Chapter 2.2

1.5K 48 3
                                    

Eksaktong alas tres ng hapon dumating sina Mara at Ronjay sa malapad na ballfield ng university. Naroon na ang mga kasamahan nila sa team. Nakahanay ang mga ito at naghihintay sa kanilang coach. Dali-dali silang lumapit at pumunta sa hulihan. Just as when they reached the line, she a tall and broad-shouldered man that gracefully approcahing them. He looked so impressive in his black and white jacket paired with black jogging pants and black cap. The guy must be their coach.

Hindi nakita ni Mara ang mukha ng lalaki habang papalapit ito kaya laking gulat niya nang makilala ito. Ang lalaking nasa harap at sumusuri sa kanila na para bang nasa microscope sila ay walang iba kundi iyong muntik nang bumundol sa kanya noong isang linggo!

Ayon sa calling card ay ito si Ralph Kristoffer de Moraes. Paulit-ulit na umiikot ang katanungan sa kanyang noon kung kaano-ano nito ang may-ari ng unibersidad na iyon ngunit hindi niya nahanapan ng sagot.

Gosh! Sa dinadami-dami ba namang kabaro ni Adan dito sa mundo na pwedeng maging coach nila ay ang lalaki pa talagang ito? Pambihira naman!

Pero aminin mo, gwapong-gwapo ka sa kanya, tudyo ng isang bahagi ng kanyang isip. Her mind couldn't get rid of his handsome chiselled face courtesy of his dark eyebrows and warm eyes. His nose was long but slightly crooked and he was gifted with full and symmetrical lips. Iyong bang parang kay sarap humalik. Paulit-ulit niya iyong ini-imagine bago pa man siya matulog noong nasa apartment siya ng mga kaibigan. Medyo exaggerated pakinggan pero mukha talaga itong Greek god na bumaba sa lupa na ang layunin lang ay magpalaway sa mga babae.

"Serrano!" Biglang napaigtad si Mara at umayos ng tayo nang marinig ang buo at malakas na boses ng lalaki.

"C-coach!" aniya kasabay nang biglang panginginig ng kanyang katawan. Paano ba naman kasi ay papalapit ito sa kanya ngayon. Grabe, ngayon niya lang na-realize na nagro-roll-calling pala ito.

Nang tumapat ito ay saglit siya nitong pinasadahan nang tingin. God, huwag niya sanang mahalata na hindi ako tunay na lalaki, piping dasal niya habang tila pakiramdam niya ay isa siyang basang sisiw na nakatingin dito.

"EDMU Blue Lions, shirts and skins!" maawtoridad na utos ni Ralph sa kanila.

Patay! Ano ngayon ang gagawin niya? Nag-isip si Mara nang idadahilan upang hindi siya makapaghubad ng pang-itaas. Tumikhim muna siya bago magsalita. "C-coach, hindi po ako pwedeng maghubad ng shirt."

"What?" napahinto sa paghakbang na sagot ni Ralph.

"Allergic po ako sa araw at alikabok."

"What? Are you kidding me? Paano kang nakakapaglaro ng football kung maselan ang balat mo?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Y-yes, Coach. Totoo po at pwede ko iyong ikamatay!" eksaherado niyang sagot na pinalalaki pa ang mga mata na anyong natatakot. Leche!

Tumango-tango ito at patuloy siyang tinitingnan. "What can we do? You're a scholar and a varsity player in this university so we still need to accommodate you. So, you're a shirt," pinal na wika ni Ralph. Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. "Okay, guys, let's go!" he signalled then blew his whistle to start the warm-up.

Nagsimula sila sa push-up. Napabuga muna ng hangin si Mara bago nagsimula sa pangamba na baka hindi niya iyon magawa. Sa sobrang pabaya ay hindi man lang niya naihanda ang katawan bago sumalang doon. Ni hindi man lang niya inisip na mag-jogging at mas pinili pang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan.

Nagawa naman niya ang exercise pero marahil nabigla ang katawan kaya medyo nagdilim ang kanyang paningin. Mabuti na lang at pinahinto na sila ni Ralph at pinag-squat thrust na mas madali para sa kanya.

They also did the Speed Ladder in which they had to do high-knee running with very short strides, stepped in and out of the ladder and bounced from one section to another. Muntik pa siyang masubsob dahil doon. Mabuti na lang at nakahawak siya sa co-player na nasa unahan.

"Sorry," mabilis niyang wika ngunit tila hindi siya nito napansin.

Pinaglaro sila ni Ralph ng football pagkatapos. Nakasipa naman siya ng bola ngunit aminado siyang hindi talaga siya kasing husay ng mga lalaking naroon. Deadma na, Mara. At least, nasimulan mo na ang pagtulong sa kuya mo, pagpapalakas niya pa sa sarili habang tumatakbo at hinahabol ang taong nagdadala sa bola.

Nang medyo dumilim-dilim na ay pinag-push-up ulit sila para sa cool down. Pakiramdam ni Mara ay nasaid ang lahat ng lakas niya. Nagmistula tuloy siyang lantang katuray na nakadaa sa damuhan habang ang mga kasamahan ay nagpapatuloy sa exercise.

"At ease, gentlemen," maawtoridad pa ring wika ni Coach Ralph. Awtomatikong tumigil ang lahat at nagsitayuan. Dahan-dahang tumayo si Mara at pinagpagan ang sarili.

"I've seen a lot of energy and commitment today and I'm proud of you. Ngayon naman ay hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. May players na ilalagay ko sa first string at 'yong iba ay sa second string. Sa mga second stringers, huwag kayong mag-alala kasi ituturing pa rin kayong tulad ng first stringers. At siyempre, kasali kayo sa laro," mahabang paliwanag ng binata. Tinawag nito ang mga mapupunta sa first string. Hindi na siya nagtaka kung bakit napabilang siya sa second string.

Pasensiya na kung napunta ka sa second string, Kuya. Kung ikaw sana ang nandito ngayon, for sure mangunguna ka sa first string, sa isip ni Mara. Nang malaman na nila kung saang string sila kabilang ay hindi na sila pinatagal pa roon. Pinauwi na sila. Tamang-tama dahil nagsisimula nang mangati ang kanyang katawan.

Nagsimula na silang maglakad ni Ronjay pabalik sa dorm nang marinig niya ang boses ni Ralph. Tinatawag nito ang kanyang pangalan. Bigla tuloy tumahip ang kanyang dibdib at tila nag-dribble ang kanyang puso sa kaba. Nahalata ba nito na iba ang hitsura niya? Makukulong na ba siya mamaya? Mawawalan na ba ng scholarship si Marc? No!

"Serrano, can I talk to you?" pormal na tanong ng lalaki.

"Y-yes, C-coach," kinakabahan pa ring sagot niya rito. "Mauna ka na, Brod," aniya kay Ronjay.

Dahan-dahan siyang humakbang pabalik. Pakiramdam niya, habang humahakbang siya'y mas lalong lumalakas ang pagtambol ng kanyang dibdib.

"I've seen your performance earlier and you seemed to lack energy. Hindi ka naman ganyan noong nag-tryout ka. In fact, I expected you to be part of the first string," anito na matamang nakatitig sa kanya. Sinalubong niya ang titig na iyon kaya nakita niya ang kulay-abo nitong mga mata.

"Sorry, Coach. Nagka-sprain po kasi ako last week kaya medyo mabagal akong tumakbo ngayon," sagot niya sa mababang tinig. Nagbaba rin siya ng paningin dahil hindi niya nakayang titigan ang mga mata nito.

"I see. Well, I hope to see more energy tomorrow. I want you to develop your speed. Medyo malamya ka kumpara sa mga kasamahan mo."

"Yes, Coach." Iyon lang at naghiwalay na sila ng daan.

Nang nakakalayo na ito at hindi na siya mapapansin, huminto siya upang tingnan ito. Hindi niya talaga mapigilan ang sariling humanga dahil sa tikas ng tindig nito. Para itong cowboy na napapanood niya sa Mexican telenovelas. Sayang lang at nagsimula sa kasinungalingan ang pagkakakilala nila sa isa't-isa. Sa tingin niya pa naman ay mabuti itong tao.

Forget about him, Mara. Mananatili kang si Marc para sa kanya. Hindi na rin kayo pwedeng magkita sa sandaling gumaling si Marc. Siguradong isusumpa ka niya 'pag nalaman niyang kasinungalingan lang ang lahat ng ito, pangaral niya sa sarili. Bumahid tuloy ang matinding kalungkutan sa kanyang mukha. Somehow, she regretted that she disguised as her twin, but it's already too late.

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon