"S-she will be invincible?" halos hindi makapaniwalang saad ni Diana.

"Sort of but not absolutely. She can still feel pain but her wounds will immediately heal. As immediate as a second. Another thing is . . . Dahlia's offspring will have 90% chance of inheriting the counter chemicals."

Diana gasped. Magiging ganiyan din kalakas ang mga apo ko?, hindi niya mapigilang isipin.

"Lastly, her aging will be 20% delayed dahil na rin sa counter chemicals. Ibig sabihin kahit na 32 years old na silang dalawa ni Daisy, ang katawan ni Dahlia ay mananatiling 25-26 years old."

"That's why you want her to work for you as The Destructive Angel? Para makaiwas ang susunod na henerasyon sa The Risk?" pagkukumpirma ni Diana. She herself is a victim of 'The Risk'. She didin't discovered her Marfan Syndrome until she fell in love with Diego. Pero kailanman ay hindi niya pinagsisihan ang mahalin ang ginoo.

"Yes."

"Why don't you take the counter chemicals yourselves?"

Tumawa ang ginoo sa kainosentehan ng kanyang asawa bago ito sumagot ng, "Isandaang porsyento ang kasiguraduhan na mamatay kami Diana."

"How about Dahlia? Ilang porsyento ang kasiguraduhan na makakayanan niya?"

"70%. It WAS 65% but then she passed the Pretest kaya tumaas ang probabiliy ng 5%."

Diana enveloped her arms on her loving husband, "Napakakomplikado mo talagang mahalin."

"I'll take that as a compliment." niyakap din niya pabalik ang asawang si Diana.

"That was supposed to be an insult." Diana chuckled at mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa asawa habang iniisip ang anak na si Dahlia, She's gonna make it. I know she will.

***

HINDI alam ni Jennica kung matutulog ba siya o maliligo o magbabasa o magpapapawis sa Training Unit o magpapahangin sa Garden Unit o mambubulabog ba siya kay Reymond ngayong hatinggabi.  Kanina pa kasi siya hindi makatulog at simula nang umuwi siya dito sa Headquarters ay hindi pa niya nakikita ang binata.

Maya-maya lang ay naalala na naman niya ang date nila ni Lence. Naiinis siya sa sarili niya dahil sa whole duration na magkasama sila ng binata ay si Reymond lang ang kanyang iniisip. Yes, she likes the guy pero sobra na naman yata iyong pagkalike niya? I mean I could've stopped thinking about him while I'm with Lence., then it hit her, OMG. D-d-o I love him?, nagpa-panic niyang isip saka pinuntahan ang kanyang pinaka-reliable source, walang iba kundi si Google.com.

She encoded, "Signs that you are in love." then she hit the enter button at pinili ang pinaka-unang resultang lumabas.

5 SIGNS THAT YOU'RE IN LOVE

This is it. sa isip niya bago basahin ang pinakaunang senyales.

1. You think about him all the time. You can't force youself not to. 

Damn it., na-realize niyang iyan nga iyong pinoproblema niya kanina pa.

2. You don't mind the gross stuff like if they have eye boogers or a big pimple. 

Napakamot ng ulo si Jennica, "Eh wala naman yatang imperfection sa mukha ng lalaking iyon." Meron, hindi mo lang napapansin., suway ng kanyang isipan dahilan para tampalin niya ang kanyang noo, "Tumigil ka brain ha? Huwag kang epal." naisip niya bigla ang mukha ng binata kung makikita siya nitong kausap ang sarili. Paniguradong magkakasalubong ang mga kilay nito at sasabihan siya ng 'weirdo'. She chuckled upon that picture then proceeds to the next sign.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now