Chapter 9.1

1.1K 43 5
                                    

Lakawon Island

Cadiz, Negros Occidental

Pagkabukas na pagkabukas ng ticket booth kaninang umaga ay kumuha agad sila ng ticket para sa unang biyahe ng pumpboat. Ilang minuto lang ang itinakbo ng naturang sasakyang pandagat kaya bago pa man mag-alas nuwebe ay dumating na sila sa isla. Iyon ang naging unang araw nila roon imbes na kahapon.

The island was considered as the Boracay of Negros Province because of its long stretch of white sand beach and clear waters. The lovely beach was covered with coconut trees. Base sa nabasa nila sa Google, mahigit apatnapu't kilometro ang distansiya niyon mula sa Bacolod kaya hindi pala naging biro ang naging paglalakbay nila ni Ralph bago pa man makarating doon.

Mabuti naman at nakapag-book na kaagad ng tig-isang suite ang binata para sa kanilang dalawa kaya pagdating doon ay nakapagpahinga na sila kaagad. Pagsapit ng hapon ay pumunta ito sa suite ni Mara at niyaya siyang mamasyal. At dahil nakapag-recharge na ng katawan, kaagad siyang pumayag.

Sembreak kaya maraming turistang naroroon. Ang iba ay gumagawa ng mga aktibidades tulad ng volleyball, may ilang nagpapamasahe sa isang cottage na nasa dalampasigan. Some people were doing water-related activities like boating, snorkelling, and jetskiing. There were also those who just preferred to stay in the canopy tent.

Kasalukuyan naglalakad silang dalawa sa dalampasigan, bitbit ni Mara ang goblet na may lamang mango juice na in-order mula sa isa sa mga restaurants na naroon. Napatingin siya sa dagat at nakita niya ang isang lalaki na mag-isang nagwa-water skiing. Minsan pa siyang napangiwi habang nakikita itong nakakapit sa animo'y kable na nakakabit sa tumatakbong speed boat. Nang nag-U-turn ang speedboat ay biglang bumuwal ang lalaki sa dagat.

"Grabe naman 'yan! 'Di ba masakit sa katawan ang ganyan?" himutok niya saka nilagok ang natitirang laman sa hawak na baso.

"Sanay na kasi siya kaya wala na sa kanya kahit ilang beses siyang bumuwal sa dagat," sagot naman ni Ralph.

Nang tingnan niya ito, nakapako ang mga mata nito sa lalaking nasa dagat. Nakangiti ito na mukhang natutuwa sa pinapanood.

"Kung sabagay..." ang tanging naisagot niya.

"Gusto kong subukan 'yan sa islang 'to. Subukan natin?" mayamaya'y yaya nito sa kanya.

Napatingin ulit siya rito. Nakalarawan sa mukha nito ang pagiging desididong gawin iyon. Sa tingin naman niya ay marunong itong lumangoy.

"Naku, ikaw na lang. Baka kasi mabitiwan ko ang hawakang kable. Hindi ako marunong lumangoy," mariing tanggi niya.

Hindi naman sa hindi talaga siya marunong lumangoy. Kaya naman niyang ikampay ang mga paa't braso sa tubig ngunit mas mananaig kasi ang takot niya lalo na kapag nasa malalalim na bahagi na. Nagka-trauma kasi siya nang muntikang malunod sa ilog noong bata pa siya. Mabuti na lang at nailigtas siya ni Marc.

"Dito na lang ako para may audience ka," pabirong dagdag niya sa sinabi.

Hindi naman ito namilit. Magkasama silang lumapit sa in-charge ng water skiing at nang matapos ang lalaking pinapanood nila kanina ay sumunod kaagad si Ralph. Mayamaya pa ay nasa dagat na ito. Sa una ay nakakatuwa pa itong panoorin ngunit naging mabilis na ang pagtakbo ng speedboat na humihila rito, hanggang sa nabitiwan nito ang cable ski at bumuwal ito sa tubig. Masyado nang malalim ang bahaging iyon kaya awtomatikong bumundol ang kaba sa kanyang dibdib.

"Ralph! Diyos ko," tarantang sigaw niya sanhi ng matinding pag-aalala.

Itinapon niya kung saan ang basong hawak at lumusong sa tubig. Biglang nawala ang trauma niya at ang tanging nanaig sa kanyang isip ay ang kagustuhang tulungan ang binata. Dumagdag sa takot niya ang hindi nito kaagad paglitaw. Ngunit nang hindi pa siya nakakalayo ay nakita na niyang lumitaw ito at mabilis na lumangoy palapit sa kanya. Bumalik siya sa dalampasigan upang doon na ito hintayin.

Eksaktong pagtapak nito sa buhangin ay humakbang siya palayo. Naninikip kasi ang kanyang dibdib at hindi pa rin napapalis ang kaba at takot para sa kaligtasan nito.

"Mara, hey, hintayin mo ako," si Ralph habang pilit siyang hinahabol.

Nagmistula siyang bingi at hindi man lang ito nilingon. Tinawag ulit nito ang kanyang pangalan ngunit kagaya kanina, hindi pa rin niya ito pinansin. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may dumaklot sa kanyang palapulsuhan at marahan iyong hinila. Alam niyang si Ralph iyon at dahil hindi napaghandaan ay naharap ditto ang buong katawan niya. Ilang sandaling napako ang mga paningin nila sa isa't-isa. Walang ni isa man sa kanila ang nagsalita.

"Mara, what's wrong? Why did you suddenly get mad at me?" Ralph asked, breaking the silence.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sa'yo? Nakakaloka ka! Bumalik na nga lang tayo sa Manila," atungal niya habang nakababa na ang tingin.

Humulagpos ang magkahalong takot at kaba na naramdaman niya kanina sa pamamagitan ng mga luhang unti-unti nang naglalandasan sa magkabila niyang pisngi. Minsan pa siyang napahikbi sa harap ng binata. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha upang hindi nito iyon makita. Hinawakan nito ang magkabila niyang palapulsuhan at pilit na inaalis ang pagkakatakip ng mga kamay sa kanyang mukha.

"Mara, look at me," anito na sinunod naman niya. Nagtaas siya ng paningin at muli ay nagtagpo ang kanilang mga mata. "Huwag ka ng umiyak. Okay lang ako," wika nito habang nakaguhit sa mga labi ang simpatikong ngiti.

"Ikaw naman kasi. May pabuwal—"

Naputol ang kanyang mga sasabihin dahil walang babalang hinapit nito ang kanyang baywang at sa isang pitik lang ng daliri ay magkahinang na ang kanilang mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding pagkabigla. Ilang sandali siyang hindi nakahuma, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang tanging naririnig at nararamdaman niya lang ay ang malakas na pintig ng kanyang puso. Damang-dama rin niya ang mainit at matigas na katawan nitong nakalapat sa kanyang katawan at ang pagkakasalubong ng maiinit nilang hininga.

May kung anong puwersang humila sa kanya dahilan upang unti-unti niyang naipikit ang mga mata. Sa ganoon ay mas lalo pa niyang naramdaman ang kalambutan ng labi nito. Ilang sandali pa ay bumitiw ang binata at kapwa nila hinabol ang kani-kanilang hininga.

"B-bakit mo ako hinalikan?" halos pabulong niyang tanong. Nakatitig siya sa mukha nito na tila nahihipnotismo saka marahang pinaraanan ng daliri ang mga labing kani-kanina lang ay angkin nito.

"Well, I sealed your mouth so you'd keep quiet," mariing sagot nito habang matiim na nakatitig sa kanya.

She remained speechless. Tila nablangko ang kanyang isip, ang tanging nasa isip niya ay ang halik na pinagsaluhan nila kani-kanina lang. Gusto niya sanang ipaalala rito ang tungkol sa MOA pero may sutil na bahagi ng kanyang utak na pumipigil sa kanya, at iyon talaga ang sinunod ng kanyang bibig.

"'Yan, tumahimik ka rin. Okay lang ako kaya huwag ka nang magalit, ha?" malambing na wika nito habang nakangiti saka marahang pinisil ang kanyang baba.

Marahan siyang napatango bilang kasagutan. Kung sa bagay, mukha naman talaga itong malakas. Hindi rin siguro ito papasang football coach kung hindi ito marunong ng water survival. 

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon