Chapter 6.2

1.2K 56 5
                                    


Dinala si Mara ng kanyang mga paa sa isang tocino stand na nagtitinda rin ng balut at inumin. Malapit-lapit lang iyon sa campus ng EDMU. Kaagad siyang pumwesto sa isa sa mga upuang naroon at nag-order ng tatlong balut at dalawang bote ng beer. Hindi niya talaga maaalala ang kaarawan niya kung hindi pa tumawag ang kanyang ina habang naglalakad siya kanina. She smiled bitterly at the thought while waiting for her orders. Sa sobrang pagka-busy niya sa pagiging pekeng girlfriend ni Ralph, nakalimutan na niya pati kaarawan niya.

"Happy birthday, Mara," pabulong na wika niya saka pinagpingki ang dalawang bote. Bahagya siyang napaismid saka umiling bago lumagok ng beer mula sa isa sa mga bote. She took a long pull of the bitter liquid and slightly grinned after tasting it. Kaagad niyang binasag ang balut at hinigop ang sabaw niyon upang pawiin ang pait na nanatili sa kanyang panlasa.

Lumipas ang mahaba-habang sandali hanggang sa naubos ng dalaga ang mga in-order. Hindi siya ganoon kasanay uminom kaya medyo umiikot na ang kanyang pakiramdam ngunit nanghihingi pa ng isang bote ang kanyang puso. Na para bang nais nitong idaan sa pag-inom ang pesteng bigat na nararamdaman sanhi ng nakita niya kanina sa championship kaya ang dalawang bote ay naging tatlo.

"Hah! One hundred lang ang dala kong pera!" Pakiramdam niya ay biglang tumakas ang espirito ng beer mula sa kanyang katawan. Tiningnan niya ang kalat sa maliit na mesa pati ang tatlong bote na puro wala nang laman. Sigurado siyang lagpas isang daan ang presyo ng mga iyon. Bumaha ang pag-aalala sa kanyang mukha habang tinitingnan ang laman ng kanyang pitaka. Hindi niya dala ang ATM kung saan naka-deposit ang kanang talent fee sa pagpapanggap bilang nobya ni Ralph sa takot na baka mawala iyon.

"Shit! Anong gagawin ko?" napakamot ng ulong bulong niya sa sarili. Mabuti na lang at hindi niya pa hiningi sa tinderang naroon ang total ng babayaran niya, ngunit tila napansin yata siya ng matabang babae.

"Miss, magbabayad ka na ba?" untag nito sa kanya pagkatapos kunin ang bayad ng ibang customer.

"A-ah... H-hindi pa po, Ate. N-nalaglag lang po ang isang hikaw ko at nahirapan akong hanapin," kinakabahang sagot niya sabay yuko at nagkunwaring may hinahanap. Nakangiwi siya habang ginagawa iyon at tahimik na nagdarasal na hindi ito makahalata. Mabuti na lang at may bagong customer na dumating, nabaling sa mga ito ang atensiyon ng tindera.

Diyos ko, anong gagawin ko? Bumuntong-hininga siya upang pagaanin kahit papaano ang pakiramdam.

Nagtatalo ang dalawang bahagi ng kanyang utak kung tatawagan ba si Ralph o hindi. She was on the verge of dialling his number when the phone rang. The caller ID registered Dixie's name. Muntik na siyang mapasigaw ng "Hallelujah!" nang makita ang pangalan ng kaibigan. Kaagad niyang sinagot iyon.

"Mara! Happy birthday!" Parang sasabog ang kanyang eardrum sa tili ng dalawang taong nasa kabilang linya na walang iba kundi sina Dhom at Dixie.

"Hoy bruha, kumusta ka na?" boses iyon ni Dhom.

"Dhom! Dixie! Salamat sa pagbati. Okay lang ako," aniya na biglang nasabik makita ang dalawang malalapit na kaibigan.

"Nasaan ka bang babae ka't hindi ka na namin nakikita?" si Dixie. Hindi niya nga pala nasabi sa dalawa ang tungkol sa "trabaho" niya kay Ralph, matagal-tagal na rin nang huli niyang nakita at nakausap ang mga ito.

Sinabi niya sa dalawa kung nasaan siya kaya makalipas ang humigit tatlumpong minuto ay dumating na ang mga ito.

"Ano ba kasi ang nakain mo't naisipan mong uminom, ha, Mara?" may himig ng pangangantiyaw na tanong ni Dhom pagkatapos niyang sabihin ang suliraning pinagdaanan niya kanina.

"Tapos kulang pa ang pambayad mo," natatawang dugtong ni Dixie.

"Naku, 'wag niyo na nga akong okrayin. Eh, nagse-celebrate lang naman ako ng birthday ko," sagot niya sa mga ito.

"Nang mag-isa? Ni hindi ka man lang nangimbita sa'min ni Dhom, saka bakit narito ka? Saan ka nga ba talaga nakatira ngayon? Malapit lang ba dito ang tinutuluyan mo?" tila abogadang nasa hearing na magkasunod na tanong ng babaeng kaibigan niya. Iyon na ang naging resulta ng hindi niya pagbigay ng matinong paliwanag noon kung bakit umalis siya sa men's dorm ng EDMU.

"Sorry na nga, eh. Saka pwedeng isa-isang tanong lang? Mauubusan ko ng hangin sa pagsagot sa'yo," sarkastiko ngunit pabirong sagot niya rito. Normal na kasi sa kanilang tatlo ang ganoong usapan. They could be themselves when they're together and that was what kept their friendship even stronger.

"Eh, ano nga ba talaga ang totoo, Mara? Paki-explain bilis!" sabad ni Dhom, maarte pa nitong pinatikwas ang kamay.

"Hay naku! Ang kulit niyo!"

Napagdesisyonan nilang tatlo na doon na ituloy ang selebrasyon para sa kaarawan ni Mara. Ikinwento niya sa dalawa ang tungkol sa pagkabulgar ng kanyang pagpapanggap bilang si Marc at ang pagpapanggap bilang girlfriend ni Ralph. Hindi rin nakaligtas sa kanyang pagkukwento ang tungkol sa babaeng lumapit sa binata kanina.

"OMG! Boyfriend mo ang ubod ng gwapong football coach na si Ralph Kristoffer de Moraes?" exaggerated na tanong ni Dhom, halos lumuwa ang mga mata nito sa panlalaki.

"Gaga! Fake girlfriend nga lang ako, 'di ba? Fake as in peke, hindi totoo!" sagot niya sabay tungga ng beer na sinundan ng pagkagat ng balut.

"Pero sinabi mo kanina na may kasama siyang babae. Uy, Mara, umamin ka, nagseselos ka!" si Dixie.

"Hindi!" mabilis niyang sagot. Hindi nga ba? Bakit sinasabi ng puso niya na oo, nagseselos siya, kaya lang ay wala siyang karapatan kaya hindi niya bokal na maamin? "Hindi ako nagseselos, okay?" dagdag niya pa upang tuluyang ikubli sa mga kaibigan ang totoong nararamdaman.

"Fine! Sabi mo, eh. Pero alam mo na kung paano kami makokontak kung sakaling gusto mo nang ilabas 'yang nararamdaman mo, ha?" seryosong wika ni Dhom. Bigla siyang na-touch sa sinabi nito. Natukso tuloy siyang aminin sa mga ito ang totoo ngunit sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Alam niyang lilipas din ang lahat ng iyon. Siguro nakakaramdam lang siya ng ganoon kay Ralph dahil palagi niya itong nakikita. Darating din ang araw na mae-expire ang kontrata at kasabay niyon ay maglalaho ang lahat ng nararamdaman niya.

"Ugh, touched naman ako. Salamat." She made a funny expression on her face. "'Nga pala, huwag niyong iisplok sa pamilya ko ang mga sinabi ko, ha? Ayokong mag-alala sila."

"Sige, hindi namin sasabihin," ani Dixie.

Malaki ang tiwala ni Mara sa dalawa kaya nakampante na siya sa narinig. 

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon