Chapter 4.2

1.4K 55 12
                                    

                  

Dinala ni Ralph si Mara sa isang tanyag na mall sa Makati at doon sila namili ng mga gamit para sa kanya. Sa dami ng pinamili nito ay umabot ng lagpas sampu ang magkahalong plastic at paperbags ang binitbit nito kanina, at lahat ng iyon ay para sa kanya lang.

Mula sa  mall ay dumiretso sila sa isang mamahaling restaurant. She felt awkward in her designer cocktail dress with a pair of Rhinestone strappy evening sandals. Hindi kasi siya sanay na nagsusuot ng ganoon. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung bababa ba mula sa kotse ni Ralph.

"Hey, wala kang dapat na ikatakot. The people inside the restaurant don't bite," wika ng binata na bahagya pang nakangiti. Nasa labas na ito ng kotse dahil pinagbuksan siya. For the first time, she saw him smile. Malayo sa hitsura nitong strikto kapag nasa EDMU, at napagtanto niyang mas gwapo pala ito sa ganoong bukas ng mukha. "Come on, let me help you get out of the car," anito sabay lahad ng palad sa kanya.

Nag-aatubili pa ring tinanggap niya ang kamay nito. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang init na nagmumula sa balat roon. Hindi niya magawang ipaliwanag ang dating ng hawak nito, para bang nakakakiliti na nakakakuryente na ewan. Nasubukan na naman niyang humawak ng kamay ng ibang tao tulad ng sa mga kaibigan at pamilya niya ngunit iba talaga ang dulot nito sa kanyang pandama, lalo na nang hinigpitan nito ang pagkakahawak upang hindi siya matumba.

Ang inaasahan ni Mara ay bibitiwan na ng binata ang kanyang kamay nang maayos na siyang nakatayo ngunit hindi nito iyon ginawa hanggang sa makapasok sila sa restaurant. Romantic ang ambiance doon at iilan lang ang mga kumakain, mukhang may sinasabi sa lipunan lahat. Magalang naman silang binati ng gwardiyang nasa entrance ng restaurant ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang mga mapang-uring tingin ng ilang babaeng service crews. Kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ng isa sa mga ito saka binulungan ang kasama. Malamang sinabi nito kung bakit isang tulad niya ang kasama ni Ralph samantalang hindi naman sila bagay. Kung alam lang ng mga ito na palabas lang ang lahat ng iyon.

Pilit niyang inignora ang mga ito ngunit sa isang maling hakbang niya bigla siyang natisod. Bahagya siyang napatili sa pag-aakalang matutumba siya.

"Oops!" he exclaimed as he tightened his grip in her hand.  Mabuti na lang at naging maagap ito. Bahagya lang gumewang ang kanyang pagkakatayo. "Be careful," anito na may kalakip na pag-aalala ang boses.

"S-salamat," ang tanging nasabi niya. Muling dumako ang kanyang paningin sa dalawang babae at nakita niyang tahimik siyang pinagtatawanan. Sa pangalawang pagkakataon ay inignora niya ang mga ito.

"Sir—"

"Here you are again. I told you to call me Ralph. You can't call me "Sir" in front of my family and besides, you're no longer my football trainee," saway nito sa kanya.

Bahagya munang tumikhim si Mara bago nagsalita ulit. "R-ralph, bakit pala dito tayo kakain? Pwede namang sa isang simpleng restaurant lang. Kahit anong pagkain naman ay kakainin ko," aniya na ang nasa isip ay ang dalawang babae pa rin kanina. Kasalukuyan na silang naghihintay sa kanilang mga order.

"Mahilig kasi ako sa seafoods at masasarap ang mga pagkain nila dito. In fact, this is my favourite."

"Ah, gano'n ba?" ang tanging naisagot niya. Hindi na lang niya sinabi rito ang tungkol sa dalawang babae. Marahil hindi nito naranasan ang dinanas niya kanina dahil mayaman ito at gwapo. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa dumating na ang mga pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay binuksan ni Ralph ang bote ng red wine at sinalinan ang mga kopitang naroon. "Cheers?"

"Cheers!" Dadalhin na sana ni Mara sa bibig ang hawak nang magsalita ito.

"Mara, kapag nakikipag-cheers ka, dapat nakikipag-eye-to-eye contact ka sa kaharap mo," wika nito habang matiim na nakatingin sa kanya.

"H-ha?" awtomatikong nag-init ang magkabila niyang pisngi. Kaya niya bang makipagtitigan dito?

"Do cooperate. May mga spy si Mama dahil kagaya nang sinabi ko sa'yo, ganoon siya kapursigidong kulitin ako na mag-asawa na kaya maaaring nasa paligid lang natin ang mga inutusan niya."

Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Nakipag-cheers nga siya habang nakikipag-eye-to-eye contact dito. Pagkatapos niyon ay diretso niyang tinungga ang lahat ng laman ng kopita, para lang mapangiwi dahil sa mapait na lasa niyon.

"Do you want more?" alok nito na tinanggihan niya.

Nang hindi na nila naubos ang inumin ay hiningi na ni Ralph ang bill. May ibinulong ito sa lalaking service crew at tumango ang huli. Pagbalik ng lalaki ay may dala na itong tatlong paper bags na iniabot kay Ralph.

Grabe pala lumamon ang lalaking 'to! Hindi naman halata sa katawan. Paano ba nito napapanatili ang magandang katawan? kumento ng kanyang isip. Ganoon siguro ito kagusto ang mga pagkain doon dahil nagpa-take-out pa talaga ito, iyon ang buong akala ni Mara. Ngunit paglabas nila ay nakita niyang may mga tatlong batang lansangan, isang babae at dalawang lalaki, na animo'y nagbabantay sa kotse ng binata.

"Kuya!" halos magkasabay na tawag ng mga bata rito na ikinagulat ni Mara.

"O, mga bata, kumusta kayo? Nagpapakabait ba kayo?" sagot ni Ralph dito, halatang natutuwa ito sa tatlo.

"Oo naman po, Kuya!" tila nagmamalaking saad ng bata na pinakamatangkad sa tatlo.

"At binantayan po naming mabuti itong kotse niyo, Kuya," ang batang babae sa cute nitong boses.

"Magaling! Dahil diyan, may ibibigay ako sa inyo." Mula sa likuran ay inilabas nito ang mga paper bags. Sabay na napa-"Wow!" ang mga bata at sabik kinuha ng bawat isa ang mga iyon. "Marami-rami iyan kaya dalhan niyo rin ang mga magulang niyo."

"Opo, Kuya. Salamat po!" halos magkasabay ulit na wika ng mga ito.

Nanatiling tahimik habang nakangiti si Mara. Hindi niya talaga inasahan na gagawin iyon ni Ralph. Sa kabila ng pagiging strikto nito ay may puso pala ito para sa mahihirap. Bigla tuloy umusbong ang paghanga niya ukol dito, na sa bandang huli ay pinilit niyang ignorahin dahil naalala niya ang nakasaad sa MOA. Pero kung ganoon ito kabait, sino ba ang hindi mahuhulog dito?

"Mara, ayos ka lang?"

"H-ha?" Napakurap siya nang marinig ang boses nito. Wala na ang mga bata roon. "Nasaan na sila?"

"Kaaalis lang. Bakit ka ba nakatunganga?"

"W-wala. Natuwa lang ako sa ginawa mo. May mga kaibigan ka palang tulad nila," aniya na nakangiti bilang cover-up sa pagkapahiya niya.

"Oo, mga kaibigan ko sila. Minsan na kasi nila akong natulungan nang muntikang na-carnap ang kotse ko. Sa maniwala ka't sa hindi, kinalaban nila ang dalawang carnappers hanggang sa may napadaang patrol car at nahuli ang mga ito," mahabang saad nito na hindi pa rin nabubura ang mga ngiti sa labi. "Kaya parang mga nakababatang kapatid na ang turing ko sa mga 'yon. Nilalakad ko na nga ang scholarship nilang tatlo sa EDMU dahil intresado raw silang mag-aral."

"Mabuti naman kung gano'n. Ang swerte naman ng mga batang 'yon," aniya habang nakangiti rin.

To Win His Love [Completed/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon