice was to have a fake girlfriend that he could introduce to her.

"I'm so sorry, 'La. Hindi ko sinasadyang magsinungaling sa inyo. It's just that I don't want to settle down yet and this is the only idea I had. Now, we want to make everything right," apologetic na saad niya. Labis niyang pinagsisihan ang nagawa rito. Nakadagdag pa sa alalahanin niya na baka sa sobrang sama ng loob ay may masamang mangyari rito.

"Sorry, Lola Cathy, Tita Amelia. Alam ko po na mali ang ginawa naming pagsisinungaling," saad ni Mara, nakayuko ang ulo nito.

"Alam mo namang mali pero bakit ka pumayag sa gusto ng anak ko, Mara?" ani Amelia, bakas sa mukha at boses nito ang pinipigilang galit.

Idinetalye ni Mara ang lahat ng katotohanan, mula sa pagpapanggap nito bilang si Marc Serrano hanggang sa pagkahuli niya rito. Nabanggit din nito ang nanganganib na scholarship ng kakambal nito at ang pag-alok niya ng trabaho rito bilang isang fake girlfriend niya. Sinadya niyang dalhin ang kopya ng kanilang Memorandum of Agreement na may pirma nilang dalawa upang ipakita sa mga ito.

Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam ngayong naitama na nila ang pagkakamaling nagawa. Lihim na lang niyang ipinagdarasal na hindi umabot sa sukdulan ang lahat at itakwil siya ng kanyang pamilya.

Napaiyak si Lola Cathy pagkatapos marinig ang kwento ni Mara. Sigurado siya na labis itong nasaktan sa mga nalaman. Sa gitna ng paghahagulhol ay napasapo ito sariling ulo.

"Oh..." ungol nito na anyong matutumba. Mabuti na lang at mabilis ang naging pagkilos niya. Nakaagapay agad siya rito.

"La, are you okay?" he asked, his arms wrapped his grandmother's body. Ngunit hindi na nagawang sumagot ng matanda. Tuluyan itong nawalan ng malay.

"Mama! Mama!"

"Lola Cathy!"

Tarantang napasigaw sina Amelia at Mara na nagsipalit sa kanila. Siya naman ay mabilis na kinarga ang kanyang abuela at patakbong inilabas ito sa library. Mabilis pa sa alas-kwatrong dinala niya sa silid nito. Ilang sandali lang ay ipinasundo na sa driver ang family physician nila upang suriin ang matanda.  

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon