“Yosh! Arigatou Hime-chan! Okay. Ingat ka na lang. Sinong kasama mo? Blockmates mo?”

“Ne.”

“Ahh~ Arasso. Sige Ingat na lang! Call me kay?”

“Ne. Bye.” Bumalik na ako sa kanila at sinabing makakasama na ako. Sabay-sabay naman kaming nagsibabaan at ayun nga andun na silang---- anim? Parang kanina apat lang sila.

“Tara! Malapit lang naman ehh.”

“San ba tayo?” Sabi ni Rowena. Ehh? Di man lang niya alam?

“Sa isang Korean Resto.” HA?! TAMA BA YUNG PAGKAKARINIG KO?! Aish.

“Ehh? Bakit doon?” Nagsimula na kaming maglakad at nasa unahan silang dalawa ng may lumapit sa aking lalaki.

“Hi. Nagiisa ka?”

“I’m with—“ Napatingin ako sa likuran ko at gilid ayun may sari-sarili ng kausap yung iba. Kahit sila Clyde at Dominic.

“Oh. I see. Haha! Ako nga pala si Jared, Jared Tejada. Ikaw?”

“Clarence Sobela.”

“NICE! Magakatunog kayo ng name ni Renz.” Ha. Honestly bro, we have the same nicknames.

“Yea.” I said habang nakatingin pa din sa harapan.

Stereo Hearts [BOOK 1] *Self-Published|Out of Stock*Where stories live. Discover now